Kabanata 25: Pagbagsak at Tagumpay

22 9 0
                                    

Dumating na ang gabi..
"Tila mas mabilis pa kaysa sa dati ang ating paglalakbay. Sa palagay ko ay makakarating tayo bukas ng gabi!" sigaw ni Raven.

"Bakit? Ano ang dahilan ng pagbilis ng ating paglalakbay?" tanong ni Evi.

"Dahil nagbigay si Haring Naga ng dagdag na lakas at kapangyarihan para sa atin na naging dahilan ng mabilis nating paglalakbay na hindi tayo napapahamak." sagot ni Raven.

"Magandang balita ang iyong nabanggit! Salamat aking ama at kahit napapalayo na kami ay parang kasama mo kami!" sigaw ni Arrho.

"Tayo ay matulog na upang makabawi ng lakas sa ating mga susunod na hakbang." wika ni Amber

Kinabukasan..

"Jelouse, ito na ang araw na ating hinintay. Tayo ay ikakasal at nalalapit na pagbagsak ni Raven."

"Tama ka Fhang maghahanda na ako mamayang gabi sa ating kasalan."

Naging abala ang mga tao sa Maharlika. Maningning na ilaw ang nakapalibot dito kasama ang nais ni Jelouse na itim na bulaklak. Maging si Jelouse ay naka-itim. Hanggang dumating ang dapit-hapon.

"Malapit na magdilim at tila natatanaw ko na ang nagniningning na Maharlika ngunit sa Greedia ang sadya natin." sigaw ni Raven.

"Tama ka prinsesa sa saktong pagdilim ay nasa Greedia na tayo. Doon ay sasakupin natin ang kaharian." dagdag ni Arrho.

Lumubog na nga ang araw at nagsimula na ang gabi.

"Huwag paslangin ang mga kawal. Gagamitan ko sila ng salamangka. Ikulong muna sila." sabi ni Raven.

"Parael, ngayon din!" sigaw ni Amber
Inihagis ni Parael ang pampatulog ngunit masyadong marami ang mga kawal.

"Kakalabanin natin sila." sigaw ni Evi.

"Kung ganon ay sugod!" sigaw ni Parael.

"Kami na ni Arrho ang bahala sa trono." wika ni Raven.

Nagtungo sila sa bulwagan upang sakupin ang trono at habang nagsidating ang mga kawal ay umawit ang prinsesa ng mga kakaibang salita na siya lang ang nakaka-intindi.

"Kamangha-mangha! Nagawa mong mapatulog ang mga kawal." wika ni Arrho.

"Sino ang inyong pinuno?" sigaw ni Raven.

"Ikaw Prinsesa Raven!" sagot ng mga kawal

"Nakakamangha din at napasunod mo sila."

"Ngunit ang kapalit nito ay ilang buwan ko itong hindi magagamit dahil may limitasyon ang mga mahika katulad nito upang hindi maabuso." sagot ni Raven.

"Binabati pa din kita sa iyong tagumpay." wika ni Arrho.

Dumating pa sina Parael, Evi At Amber.

"May ilang nakatakas at batid kong sasabihin nila iyon kay Jelouse." sabi ni Evi.

"Hayaan mo na, nais ko din naman na malaman niya." sagot ni Raven.

"Ayaw mong maging Reyna?" tanong ni Arrho kay Raven.

"Ayoko Arrho, nais kong sa Maharlika ako maging reyna hindi sa Greedia. Sa iba ko ito pangangalagaan dahil naniniwala akong kaya nilang paunlarin ang Greedia ngunit hindi ko na muna ito sasabihin." sagot ni Raven.

Ang paglakad ni Jelouse patungo kay Fhang ay siyang pagbagksak ng kaniyang kaharian.

"Tinatanggap mo bang maging asawa si Fhang, Jelouse?"

"Oo nais ko siyang maging asawa."

"Fhang, nais mo bang maging asawa si Jelouse?"

"Oo nais ko siyang maging asawa."

"Kung ganon simula sa gabing ito ay kayo ay mag-asawa na."

"Mahal na reyna, si Prinsesa Raven sinalakay ang ating palasyo." wika ng isang kawal.

"Ano?! Kailangan kong magtungo doon. Fhang dito ka muna bantayan mo ang kaharian." wika ni Jelouse

A/N
thankyou sa pagbabasa ulit❤️ follow me and please vote!❤️

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon