★BALIW NA PUSO★
Chapter 47
Hindi iniwanan ni Karl ang dalawa sa sala.
"Pare pwede mo ba muna kami iwanan na dalawa.I want a private talk to Bella."seryosong saad ni Andrei.
"Pwede naman kayo mag usap na nandito ako."sarkastikong saad ni Karl.
"Pare please pribado ang pag uusapan namin."giit ni Andrei.
"Just talk Andrei.Wala akong balak iwan kayong dalawa dito.Wala akong tiwala sayo."saad naman ni Karl.
"Ok."naiinis na sabi ni Andrei.
"Ano po bang sasabihin ninyo sa akin.?"sabad ni Arabella.
"Gusto kitang ligawan Bella."deretsang saad ni Andrei.
"A-andrei diba sabi ko na hindi ko yon priority.Sorry kung hindi pa ako magpapaligaw sa kahit kanino."saad ni Arabella.
"And Im willing to wait naman.Just give me a chance Bella.To show how much I love you."malakas ang loob ni Andrei manligaw.
"Pero magsasayang lang kayo ng oras sa akin."seryosong saad ni Arabella.
"Wala akong pakialam.Basta bigyan mo lang ako ng chance."pilit ni Andrei.
"Andrei wag ka ng mamimilit."sabad ni Karl sa usapan.
"Pare ang usapan ito ay usapan lang namin ni Bella.Wala ka ng pakialam dun."galit na saad ni Andrei.
"Hey nandito ka sa condo ko.At baka nakakalimutan mo na ako ang guardian ni Arabella."maawtoridad na saad ni Karl.
"Kuya Karl tama na ano ba?"awat ni Arabella.
"Bella uuwi na ako.Sa susunod na lang tayo mag usap."sabi ni Andrei.
"Sige Andrei.Ingat po kayo sa pagmamaneho."paalam ni Arabella.
"Good night and sweet dreams."hinalikan bigla ni Andrei si Arabella sa pisngi.
Hindi na nakapagtimpi si Karl.Umigkas ang kanyang kamao sa mukha ni Andrei.
"Kuya.!"takot na takot napasigaw si Arabella.
"Masyado ka ng bastos Andrei.!"sigaw ni Karl sa kaibigan.
"What the hell are you doing.?"nang makahuma ay gumanti ng suntok si Andrei kay Karl.
"Andrei kuya Karl tama na."mangiyak ngiyak na pumagitna si Arabella sa dalawa.
"Umalis ka na ngayon din.!At huwag ka ng bumalik pa dito.!"singhal ni Karl.
"Andrei umalis na po kayo please."pakiusap ni Arabella.
"Ok Bella shhh...dont cry.Im sorry."yun lang at umalis na ito.
Nang sila na lang dalawa ay katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.Galit pa rin si Karl sa kaibigan dahil sa paghalik nito kay Arabella.
"Kuya bakit mo sinuntok si Andrei?"tanong ni Arabella.
"Ang bastos niya he kiss you."galit na saad ni Karl.
"Pero hindi mo pa rin dapat ginawa yun."inis na sabi ni Arabella.
"Ano ang dapat ko bang gawin?Pinoprotektahan lang kita Arabella."sabi ni Karl.
"Hindi mo naman ako kapatid bakit ma ginagawa yon?"galit na din si Arabella.Naiinis siya sa katotohanan kapatid lang ang turing ni Karl sa kanya.
"Tama ka hindi nga kita kapatid.Pero ako ang guardian mo dito sa Manila."saad ni Karl.
"Sa kahihigpit mo sa akin.Baka hindi na ako makatiis aalis na ako dito sa poder mo.!"first time ni Arabella na magalit kay Karl.
"What did you say?"nabigla si Karl sa sinabi ni Arabella.
"Baka aalis ako dito sa condo mo paghihigpitan mo lage ako."inulit ni Arabella ang sinabi.
Nasaktan si Karl sa sinabi ni Arabella.Hindi siya makakapayag na umalis ito sa poder niya.Hindi maaari yon.Napabuntonghininga siya at pinilit na maging malumanay.Sa kabila ng galit niya.
"You cant do that.Ok what do you want?"malumanay na saad ni Karl.
"Gusto kong wag mo akong higpitan.Wag kayong mag alala hindi naman ako magpapaligaw."saad ni Arabella.
"Ok if what you want.Im sorry."saad ni Karl.Gagawin niya ang lahat wag lang umalis si Arabella sa poder niya.Hindi niya iyon kakayanin.
BINABASA MO ANG
BALIW NA PUSO
FanfictionKwento ng isang teenager na nagmahal,nasaktan at minahal pabalik ng taong kanyang minamahal...!!!♥♥♥♥ Alamin ang kwento ni Arabella Domingo isang probinsyanang nangangarap...!!