Kabanata 19: Galit at Ganid

21 10 0
                                    

Nagkaroon muli ng malay ang prinsesa.
"Reyna, nandito na tayo?" tanong ni Raven.

"Oo prinsesa nawala ka ng malay matapos maglakbay ngunit huwag kang mag-alala nasa Maharlika na tayo. Kumain ka muna at tatawagin ko ang ating mga kasama" sagot ni Zavia.

"Salamat Reyna Zavia." tugon ni Raven.

"Huwag mo na muna akong tawaging reyna. Ang itawag mo nalang sa akin ay nanay dahil parang anak ang turing ko sa iyo. Sige tatawagin ko muna sila." wika ni Zavia

Sa Maharlika....

"Nasaan ang mga walang hiya na mga kaaway ko?! Bakit hindi ko sila matagpuan gamit ang mahiwagang tubig?! Bakit tila may tinatakasan sila at bigla silang dumating? Aalamin ko iyon!" wika ni Jelouse habang hinahanap ang kinalalagyan ng kaniyang kalaban.

Naghanap pa si Jelouse ng ilang mahiwagang kagamitan sa kaharian at natagpuan niya ang Mata ng Nakaraan; ang bolang kristal na nagsasabi o nagpapakita ng nakaraan ng isang tao.

"Ano ang silbi nito?" tanong niya sa bolang kristal.

"Ako ang mata ng nakaraan!"

"Nagsasalita pala ito." pagkamangha ni Jelouse.

"Anong nais mo?" tanong ng Bolang Kristal.

"Nais kong malaman lahat ng pinagdaanan ng mga tampalasang Prinsesa Raven na iyon!" sagot niya.

Sinabi at pinakita ng Mata ang pinagdaanan ng prinsesa na labis naman niyang kinagalit.

"May kapangyarihan ang prinsesa, iniibig siya ng aking anak at kasama niya si Naga at Zavia?! Hindi na sila ang namumuno sa Lavian?!" pagkagulat ni Jelouse.

"Si Amber pala ang umibig sa aking anak. At buti naman hindi nila nabawi ang Lavian dahil siguro ay iyon naman ang sasakupin ko ngunit hindi ko muna iyon gagalawin dahil may galit din pala si Amber kay Raven. WAHHAHAHAHAHA." dagdag pa niya.

Samantala..

"Paano natin mababawi ang Maharlika gayong alam na ni Jelouse na narito tayo?" tanong ni Arrho.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Evi kay Arrho.

"Ang aking ina-inahan walang alam tungkol sa atin? Malakas ang kutob ko na alam na niya na narito na tayo." sagot niya.

"Sige ganito nandito lang tayo upang maging mga magnanakaw. Hindi pa alam ng lahat na narito tayo. Ang mainam ay magnanakaw tayo sa Greedia ng mga yaman nila at dadalhin natin iyon!" sagot ni Raven.

"Magandang ideya yan. Minumungkahi ko din na gumamit ng salamangka sina Evi at ama upang hindi tayo masundan ni Jelouse. Isa akong prinsipe doon madali nila akong makikilala. Papaslangin din natin ang mga makakakita sa atin upang hindi tayo isumbong kay Jelouse. Isa pa alam ko kung saan nailalagay ni ina ang mga ginto dahil sinasabi niya ito sa akin noon." mungkahi ni Arrho.

"Magandang mungkahi! Gabi natin isasagawa ang pagkuha ng ginto sa Greedia upang mabawi natin ang Lavian." wika ni Raven.

"Ngunit kung ginto lang ang pag-uusapan bakit hindi nalang tayo nagnakaw sa Lavian at alam nyo na, ipangkumbinsi sa mga mamamayan." tanong ni Evi.

"Walang sapat na ginto at hindi rin natin alam kung nasaan nakatago ang ginto ng Lavian. Kung alam man natin, hindi tayo papapasukin at papaslangin lang tayo. Ngunit kung si Arrho na hindi kalaban ang turing sa mga taga-Greedia ay madali nating makukuha ang mga ginto." sagot ni Naga.

"At dahil si Jelouse din ang namumuno sa Greedia ay alam natin na may nakalagay siyang ginto roon." dagdag ni Zavia.

"Isasagawa natin ang plano mamayang gabi." wika ni Raven

A/N
Thanks for reading. Dont forget to follow for upcoming chapters and stories and dont forget to vote!❤️

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon