Kabanata 24: Hindi Inaasahan

24 10 2
                                    

Mahigit isang linggo ang lumipas mula noong dumating si Fhang sa Maharlika at dahil nais niyang lumakas ay may sinabi siya.

"Batid kong malapit nang bumalik si Raven, Jelouse pagkat tapos na ang misyon niya sa Lavian at batid ko din na magsasama siya ng mga kawal."

"Tama ka Fhang, nais kong lalong lumakas ang pagbabantay upang hindi makapasok si Raven. Nais ko din siyang tingnan sa mata ng nakaraan. Hindi ko batid kung ano ang mga balak niya ngunit nais kong lumakas ang ating pwersa upang hindi mabawi ang Maharlika."

"Kung nais mong madagdagan ang lakas mo, gawin mo ang sinasabi ko."

"Ano iyon?" tanong ni Jelouse.

"Pakasalan mo ako." bulong niya.

Samantala sa Lavian..

"Dumating na ang takdang araw ng aking paglisan nais kong kausapin kayong lahat na aking nakasama sa paglalakbay." wika ni Raven.

"Bakit? Anong gagawin mo?" tanong ni Zavia.

"Mahal na Reyna, kung inyong mamarapatin ay lilisan na ako. Ngunit sinisigurado ko na sa aking pagbabalik ay nabawi ko na ang Lavian."

"Sino naman ang makakasama mo?" tanong muli niya.

"Hindi kayo maaaring sumama mahal na reyna at hari dahil may tungkulin kayo sa palasyo. Ang nais ko ay sina Arrho, Parael, Amber at Evi nalang ang sasama." sagot ni Raven.

"Kung ganon ay sisiguraduhin ko din ang seguridad ng palasyo. Sa aking bagong natutunan na kapangyarihan ay walang makakapasok at makakalabas rito kundi ang mga mamamayan ng Lavian at ang mga kaanib ko. Babawiin ko ito kung sakaling makarating si Raven at mga kasama niya." wika ni Naga.

"Tanggapin niyo ang aking basbas na naway magtagumpay kayo." dagdag ni Zavia.

"Maraming salamat sa inyo, wala na kaming panahon. Kailangan na naming lumisan." sabi ni Raven.

Agad silang umalis ng Lavian kasama ang maraming kawal ngunit ang gamit nila ay isang malaking sasakyang pangdagat at upang mapabilis ay ginamit ni Raven ang kapangyarihan niya.

"Upang wala ring maka-alam kung nasaan tayo ay lalagyan ko ito ng pananggala at sa loob ng isang linggo ay makakarating tayo doon." wika ni Raven.

"Alam naman natin siguro na paparating ka na kaya ano ang hakbang natin?" tanong ni Evi.

"Kung hindi natin kayang bawiin ang Maharlika, sasakupin natin ang kaniyang kaharian."

"Kung ganon mapapasabak agad ako sa labanan. Tiyak na makukuha natin agad ang Greedia." wika ni Arrho.

"Hindi nababantayan ni Jelouse nang maayos ang Greedia kaya tiyak ako na makukuha natin ito." dagdag ni Parael.

"Handa ko kayong tulungan kahit hindi ako bihasa sa pakikipaglaban." sabi ni Amber.

"Huwag kang mag-alala Amber, sasanayin ka namin." Wika ni Raven.

"Sige maraming salamat!"

Sa Maharlika Muli.

"Bakit mo ako pakakasalan? Nahihibang ka na ba Fhang?"

"At bakit hindi? Ngayon pa na kailangan mo ng Hari, Jelouse."

"Papayag ako sa dalawang kondisyon Fhang. Una, tutulungan mo akong malutas ang mga suliranin. Pangalawa, papaslangin natin si Raven."

"Nangangako ako na gagawin ko iyan Jelouse. Kaya nga kailangan na nating magpakasal dahil alam kong paparating na ang iyong kalaban."

"Sige papayag ako Fhang."

"Gaganapin natin ang kasalan bukas Jelouse."

A/N
Thanks for reading again! Follow me and vote!❤️

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon