"Kilala ko siya, bitawan sya." sabi ni Jelouse.
"Paano mo ako nakilala?" tanong ni Fhang.
"Ikaw ang kalaban ni Raven hindi ba? Nakita kita sa mata ng nakaraan. Ikaw ang sumakop sa kaharian ng Lavian. Nasaan ng iyong anak na si Amber na siyang pinakasalan ni Arrho?" sagot ni Jelouse
"Umanib siya kina Raven matapos kaming madaig at makuha muli ang Lavian. Kaya ako pumarito upang~
"Upang humingi ng tulong. Batid kong hindi ka paririto kung walang saysay ang iyong sasabihin. Tumuloy ka sa Maharlika, ang inagaw ko na kaharian na hindi pa binabawi ni Raven. Marahil ay naduduwag siya. Pumasok ka at sa silid tayo mag-uusap." dagdag ni Jelouse.
Sa silid...
"Paano nga pala nila nabawi ang Lavian sa iyo?" tanong ni Jelouse.
"Kinuha nila ang loob ng mga tao sa pamamagitan ng pamimigay ng ginto." sagot ni Fhang.
"Ganiyan din ang ginawa niya noong ako ang namununo rito, hinikayat nila ang mga mamamayan." dagdag niya.
Habang nag-uusap sila ay dumating ang isang kawal mula Greedia.
"Mahal na reyna, ngayon lamang namin nalaman. Nawawala ang karamihan sa mga ginto sa silid ng mga kayamanan. Marahil ay may nagnakaw nito.""At ang ginto marahil ng Greedia ang ginamit nila upang kunin ang loob ng mamamayan."
"Tama ka Fhang. Ang ginto ng Greedia ang ginamit nila sapagkat madali silang makakapasok dahil kay Arrho. Bakit hindi ko ito naisip noon pa?! Gusto ko ang pagiging matalas ang isip mo Fhang." wika ni Jelouse.
"Maaari tayong maging magkasangga sa mga problema kung patutuluyin mo ako rito at bibigyan ng mataas na katungkulan."
"Matalino ka talaga Fhang WHAHAHAHAHA huwag kang mag-alala gagawin kitang kasapi ng konseho."
Samantala sa Lavian
"Ito ang unang araw ng aking pamumuno. Nais kong bigyan ng pantay-pantay na pagtingin ang lahat ng tao. Nais ko din lahat ay iginagalang at makiisa sa lahat ng ating mga batas upang maging mapayapa ang kaharian." wika ni Zavia.
"Bilang bagong hari, nais kong mayroon na pantay pantay na sahod depende sa trabaho ang lahat ng mga mamamayan." dagdag ni Naga.
"At bilang isang prinsipe ay nangangako na tutulong sa hari at reyna na magpatupad ng kapayapaan." wika ni Arrho.
Sumigaw at nagpalakpakan ang mga tao.
"Mga tao ng Lavian, maaari na kayong bumalik sa dating pamumuhay ninyo." sigaw ni Naga.
Nagsilisan ang mga tao at bumalik sa dating pamumuhay.
"Amber, hindi ko na mahintay nais kitang maging asawa. Magpakasal na tayo."
"Tumigil ka Parael, magkasintahan muna tayo." wika ni Amber.
"Bakit tila malungkot ka pa din?" tanong ni Arrho kay Raven.
"Kahit sa pagtulog hindi ko malimutan ang Maharlika. Nais ko na itong mabawi. Nakiki-usap ako Arrho, tulungan mo akong mabawi ang kaharian ko."
"Huwag kang mag-alala. Bukas ay magpapa-alam ako sa aking magulang at isasama natin ang aking mga kawal at pagplanuhan natin ang pagbawi sa kaharian."
"Salamat Arrho." biglang ngiti ni Raven.
Samantala sa Maharlika ay malalim na ang pag-uusap nina Jelouse at Fhang. Ano kaya ang plano nilang muli?
A/N
Thank You For Reading!❤️
BINABASA MO ANG
The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)
FantasyMabait ngunit palaban, ganiyan ilarawan ng mga taong sa isang maliit na nayon si Raven. Pinalaki ito ni Evi. Ngunit isang pangyayari ang bumago sa buhay niya. Isa siyang prinsesa ngunit sinakop ang kaniyang kaharian. Nais niya itong ipaghiganti at p...