"Paano mo nasabing buhay pa si Raven gayong pinaslang nga siya ni Jelouse." wika ni Arrho.
"Hindi niya dinala ang bangkay ni Raven." sagot ni Evi.
"Sa palagay ko hindi dinala ni Jelouse ang bangkay dahil nais niyang huwag natin itong ilibing." dagdag ni Amber.
"Nagkakamali ka Reyna Amber. Arrho, bakit tila nakalimutan mo ang sinabi ko noon?" sabi ni Evi.
"Ano bang sinabi mo noon?" tanong ni Arrho.
"Ipinanganak si Raven upang mabuksan ang natatagong yaman ng Maharlika, nakatakda na mangyari ang mga bagay na ito. Hindi si Jelouse ang papaslang kay Raven kundi si Raven ang papaslang kay Jelouse kaya't wala kayong dapat ipag-alala dahil mamamatay muna si Jelouse bago mamatay si Raven!" pahayag ni Arrho.
"Sa palagay ko ay tama ang hinuha ni Evi kaya titingnan natin kung mayroong bangkay sa sinasabing isla." wika ni Parael
Kinabukasan..
"Kayo ay magsipaghanda dahil patutungo tayo sa isla." sabi ni Parael.
Gumamit sila ng bangka upang makarating sa isla at doon ay tiningnan nila kung mayroong bangkay.
"May naaamoy ba kayo na masangsang?" tanong ni Amber.
"Tila wala akong naaamoy. Paano kung nakain na nga siya ng mga hayop." sagot ni Parael.
"Manahimik kayo dahil mali kayo!" sigaw ni Arrho.
"Bakit kami mali?" tanong nila.
"Maaaring lumisan ang prinsesa pagkatapos niyang malunasan ang kaniyang sugat at pagkatapos nito ay lumipad siya gamit ang kapangyarihan." sagot ni Evi.
"Kung totoo ang iyong mga winika ay nasaan kaya siya?" tanong ni Arrho.
"Magbabalik siya, kailangan lang nating maghintay. Tayo na at bumalik sa Greedia." dagdag ni Evi.
Sila ay lumisan na sa isla at bumalik sa Greedia. Pagdating nila ay nakatayo lang doon si Raven.
"Ika'y nagbalik Raven!" banggit ni Arrho sabay niyakap niya ito.
"Maaari mo na akong bitawan? Masakit pa ang aking sugat prinsipe." wika ni Raven.
"Ano ang hakbang mo?" tanong ni Evi.
"Tila may piging sila dahil akala nila na patay na ako kaya humanda sila dahil maghihiganti na ang prinsesa!" sagot ni Raven.
"Kung ganon ay nararapat na ihanda ko ang hukbo ng Greedia upang matiyak na mananalo tayo sa ating pagsalakay." dagdag ni Parael.
"Sasalakay kayo ngunit hindi ako kasama. Ako ay susulpot sa gitna ng labanan at haharapin ang nagpahirap sa aking buhay." sabi ni Raven.
"Kung ganon ay hahayaan ko naman si Amber na makipaglaban kay Fhang."
"Ako ang kakalaban sa aking ama at papaslangin ko siya." dagdag ni Amber.
"Ngunit hindi ba't ama mo siya? Bakit mo siya kailangan paslangin?" tanong ni Parael.
"Dahil sumosobra na siya! Hindi ko siya minamahal!" sagot ni Amber.
"Huwag mong gawin iyan Amber dahil hindi gaya mo ay may mga taong nangangailangan ng pagmamahal at kalinga ng magulang." dagdag ni Raven.
"Nauunawaan kita prinsesa kaya bibigyan ko ng pagkakataon na magbago siya kaya ikukulong nalang siya at hahayaang magbago." sagot ni Amber.
"Kung ganon ay nawa ay magtagumpay tayong lahat na madaig si Jelouse sa kapakanan ng mga tao." sabi ni Evi.
"Tuloy na ang plano maghanda na para sa kanilang piging dahil ang kasiyahan na akala nila ay magiging pagdanak ng dugo ni Jelouse." wika ni Raven.
Umalis na sila at naghanda na para sa pagsalakay.
Samantala ay naghahanda na din ang Maharlika para sa piging.
A/N
Thanks for reading!❤️ Please vote every part!❤️
BINABASA MO ANG
The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)
FantasyMabait ngunit palaban, ganiyan ilarawan ng mga taong sa isang maliit na nayon si Raven. Pinalaki ito ni Evi. Ngunit isang pangyayari ang bumago sa buhay niya. Isa siyang prinsesa ngunit sinakop ang kaniyang kaharian. Nais niya itong ipaghiganti at p...