Sumapit ang gabi at silang lahat ay handa na.
"Walang tutulog-tulog sa inyo. Eto, isang pampagising. Ginawa iyan ni Evi upang hindi tayo antukin magdamag. Tayo na sa Greedia." sabi ni Raven.
Gamit ang kapangyarihan ay lumipad sila papuntang Greedia at bumaba sa tore nito kung saan ay walang ilaw at walang nagbabantay.
Si Arrho bumaba sa kakahuyan upang salubungin ang mga kawal.
"Prinsipe Arrho, ika'y bumalik maaari kang pumasok at ipaghanda ni Parael ng makakain." wika ng isang kawal.
"Hindi na, kaya ko na sarili ko ako ay magtutungo sa aking silid." sagot ni Arrho.
Nagtungo siya sa kaniyang silid. Nakita siya ng kaibigan niyang si Parael.
"Kumusta kaibigan, matagal kitang hindi nakita. Tila nakabuo ka na ng pamilya kay Raven?" wika ni Parael.
"Sasamahan mo ba ako sa mga kayamanan ni Ina?" tanong ni Arrho.
"Oo kaibigan kita basta bibigyan mo ako mga limang-daang gramo." sagot ni Parael.
Dinala ni Parael si Arrho sa silid ng kayamanan. Hinarang sila ng mga kawal at dumating sina Raven.
"Eto Arrho, nakakatulog ang alikabok na iyan." wika ni Raven.
At nakatulog ang mga kawal. Nakapasok sila sa silid ng ginto.
"Parael tulungan mo kami. Sumama ka sa amin upang mas maraming ginto ang makuha namin."
"Sige Arrho basta makikinabang ako rito." sagot ni Parael.
Nakakuha sila ng maraming ginto. At tumakas sila sa tore.
"Nakakamangha Arrho, makapangyarihan pala iyong~"
"Manahimik ka nalang Parael." sambit ni Arrho.
"At bakit mo pinipigilang magsalita ang kaibigan mo?" tanong ni Zavia.
"Wala ina." sagot ni Arrho.
"Kay dami ng ginto na nakuha natin. Magtutungo na ba tayo sa Lavian?" tanong ni Evi.
"Sa Lavian nga tayo tutungo. At saktong pagdating natin doon ay sikat na ang araw." sagot ni Raven.
Nakarating sila sa Lavian ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi sila nagpakita sa mga kawal. Pagkadating nila ay bumaba sila sa kagubatan. Natanaw nila ang mga kawal na naroroon.
"Labanan sila. Kunin ang kanilang kalasag at kasuotan at paslangin." bulong ni Raven.
"Ngayon din! Bumaba!" bulong muli niya.
Sila ay bumaba. Nilabanan ang mga kawal at kinuha ang kasuotan, kalasag, at maging ang mga sandata.
"Isuot na natin ang mga ito." wika ni Raven.
"Bakit nga ulit ako ay sinama nyo?" tanong ni Parael.
"Magaling ka at matalino sa pakikipag-laban kaya't maaari mong maipagtanggol ang aking kaharian." sagot ni Arrho.
"Bakit? Ikaw Arrho? Ikaw ay taga rito?" tanong muli ni Parael.
"Pagkat ako ay anak ni Zavia. Ang reyna ng Lavian ngunit nag-aklas ang kanilang punong kawal kaya ganito ang sitwasyon." dagdag ni Arrho.
"Tama na ang pag-uusap. Kumbinsihin na natin ang mga mamamayan." wika ni Raven.
"Maghiwa-hiwalay tayo upang madali natin silang kumbinsihin." dagdag ni Evi.
Sinimulan na nila ang pangungumbinsi sa mga mamamayan.
"Magandang araw. Nais ko lang kayong tanungin. Bilang mga alipin ay mahirap ba para sa inyo ang magtrabaho ng walang binibigay na sahod?" sabi ni Naga.
"Oo nakakasawa na ang pamumuno ng mag-ama na iyon. Kay lupit ng kanilang pamumuno. At minsa'y pinagbabayad pa kami ng buwis." sagot ng isa sa mga tao doon.
"Eto, Tatlumpung gramo ng ginto at madadag-dagan pa iyan kung sasama kayo sa amin sa pag-aaklas."
Agad na sumang-ayon ang mga mamamayan sa mga plano nila. At hindi nagtagal ay nakabuo na sila ng isang matibay na hukbo ng mga mamamayan upang mapalakas ang pag-aaklas.
Tinuruan sila sa pamumuno ni Parael at ipinagpapatuloy nila ang pagsasanay hanggang sa dumating ang araw ng pag-aaklas.
A/N
Thank You For Reading! Please Vote ang Follow me for more chapters and stories!❤️
BINABASA MO ANG
The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)
FantasyMabait ngunit palaban, ganiyan ilarawan ng mga taong sa isang maliit na nayon si Raven. Pinalaki ito ni Evi. Ngunit isang pangyayari ang bumago sa buhay niya. Isa siyang prinsesa ngunit sinakop ang kaniyang kaharian. Nais niya itong ipaghiganti at p...