"May naisip akong paraan ngunit tiyak kong hindi ito tugma sa inyo at tiyak kong maraming buhay ang masasawi." Wika ni Arrho.
"Ano naman iyon?" tanong nila.
"Gagamit tayo ng kapangyarihan ng kalikasan. Gamit ang kalikasan ay magsasanay tayo upang magkaroon ng kapangyarihan gaya ni Raven. Palihim tayong magsasanay at kapag magaling na tayo ay papaslangin natin gamit ang kapangyarihan ang mga kawal ni Amber." Pahayag ni Arrho.
"Masyado itong madugo anak ko. Hindi ito ang naaayong plano." pagtutol ni Zavia.
"Tama ang aking mahal. Kaunti lang ang nabiyayaan na makabasa ng aklat ng kaalaman. Hindi lahat ay nababasa ito kaya malabo rin na magkaroon tayong lahat ng kapangyarihan." paliwanag ni Naga.
"Naiintindihan ko naman kayo ama at ina. Ngayon, wala bang iba pang nakaka-isip ng ibang plano?" dagdag ni Arrho.
"Imumungkahi ko na kapag may gaganaping pagdiriwang sa palasyo ay sasalakay tayo. Susunugin natin ang kaharian at hayaan mo silang magkagulo." ani ni Evi.
"Nasisiraan ka na ba ng bait Evi? Bakit mo naman susunugin ang kaharian nina Arrho?" wika ng Prinsesa.
"Paumanhin mahal na prinsesa sa aking mga sinambit. Inaantok lamang talaga ako dahil bakit kailangan gabi natin dapat na pag-usapan ito?" sabi ni Evi.
"Para walang makarinig sa atin. Alam mo naman ang mga alagad ni Amber, ang mga tenga non ay kasing talas ng kutsilyo." dagdag ni Raven.
"Wala na bang mas kakaibang plano? Nais ko nang matulog." tanong ni Evi.
"May naisip na ako!"
"Ano yon Raven?" tanong nila.
"Arrho kailan may gaganaping piging sa palasyo?" tanong ni Raven.
"Sa ikalawang araw ng susunod na buwan ay kaarawan ni Fhang. Magkakaroon ng piging doon lalong lalo na ang pag-iinom ng libre ng kaniyang paboritong alak na gawa sa mamahaling ubas." paliwanag ni Arrho.
"Saan mo ito nalaman?" tanong muli ni Raven?
"Basta huwag mo nang alamin. Bakit ano bang naiisip mo?" sagot ni Arrho.
"Sige, ikaw Arrho ang maglalagay ng pangpatulog sa mga inumin ng palihim. Sa oras na inumin ng hari at mga kawal ito ay matutulog silang lahat. At doon natin sila dadakpin at paparusahan."
"Magaling ang naisip mo Raven. Ngayon wala bang tumututol sapagkat ako matutulog na. Magandang Gabi!" wika ni Evi.
"Walang tutol!" sagot nila.
"Sige na Arrho anak, bumalik ka na sa palasyo" sabi ni Zavia.
"Opo ina!" sagot niya.
Natulog na sina Raven at nagbalik na sa palasyo sina Arrho.
"Saan ka galing mahal ko? Sabi ng kawal ay maglilibot ka sa palasyo ngayong gabi upang hindi makagambala sa mga tao?" tanong ni Amber.
"Oo mahal gusto ko lang silang hindi gambalahin at tara na matulog na tayo." wika ni Arrho.
"Sige mahal, Magandang gabi." sabi ni Amber.
A/N
More chapters are coming! Stay tuned by following me! Also vote every part! Thanks!❤️
BINABASA MO ANG
The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)
FantasyMabait ngunit palaban, ganiyan ilarawan ng mga taong sa isang maliit na nayon si Raven. Pinalaki ito ni Evi. Ngunit isang pangyayari ang bumago sa buhay niya. Isa siyang prinsesa ngunit sinakop ang kaniyang kaharian. Nais niya itong ipaghiganti at p...