Lahat ng tao ay masaya. Masasarap na pagkain, mga magaganda at makulay na palamuti ang nakapalibot sa buong Lavian. Lahat ay nagsasaya liban nalang kay Raven.
"Bakit tila malungkot ang prinsesa? Ano kaya ang dinaramdam niya?" tanong ng nakararami.
"Prinsesa Raven bakit tila ika'y tumatangis?" tanong ni Evi.
"Wala lang ito." sagot ni Raven.
"Alam ko ang dahilan, nais na niyang mabawi ang Maharlika. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan ka ng Lavian." wika ni Zavia.
"Salamat Reyna."
"Makinig ang lahat, dahil nabawi na natin ang ating kaharian, may bago na ulit tayong reyna at iyon ay walang iba kung hindi si Reyna Zavia!" sigaw ng tagapagsalita
"At dahil ang anak niya na si Prinsipe Arrho, mananatili siyang prinsipe dito. At dahil sa hiling ng namayapang amang hari ng ating Reyna, kung sino ang minamahal niya ay iyon ang magiging hari." dagdag pa niya.
"Nais kong maging hari si Naga sapagkat sinabi ng aking ama na kung sino ang aking pakakasalan ay siyang magiging hari ng Lavian." wika ni Zavia.
"Totoo mahal? Ako magiging hari?" tanong ni Naga.
"Oo dahil pinatawad ka na niya bago siya pumanaw." sagot ni Zavia.
"Ngayong araw, sa ngalan ng namayapang hari ay tinatanghal ko na si Zavia bilang bagong Reyna at si Naga bilang bagong Hari!" sigaw ni Arrho.
"MABUHAY! MABUHAY! MABUHAY!! MABUHAY SINA REYNA ZAVIA AT HARING NAGA!"
sigaw ng mga tao sa lubos na kaligayahan.Sa araw ding iyon may nagtapat ng pag-ibig.
"Amber kahit ilang oras pa lang tayong nagkakilala, sa hinuha ko ay ikaw ang aking mapapang-asawa." wika ni Parael.
"Nasisiraan ka ng bait? Sige nais muna kitang maging kasintahan!" sagot ni Amber.
"T-talaga? G-gusto mo akong maging kasintahan? Haaah" tanong ni Parael nang bigla siyang nahimatay.
"Tingnan mo nga naman, buti pa si Parael at Amber ilang oras palang nagkakilala magkasintahan na agad. Paano kaya tayo?" wika ni Arrho.
"Tayo? Nais ko lang mabawi ang aking kaharian at maipaghiganti ang aking ama at ina. Ayoko na rin mag-asawa at nais ko nalang maging mabuting reyna." sagot ni Raven.
"Paano ka magkakaroon ng tagapagmana kung walang kang asawa?" tanong ni Arrho.
"Manahimik ka nalang, nais ko nalang muna na mabawi ang kaharian at mapaslang si Jelouse. Bukas ako aalis mag-isa." sabi ni Raven.
"Sandali, hindi mo kami isasama?" tanong ni Arrho.
"Sige isasama ko kayo. Hindi ko din naman kayang mag-isa. Magpapalipas muna ako ng ilang linggo." sagot ni Raven.
"Sige salamat Raven!" sigaw ni Arrho at pagkatapos ay niyakap niya ito.
Samantala
"Narito na ako sa Maharlika, ang tahanan ng prinsesang si Raven."
"Sino ikaw?" tanong ng mga kawal.
"Nais kong kausapin ang inyong pinuno."
Dumating si Jelouse.
"Sino ka at bakit ka nanggagambala rito?" tanong ni Jelouse.
"Ako si Fhang."
A/N
Para updated follow me and don't forget to vote!❤️
BINABASA MO ANG
The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)
FantasiaMabait ngunit palaban, ganiyan ilarawan ng mga taong sa isang maliit na nayon si Raven. Pinalaki ito ni Evi. Ngunit isang pangyayari ang bumago sa buhay niya. Isa siyang prinsesa ngunit sinakop ang kaniyang kaharian. Nais niya itong ipaghiganti at p...