Kabanata 16: Nalaman ang mga Sikreto

28 9 0
                                    

"Magandang umaga mahal ko." bigkas ni Amber.

"Ikaw din mahal ko." sagot ni Arrho

"Bakit tila kay lungkot ng iyong mukha mahal ko?" tanong ni Amber.

"Wala lang ito, na-alala ko lang ang aking ina at ama. Kumusta na kaya sila ngayon?" wika ni Arrho

"Aww nakaka-awa ka naman mahal ko. Huwag kang mag-alala. Sa isang araw ay pabibisita kitang mag-isa." sabi ni Amber.

"Salamat mahal, kumain na tayo ngayon." wika ni Arrho.

Samantala....

"Mga kasama ito ay mga tinapay at ilang mga prutas upang tayo ay may makakain." wika ni Evi.

"Aba buti naman Evi at nakagising ka ng maaga at nakakuha ka pa ng mga pagkain. Siguro maganda gising mo." banggit ni Zavia

"Anong maganda sa hindi nakatulog Zavia noong nagtungo si Arrho dito." sabi ni Evi.

"Kumain na tayo at pag-usapan muli natin ang mga karagdagang plano ukol sa pinag-usapan kagabi." ani ni Raven.

Sa kaharian....

"Karne? At mga masasarap na inumin? Mayayaman lang nakakatikim nito!" sabay ubos ng pagkain si Arrho.

Unang beses niyang kumain muli ng karne pagkatapos ng ilang buwan na pagkahiwalay sa Greedia.

Dumaan ang dalawang araw, ang panahon na binigay ni Amber sa kaniya para makabisita sa kaniyang ina at ama.

"Ina nasaan ka ina? Ama?" tanong niya.

"Wala sila rito, ako lang ang iniwan nila. Sila ay namimili sa pamilihan. Tumanggi akong sumama para may magbantay rito." ani ni Raven.

"Raven, nalulungkot ka pa rin ba dahil nagpakasal ako kay Amber? Ikaw pa rin ang aking minamahal. Ginawa ko lang iyon upang mapalaya ang aking ina." pahayag ni Arrho.

"Alam mo Arrho, kung ano ano ang naiisip mo! Hindi ako nagseselos at hindi ako nalulungkot. Hindi kita iniibig!" sambit ni Raven.

"Huwag na tayong maglaro Raven. Alam kong mahal mo ako! Mahal na mahal!" wika ni Arrho.

"Alam mo gagamitin ko kapangyarihan ko kapag hindi ka tumigil! Sige subukan mo! *Humangin ng malakas.

"Sige pasensya na. Mahal lang kita." banggit ni Arrho.

"Subukan mong sabihin muli ang salitang mahal o kahit anong salitang may kinalaman sa pagmamahal at alam mo na mangyayari sa iyo!" ani ni Raven.

"Raven narito na kami." wika ni Evi.

"Anak!?" banggit nina Zavia at Naga.

Nag-usap sila muli ng mga kung ano-anong bagay.

"Mahal na mahal kita anak." wika ni Zavia.

"Uhmm ikaw din ina at ikaw din ama." wika ni Arrho.

"Oh ano Raven magagalit ka pa ba?" bulong ni Arrho.

"Bakit pati sa kanila. Sabi ko sa akin lang." bulong ni Raven.

Bumalik si Arrho sa palasyo at agad itong sinabi ni Amber:
"Mahal mo ba si Raven? At hindi mo ako mahal?"

"Hindi Amber ikaw lang!" sagot ni Arrho.

"Lapastangan!" sigaw ni Amber.

"Saan mo iyan nalalaman?!" tanong ni Arrho.

"Sa tuwing ikaw ay lumalabas, iyang soot mo na magandang damit ay may engkantasyon. Naririnig at napapanood ko lahat ng ginagawa mo sa pamamagitan ng iyong kasuotan! At kaya narinig ko ang plano nyo na balak nyong lasunin ang aking ama?! Ipadadakip ko kayo! Mga kawal, ikulong nyo siya" pahayag ni Amber.

A/N
Please Vote Every Part!😘

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon