*BALIW NA PUSO*
Chapter 61
Pinauwi din ng Don si Karl sa hascienda nila.Maysakit daw kasi ito.Kaya nagpaalam siya kay Cynthia.Ngayon binaling na niya ang pagmamahal niya dito na para sana kay Arabella.At tumatanda na rin siya gusto na din niyang magkapamilya.Si Cynthia kasi ang kasa ksama niya noong parang gumuho na ang mundo niya.Pinalalakas nito ang loob niya.Kaya deserving si Cynthia sa pagmamahal niya.At isa pa buntis na ito sa anak nila.Kelangan na nilang makasal para maging legal ang anak nila.Ayaw na sana niyang umuwi ng probinsya dahil nandoon ang mga alaala ni Arabella sa lugar na iyon.Ayaw na niyang maalala pa ang sakit na dinulot nito sa kanya.Ngayong masaya na siya sa piling ni Cynthia.Pero kelangan niyang umuwi dahil sa kanyang amang maysakit.
"Sasama ako sa iyo."saad ni Cynthia.
"Sige kung kaya mo pang bumyahe."limang buwan na kasi itong buntis.
"Kaya pa namin ni baby."nakangiting sabi ni Cynthia.
"Sige mag impake ka na baka matatagalan tayo doon."saad naman ni Karl.
"Ok hon.'malambing na saad ni Cynthia.
Sumama nga ito kay Karl na pumunta ng probinsya.Mahaba haba din ang binyahe nila.Nadatnan niya ang kanyang ama na nakaratay sa kama.Doon na din ito kinabitan ng dextrose at may nurse din itong nakabantay.
"Dad nandito na po kami."bungad ni Karl.Awang awa siya sa kalagayan nito.
"Karl anak sino ang kasama mo?"tanong ng Don.
"Si Cynthia po ang fiance ko.Ang magiging manugang nyo.Sumama po siya para makita ka niya Dad."sabi ni Karl.
"Buti naman ay sumama ka iha.May sasabihin din ako sayo."saad ng Don.Pilit itong bumangon sa pagkakahiga.
"Dahan lang po."lumapit si Cynthia sa Don.
"Kaya ko pa naman.Maupo kayo."sabi ng Don.
"Ano po ba ang sasabihin nyo sa amin.?"tanong ni Cynthia.
"Gusto kong layuan mo na ang anak ko.Wag kang mag alala hindi namin ipagkakait ang pangangailangan mo."deretsang saad ng Don.
"Dad ano bang sinasabi mo?"takang tanong ni Karl.
"Sampung milyon para layuan mo na ang anak ko."saad ng Don.
Napanganga si Cynthia.Ang laki ng offer ng Don.Parang gusto niyang iyon sunggaban.Kaya lang mas malaki ang mahihita niya kung maging asawa na niya si Karl.
"Hindi ko po matatanggap ang alok ninyo.!"matatag na sabi ni Cynthia.
Napahanga naman si Karl sa inasta ni Cynthia.Talagang mahal siya nito di gaya ni Arabella.
"Pwes tatanggalan ko ng mana si Karl.At mawawalan siya ng posisyon sa kompanya.Kung kaya nyong mamuhay na walang karangyaan papayag akong makasal kayo."saad ng Don.
"Dad ano bang kalokohan ang sinasabi ninyo?"tumaas ang timbre ng boses ni Karl."Magkakaanak na kami ni Cynthia."
"Gusto kong makasal ka sa anak ng kaibigan ko.Sana noon ko pa ito ginawa.Pero nakiusap ang kaibigan ko na wag muna.Kaya huli man ay gagawin ko ito ngayon."maawtoridad na saad ng Don.
"Sige po tatanggapin ko ang alok ninyo."biglang saad ni Cynthia.Sayang din yon total hindi naman anak ni Karl ang pinagbubuntis niya.Tagilid siya sa bagay na iyon.Natatakot din naman siyang pagmalaman ni karl ang totoo ay ibasura lang siya nito bigla.mas maganda na nga na tanggapin niya ang sampong milyon.Ayaw niyang makasal sa ordinaryong tao lang.
"Cynthia ano bang sinasabi mo?"takang tanong ni Karl.
"Pwede mo naman kunin ang bata pagkapanganak ko kung gusto mo.Mas kelangan ko ang pera Karl."pagtatapat ni Cynthia.
"What?"galit na bulalas ni Karl.Ngayon alam na niya na pera lang pala ang habol ni Cynthia sa kanya.
"Tama ang narinig mo kelangan ko ng pera."pag uulit ni Cynthia.
"Kung ganun makakaalis ka na ngayon din.!"pagtataboy ni Karl.
"Kukunin ko muna ang pera."sabi ni Cynthia.
"Wala kang makukuhang ni isang duling sa amin.Wag kang mag alala kukunin ko ang bata pagkapanganak mo."galit na singhal ni Karl.
Masyadong boba si Cynthia sa lagay na iyon.Pinalayas siya ni Karl kahit buntis siya.
BINABASA MO ANG
BALIW NA PUSO
FanfictionKwento ng isang teenager na nagmahal,nasaktan at minahal pabalik ng taong kanyang minamahal...!!!♥♥♥♥ Alamin ang kwento ni Arabella Domingo isang probinsyanang nangangarap...!!