"Ang pagsang-ayon ninyo sa aming mga plano ay nangangahulugan ng hindi magandang pamumuno ni Amber. Pinapangako namin na para sa inyo ang gagawing pag-aaklas na ito! LABAN MGA MAMAMAYAN NG LAVIAN!!" sigaw ni Arrho.
"PATALSIKIN SI AMBER!! PAALISIN SA PAMUMUNO!! SUGOD SA KAHARIAN!!" sigaw ng mga tao.
Gamit ang nalalamang mga tinuro ay agad kinalaban ng mga mamamayan ang mga kawal ngunit hindi nila pinaslang sa pag-asang magagamit pa nila ito sa mga hakbang na gagawin nila.
"Aking kapangyarihan, isang malakas na buhawi na makakapinsala sa mga kalaban ngunit hindi sa mga kaanib ang aking isinasamo." wika ni Raven.
Lumabas ang isang buhawi ngunit mga piling tao lang ang sinasalanta nito at dahil sa ingay ay lumabas agad si Amber.
"Anong kaguluhan ito? Bakit ninyo kinakalaban ang aking mga kawal?" tanong ni Amber.
"Dahil katapusan na ng iyong pamumuno." sagot ni Raven.
Nagsagupaan at naglaban sina Amber at Raven.
"Mahal ka ba ni Arrho?" tanong muli ni Amber
"Manahimik ka nalang kung ayaw mong paliparin kita sa araw upang masunog ka!" sagot ni Raven.
"Pakiusap nais kong sumuko." sabi ni Amber.
"Bakit nais mong sumuko?" tanong ni Raven.
"Napilitan lang ako ng aking ama para sa kaniyang sariling ambisyon. Kaya't huwag ninyo akong paslangin." sagot ni Amber.
"Sakaling ikaw ay magsinungaling, gagawin ko ang sinabi ko kanina. Papaliparin kita sa araw upang masunog ka." -Raven.
"Totoo ang mga tinuran ko." dagdag ni Amber.
"Sige kung ganon, Parael ikulong siya." wika ni Raven.
"Ikaw si Parael? Kay kisig mo naman." sabi ni Amber.
"Ikaw naman binibini? Ikaw pala si Amber, sayang ang iyong kagandahan. Bakit mo ito sinayang upang magtaksil sa mga nakakataas?"
"Parael, itali muna siya sa puno dahil hindi pa tayo tagumpay." dagdag ni Raven.
Natalo nila ang mga kawal hanggang sa si Fhang nalang ang hindi sumuko.
"Ikaw nalang ang hindi sumusuko. Talo na kayo." sabi ni Arrho.
"Papaslangin ko ang anak mo kung sakaling hindi ka sumuko." wika ni Naga.
"Hindi ako susuko sige paslangin nyo ang aking anak. Wala na naman siyang pakinabang dahil wala siyang utak." sagot ni Fhang.
"Napaka sama mo ama." sigaw ni Amber.
Sa isang iglap, naglahong si Fhang. Walang naka-alam kung saan ito nagtungo.
"Tagumpay, tagumpay!" sigaw ng mga mamamayan.
Lumuhod si Amber sa lahat at sinabing
"Nais kong humingi ng tawad sa inyong lahat sa mga nagawa kong pagkakasala. Lalo na sa Reyna Zavia at Prinsipe Arrho. Maging kay Prinsesa Raven, nais kong makabawi sa inyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pagsisilbi.""Hindi na kailangan Amber. Maninirahan ka muna rito at hindi ka gagawing tagapagsilbi. Nais kitang gawing ordinaryong mamamayan na may mataas na katungkulan sa palasyo." sagot ni Zavia.
Niyakap ni Amber ang lahat at nagpasalamat.
"Binibining Amber, nais kitang makasamang kumain mamaya sa pagdiriwang. Maaari ba iyon?" -Parael
"Sige maaari iyon ginoo." sagot ni Amber.
"Tila nagkakamabutihan na si Amber at Parael." wika ni Arrho.
"Maghanda ang lahat sa pagdiriwang at pagkokorona sa muling pagkakataon kay Reyna Zavia bukas ng gabi." sigaw ni Naga.
Natapos ang araw na may ngiti sa mga mamamayan ng Lavian dahil sa wakas ay nabawi nila ang kaharian nila.
Ngunit sa isang sulok ng Lavian, may kalaban na naghahanda sa pagbabalik
"Huwag magsaya mga mamamayan ng Lavian. Mas masakit ang mangyayari sa aking pagbabalik."A/N
Thanks for reading again. Please Follow me and vote every chapters!❤️
BINABASA MO ANG
The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)
FantasyMabait ngunit palaban, ganiyan ilarawan ng mga taong sa isang maliit na nayon si Raven. Pinalaki ito ni Evi. Ngunit isang pangyayari ang bumago sa buhay niya. Isa siyang prinsesa ngunit sinakop ang kaniyang kaharian. Nais niya itong ipaghiganti at p...