★BALIW NA PUSO★
Chapter 21
Kahit pawisan na si Karl ay buhat buhat pa rin niya si Arabella.Natouch naman si Anna sa ginagawa ng binata sa kapatid niya.Kaya nanahimik na lang siya.At nakikita niyang nag eenjoy ng husto ang malanding kapatid niya.Gusto niyang kurutin ito sa singit.At napapansin din ni Anna na yamot na yamot na si Cynthia sa eksena.Sino ba naman gf ang matutuwa kung ang bf nito ay may inaasikasong iba.Kahit siya din ay mayayamot.Ito naman kapatid niya ay mahilig umeksena sa magjowa.Napapailing na lang si Anna talagang makulit si Arabella.
"Ibaba mo na ako kuya.Napapagod ka na."mayamaya ay sabi ni Arabella.
"Buti naman ay nakaramdam ka ng hiya."sabi ni Cynthia.
Tumaas ang kilay ni Anna at ni Arabella sa tinuran ni Cynthia.Tiningnan nila ng masama ito.
"Bakit napapagod na ang bf ko sa kabubuhat sayo."mataray na saad nito lumabas na ang kulay nito.
"Akala ko ba mabait gf mo kuya."saad ni Arabella.
"Cynthia what are you talking about.Hindi ako pagod."awat ni Karl baka magkasakitan ang kasama niya.
"At ikaw naman simula ng nandito tayo sa probinsya nyo.Laging si Arabella na lang ang inaalala mo.Na OOP ako sa inyo Karl.Ako ang gf mo pero iba ang kalandian mo.!"singhal ni Cynthia sumabog na ito sa galit.
"Anong kalandian?She's my sister Cynthia.!"galit din saad ni Karl.
"No she's not your sister Karl.Hindi kayo magkadugo diba?"galit na saad ni Cynthia.
"What's your point now Cynthia?"sigaw din ni Karl.
"Gusto kong umuwi na ng Manila.!Ayaw ko ng maging parang tanga nakasunod lang sa inyo lage."naiiyak na sabi ni Cynthia.
"Go on.Wala namang pumipigil sayo.!"sabi ni Karl.
"So hindi mo ako pipigilan ganun ba?"lalong nagalit si Cynthia.
"Bakit naman kita pipigilan?"mataas naman ang ego ni Karl.
"Fine magsama kayo parehas mga promdi.!"galit na namartsa si Cynthia palayo sa kanila.
"Senyorito sundan mo na ang gf mo.Hindi niya alam ang daan pabalik.Kung mag aaway lang kayo wag na ninyo kami isama."asar na saad ni Anna.
"Oo nga naman kuya.Sundan mo na si Cynthia.Baka mapaano pa siya."kahit papaano mabait naman si Arabella.Kahit tinuring niyang karibal si Cynthia.Ayaw pa din niyang mapahamak ang isang tao.
"Ok pasensya na kayo ha."natauhan naman si Karl tama sina Arabella baka nga paano si Cynthia sa daan.Dali dali niya itong sinundan.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko sayo Arabella.Nag aaway sila dahil sayo."sermon na naman ni Anna sa kapatid.
"Ano bang ginagawa ko.?"maang na tanong ni Arabella.
"Bakit kasi ka sumama pa.Kung hindi pa ako sumama ei naiwan ka namang mag isa."concern na sabi sa kapatid.
"Ate wag ka ng magalit.Mag enjoy na lang tayo."masiglang sabi ni Anna.
"Ok pero di kita bubuhatin.Kaya mo na bang maglakad?"sabi na ni Anna.
"Medyo ok na ang paa ko."sabi ni Arabella."Halika na ate ang ganda doon oh."
"Oo nga."nakangiti ng saad ni Anna.
Mahal lang niya ang kapatid kaya nagawa niyang higpitan ito.Ayaw na ayaw niya itong nakikitang nahihirapan at umiiyak.At ayaw niyang maranasan ni Arabella ang maging broken hearted.Dahil tulad ng Itay niya baka hindi na ito matotong ngumiti at sumaya pa.Mana pa naman si Arabella sa Itay niya grabe kung magmahal.Nauunawan naman niya ang nararamdaman ng kapatid.Pero masyado pa itong bata para masaktan lang.
BINABASA MO ANG
BALIW NA PUSO
FanfictionKwento ng isang teenager na nagmahal,nasaktan at minahal pabalik ng taong kanyang minamahal...!!!♥♥♥♥ Alamin ang kwento ni Arabella Domingo isang probinsyanang nangangarap...!!