Kabanata 26: Nagkapalit ng Kaharian

22 9 0
                                    

Nagtungo si Jelouse sa Greedia upang tingnan kung totoo ang sinabi ng kawal. Ngunit sa labas pa lang ay hinarang na agad siya.

"Bakit niyo ako hinaharangan? Ako ang inyong pinuno bakit kayo ganiyan?" tanong ni Jelouse.

"Dahil isa kang kalaban." sagot ng isang kawal.

"Lapastangan." sabay sinaksak ni Jelouse ang mga nagbabantay.

Agad na lumabas si Raven at ang mga kasama niya.

"Anong ginagawa dito ng sakim na reyna?" tanong ni Raven.

"Totoo nga na sinakop nyo ang aking kaharian. At kasama mo pa si Arrho! Aking anak halika at umanib ka sa akin." wika ni Jelouse.

"Hindi ako sasama sa iyo. Natatandaan mo ba na hindi mo ako anak at hindi naging masaya sa piling mo?" sagot ni Arrho.

Sasampalin na sana siya ni Jelouse ngunit sa halip, si Raven ang sumampal rito.

"Hindi ko isusuko ang Greedia sa iyo! At upang maging miserable ka ay susunugin ko lahat ng mga ala-ala mo rito!" dagdag ni Raven.

"Sige gawin mo hindi ko din isusuko sa iyo ang Maharlika. Hindi naman kasing yaman ng Maharlika ang Greedia kaya ayos lang." tugon ni Jelouse.

"Wala sa dami ng yaman ang ikakaunlad ng Maharlika kung hindi ay nasa namumuno! Kung sakim ang namumuno rito ay walang ikakaunlad ang kaharian ngunit kung ang namumuno rito ay pantay-pantay ang pagtingin sa mga taong nasasakupan niya, hindi lang ang kaharian ang uunlad kundi pati ang mga tao!" sagot ni Raven.

"Sinasabi ko sayo, mananatiling mahirap ang Greedia dahil wala kang kayamanan! Nasa kayamanan ang kaunlaran!"

"Tila kay saya mo Jelouse ngunit nagkapalit tayo ng kaharian. Ibabangon ko ang kaharian mo ngunit kapag nabawi ko ang Maharlika sa'yo ay tinitiyak ko na hindi ikaw ang mamumuno."

Biglang umalis si Jelouse sa sobrang inis.

"Nainis siguro ang bruha dahil totoo ang winika ng prinsesa." sabi ni Amber.

"Bayaan niyo na siya." sagot ni Raven.

Kinabukasan...

"Kinaiinisan ko talaga ang prinsesa na iyon Fhang."

"Jelouse, hindi mo ba alam na wala ka nang pro-problemahin na kaharian."

"Hindi kita pinakasalan upang maging tanga! Nais kong humanap ng solusyon kung paano mababawi ang Greedia."

"Kapag binawi mo ito mawawala ang pansin mo sa Maharlika. Maaaring kapag alam nila na babawiin mo ang Greedia ay magtungo sila rito upang ito naman ang bawiin."

"Tama ka Fhang, hahayaan kong sa kanila na ang Greedia basta't na sa akin pa din ang Maharlika. HAHAHAHA!"

Sa Greedia...

"Prinsesa, bakit tila ayaw mong maging reyna dito?" tanong ni Amber.

"Nakalaan ang Greedia para sa iba at hindi para sa akin. Nais kong ikaw lang ang maka-alam ng sasabihin ko na magiging pinuno rito."

"Sige Prinsesa sabihin mo kung sino."

"Batid kong mahal niyo ni Parael ang isa't isa at batid ko din na si Parael ay isang purong Greedian. Kaya kung kayong dalawa ang mamumuno ay mas uunlad ang Greedia. Huwag kayong mag-alala dahil sa susunod na mabawi ko ang Maharlika ay tutulungan ko kayo."

"Ngunit prinsesa, anong malay ko sa pagiging reyna gayung noong prinsesa pa ako ay parang wala akong alam."

"Buo ang tiwala ko na kakayanin mo ang hamon kaya itago muna natin ito."

A/N
The Revenge of Princess will be ending soon and don't worry it will have a SEQUEL.

-Follow me for my next story and don't forget to vote❣️

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon