Chapter 22

141 4 0
                                    

★BALIW NA PUSO★

Chapter 22

Nagsorry si Karl sa kanyang nobya na si Cynthia.Pero may plano na siyang hiwalayan ito.Total hindi naman niya ito mahal talaga.Hinatid niya muna ito sa mansyon para balikan niya sila Arabella at Anna.Sinama niya ito hindi para iwan lang doon.Baka magalit ang Itay ng mga ito sa kanya.

"Saan ka pupunta?"inis na tanong na naman si Cynthia.

"I want to go back there.Babalikan ko sila Arabella doon.Hindi ko sila pwede iwan.I hope you will understand Cynthia."nagmamadaling umalis si Karl.

Wala ng magawa si Cynthia kundi ang magdabog.

Samantalang masaya sina Arabella at Anna habang nasa daan.Uuwi na sila.Nagkukulitan at nagkantahan pa sila.Hanggang sa dumating si Karl na humahangos.Pawisan ang gwapong mukha nito.Halatang tumatakbo.

"Are you alright?"nag alalang tanong ni Karl.

"Ok lang po kami kuya."nakangiting saad ni Arabella.

"Iniwan nyo na naman ang gf nyo?"tanong ni Anna.

"I want you two make sure na makakauwi kayo ng maayos.Baka magalit sa akin ang Itay nyo.Ako ang nagyaya sa inyo sumama.Hindi ko kayo bastang iwan na lang."saad ni Karl.

"Tagarito kami kaya mag ok lang talaga kami."sabi ni Anna.

"Ate concern lang naman si kuya sa atin."pagtatanggol ni Arabella sa Prince Charming niya.Baka sungitan na naman ito ng ate niya.

"Dapat niya unahin ang gf niya.Nakakaawa naman si Cynthia."saad ni Anna.

"She's fine dont worry.Tayo na Arabella hindi na ba masakit ang paa mo.?"tila walang pakialam si Karl sa nobya.

"Hindi na."sabi naman ni Arabella na ang saya saya.Pinaramdam kasi ni Karl na importante siya nito.

"Hindi ka ba pagod?"tanong ni Karl.

"Hindi.Kuya pawisan ka na.Teka yumuko ka."sabi ni Arabella gusto niya kasi punasan ang pawis sa mukha ni Karl.Kaso hindi niya maabot.

Yumuko naman si Karl.At pinunasan ni Arabella ang pawis niya sa mukha.Gamit ang laylayan ng damit ng dalagita.What a sweet gensture of her.Nasa loob loob ni Karl.

"Arabella anong ginagawa mo."binaba ni Anna ang laylayan ng damit ng kapatid nakikita na kasi ang makinis na tiyan nito.

"Pinapahiran ang pawis ni kuya."inosenteng sagot ni Arabella.She is not aware na nakikita ni Karl ang tiyan niya.

"Ano ka bang bata ka.Nakikita na ang tiyan mo."sermon na naman ni Anna.

Natatawa naman si Karl.Masyadong overprotective ang ate ni Arabella.Daig pa nito ang isang Ina.

"Wala naman malisya sa akin iyon."sabi ni Karl.

"Kahit na."sabi ni Anna.

"Ate love mo talaga ako.Salamat."hinalikan ni Arabella ang kapatid sa pisngi.

"Ngayon mo lang alam yon."malambing na saad ni Anna.

Napangiti naman si Karl sa eksena.Inakbayan niya si Arabella.Naiinggit kasi siya sa lambingan ng magkapatid.Gusto din siyang nilalambing ng dalagita.Since solo lang siyang anak ay gusto niya ng kapatid.Kapatid nga lang ba ang turing niya kay Arabella o higit pa doon?

Masaya silang tatlong nakauwi sa mansyon.Pero si Cynthia ay bakas sa mukha nito ang pagkayamot.Pero di niya pwedeng hiwalayan si Karl Alcantara.Dahil bukod sa gwapo  mayaman din ito.

BALIW NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon