Chapter 11

175 5 0
                                    

★BALIW NA PUSO★

Chapter 11

Hindi tuloy siya excited sa pagkikita muli ni Karl.Asang asa lang siya ba sa wala.Pero malay natin balang araw magbabago ang takbo ng mundo.Kunsabagay hindi pa naman kasal si Karl Alcantara.Pwede pa ang bagay na gusto ni Arabella.Ang maangkin ang puso nito.
Madaling lumipas ang buwan.Bakasyon na ulit.Dinala nga ni Karl ang gf niyang si Cynthia sa probinsya.Matangkad ito at sexy medyo maganda lang naman.At talagang ang kasuotan nito ay pang moderno.Hapit na hapit ang damit nito.At napakaiksi.Nakikita ni Arabella iyon sa mansyon ng tumulong siya sa pag aalaga ng mga bulalak sa harden ng mga Alcantara.Ang tatay niya ang hardenero doon.

"Arabella.!"tawag ni Karl sa kanya.

"Bakit po?"walang ganang sambit ni Arabella.

"Halika ipakilala kita kay Cynthia.Gustong gusto ka nilang makita."nakangiting sabi ni Karl.

"May ginagawa pa ako kuya."alibi niya.

"Iwan mo muna yan.Lets go."hinila na ni Karl si Arabella papunta kay Cynthia.

"It might be Arabella right?Hi nice meeting you."sabay yakap ni Cynthia sa kanya.

Naalibadbaran siya sa ginawa nito.Kaya kumawala agad siya sa pagkakayap dito.Feeling close agad kasi ito.

"Pasensya ka na ganito lang talaga ako.Since gf ako ni Karl gusto ko din makilala ang malapit sa kanya."pagpapaliwanag ni Cynthia.

"Arabella si Cynthia gf ko.Cynthia si Arabella my sister.Hindi man kami magkadugo.But I treat her a younger sister."kwento ni Karl.

"Ang bait bait talaga ng bf ko."paglalambing ni Cynthia.

"Itanong mo kay Arabella kung mabait talaga ako."biro ni Karl.

"Arabella mabait ba talaga si Karl?"tanong naman ni Cynthia sa kanya.

"Medyo."tipid na sagot ni Arabella.Sa pagkakilala talaga niya kay Karl ay nakapasuplado nito.Kamakailan lang naman silang naging close na dalawa.Kaya hindi pa niya masasabing mabait ba talaga ito.At isa pa sinaktan siya nito.

"Nilaglag mo na ako niyan Arabella."natatawang saad ni Karl.

"Tell me about him Arabella.Kasi bago ko palang kasi siyang bf ei."feeling close talaga ito.

"Ah wala po akong masasabi sa inyo.Pwede mo naman kayo na lang kumilala sa kanya."sarkastikong saad ni Arabella.Hindi niya talaga feel makipag usap sa tinuturing niyang karibal.

"Ayaw ata akong maging close ni Arabella."malungkot naman saad ni Cynthia.

"Babe siguro bago lang kasi kayong magkakilala.Kaya aloof pa si Arabella sayo."sabi naman ni Karl.

"Kuya may gagawin pa ako kasi sa bahay.Mauna na ako sayo."gusto ni Arabella na umiwas kay Karl dahil nasasaktan siya na may kasama itong iba.

"Hatid na kita.Babe dito ka muna ha.Ihahatid ko lang si Arabella."paalam ni Karl kay Cynthia.

"Sige.Magpapahinga lang din ako."feel at home talaga si Cynthia sa mansyon.

Samantalang wala naman nagawa si Arabella.Pumayag na lang siyang ihatid siya ni Karl sa bahay nila.Habang nasa daan tahimik lang siya.

"Arabella may problema ka ba sa akin?May nagawa ba ako sayo?"tanong ni Karl sa kanya.

"Wala naman po.Bakit nyo po yon natanong?"pagsisinungaling ni Arabella.Gustuhin man niyang sabihin dito na nasasaktan siya.Pero di niya magawa.

"Nag iba ka kasi.Parang kasing hindi ka masaya ng makita mo uli ako."yon ang pakiramdam ni Karl.

"Nahihiya lang po ako sa kasama mo."yon ang naisip na idahilan ni Arabella.

"Ah ganun ba.Mabait si Cynthia kaya wag kang mahiya.Like you friendly din siya.At magaan kasama."

Napaismid naman si Arabella.Kung alam lang ni Karl na nasasaktan siya ngayon.Pero kelangan niyang magkunwari.

"Nandito na tayo kuya.Sige balikan mo na ang gf mo."pagtataboy ni Arabella sa binata.

"Wag kang mag alala.She can manage on herself.Pwede bang pumasok ako sa loob ng bahay ninyo."gusto ni Karl na makita kung ano ang hitsura ng tirahan ni Arabella.Basta gusto pa niya itong makilala pa.Konting panahon lang sila kasi naging close na dalawa.Gusto niya malaman kung ano ang hilig ni Arabella.At hindi nito gusto.

"Buti wala si ate.Sige pasok po kayo."sabi ni Arabella.

"Salamat naman at wala ang ate mo."pumasok na si Karl sa loob.Malinis at organize ang loob ng bahay nila Arabella.Kahit maliit lang ito.May nakikita siyang mga medals at trope na nakadisplay.

"Kay ate at sa akin.Masipag kaming mag aral."kwento ni Arabella.

"Good dapat lang maging masipag tayo sa pag aaral."sabi ni Karl.May nakita din siyang mga picture na nakasabit.Ang ganda ganda ni Arabella ng bata pa ito.Hanggang ngayon din naman.Kamukha siya ng Itay niya.

"Ano pong gusto nyo juice kape or tubig?"tanong ni Arabella.

"Juice na lang."sabi ni Karl.Patuloy pa rin siya sa pagtingin tingin.Mahilig pala talaga si Arabella din sa mga pageant.Hindi niya alam kung bakit ang gaan gaan ng pakiramdam niya pagnakikita niya si Arabella.Sabik nga siyang umuwi sa hacienda dahil kay Arabella.Oo may gf siya pero hindi pa niya masasabing mahal niya ito.Gusto niya ang personalidad ni Cynthia.Nakikita kasi niya si Arabella sa pagkatao nito.Kaya niligawan niya ito.At sinagot naman siya agad nito.Kaya naging sila ni Cynthia.Hindi pa niya masasabi na si Cynthia na ang the one.He is only 21 kaya gusto muna niya

BALIW NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon