BALIW NA PUSO

605 18 0
                                    


(Arabella at Karl)

Chapter 1

Teenager pa lang si Arabella Domingo ng mainlove siya kay Karl Alcantara.Anak ito ni Don Remuel Alcantara na kung saan nagmamay ari ng hacienda sa kanilang bayan.Isa lang hamak na anak ng hardinero si Arabella ng pamilyang Alcantara.Kahit matanda ng limang taon si Karl kay Arabella ay tumibok ang batang puso niya.Palagi niya itong pinagmamasdan at pinapapantasyahan.Palagi din siyang nandun sa hacienda para masilayan lang ito.Umusbong pa ang nararamdaman niya sa araw araw niyang nakikita niya ito.Pero alam niya sa sarili niya na langit at lupa ang katayuan nila sa buhay.Kaya nagpursige siya sa pag aaral para lang kahit papaano ay mapantayan niya ang antas ng pamumuhay ni Karl.Ito ang naging inspirasyon niya sa kanyang pag aaral.Sinabi niya sa sarili ay mapapansin din siya nito balang araw.Pero paano kung di umayon sa kanya ang tadhana.?Paano kung may mahal na pala itong iba?Paano pa kaya siya mapapansin nito.?Ano ang kanyang gagawin para maangkin lang ang puso ni Karl Alcantara na pagmamay ari na ng iba?Tunghayan ang isang kwento kung paano nakakabaliw ang pag ibig.?Hahamakin ni Arabella ang lahat makuha lang niya si Karl.

"Hoy tulo na naman laway mo sa pagpapantasya sa Karl na yan."pukaw ng kanyang ate Anna sa kanya.

"Ano ka ba ate huwag ka ngang magulo."inis na sabi niya dahil napakilljoy nito pagdating sa kanyang nararamdaman.

"Hay naku Arabella kahit matunaw mo pa siya sa kakatitig.Hindi ka mapapansin niyan.Isa ka lang hamak na anak ng hardinero."sinasabi ni Anna ang katotohanang ayaw niyang marinig.

"Magpupursige ako sa pag aaral para mapansin ako ng Prince Charming ko."nangangarap na saad ni Arabella.

"Asa ka pa.Sige ka masasaktan ka lang sa pangarap mo."pagpapaalala ni Anna sa kapatid.

"Ate naman walang imposible sa ngalan ng pag ibig."asang asa talaga ang batang puso niya.

"Ewan ko sayo.Pag umiyak ka sa pantasya mo bahala ka.Basta binalaan na kita Arabella.Na hindi kelanman magkakatotoo ang pangarap mo."dagdag pa ni Anna.

"Sisiguraduhin kong balang araw mapapansin niya ako."puno ng pag asang sabi ni Arabella.

Napapailing na lang si Anna sa tinuran ng kapatid.Tila patay na patay talaga ito kay Karl Alcantara.Ang lalaking langit ang agwat sa kanyang kapatid.Nag aalala siya para dito.

Isang araw may pagdiriwang sa kanilang bayan.At kasali si Arabella sa Santa Cruz san.Hindi kasi magpapahuli ang ganda niya kahit 15years old pa lang siya.At hindi niya inaasahan si Karl Alcantara ang magiging scort niya.Kinikilig siya sobra at gusto niyang sumigaw sa tuwa.

"Ate pagkakataon ko na ito."kilig na kilig na sabi ni Arabella.

"Hoy sabunutan kaya kita para matauhan ka.Arabella magtigil ka nga."naiiritang sabi ni Anna sa kapatid.

"Ang kj talaga ni ate."excited na excited naman si Arabella sa Santa Cruz san.Mahahawakan na niya ang Prince Charming niya.At pakiramdam niya napakaswerte niya dahil ito ang scort niya.Kelangan niyang maging magandang maganda sa paningin nito.

Samantalang napipilitan naman si Karl sumali sa Santa Cruz san.Pakiramdam niya hindi siya bagay doon.Pero pinilit lang siya sa kanyang ama na si Don Remuel.

"Pag tumanda ka na di mo na mararanasan iyon."pamimilit ng Don.

"Ok ok na Daddy sige na papayag na ako maging scort."nakukulitang saad ni Karl.

"Good son.Magiging scort ka ni Arabella."gustong gusto ng Don ang pamilya ni Arabella dahil sa kaibigan ng Don ang ama ng dalagita.Ito kasi ang naging tulay kung paano niya nakilala ang Ina ni Karl na namayapa na.

"Who's that girl?"kunot noong tanong ni Karl.

"Anak siya ng kaibigan kong si Armando."sagot naman ng Don.

"Oh that teenager girl.?Bakit siya wala bang kasing edad ko.?"para kay Karl age always matter.

"Magiging scort ka lang naman.Hindi mo naman siya liligawan."biro ng Don.Pero gusto niya isa sa mga anak ni Armando ang magkatuluyan ng kaisa isa niyang anak.Dahil gusto niya ang mga babaeng laki sa probinsya nila.

"Daddy Im not kidding.Baka may masabi ang mga tao."importante kay Karl ang kanyang image.

"Son Arabella is beautiful kaya walang masasabi ang mga tao sayo.And why you always bother about what people say.?"sabi ng Don.

"Basta importante sa akin ang image ko."sabi ni Karl.

"Alright alright ayoko nang makipagtalo about sa image image na yan.Basta ikaw ang magiging scort ni Arabella."pinal na saad ng Don.

"Whatever."kibit balikat na lang ni Karl Alcantara.

BALIW NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon