★BALIW NA PUSO★
Chapter 54
Matamlay si Karl ng makauwi ng condo niya.Nakasunod lang si Arabella sa kanya.Hindi na sila nag imikan pa matapos sabihin ni Arabella na may mahal itong iba.Gusto din ni Karl na umiyak tulad ni Andrei.Nasasaktan siya sobra.Hindi niya alam na ang sarili lang pala ang pinagseselosan niya.Hanga siya kay Andrei nasasabi nito ang nararamdaman kay Arabella.Samantalang siya hanggang ngayon ay takot pa rin.Lalo pa siyang natakot umamin dahil sa nalaman niya.
"Kuya kumain na ba kayo?"basag ni Arabella sa katahimikan.
"Wala akong gana."walang buhay na umupo si Karl sa sopa.
"Ipagluluto po kita kuya."saad ni Arabella.
"Ikaw ang bahala."kibit balikat ni Karl.
Nagtungo na si Arabella sa kuwarto para magbihis ng pambahay.At makapagluto na rin.Gusto niyang pagsilbihan si Karl dahil halatang pagod ito sa trabaho.
Samantalang gusto ni Karl ang maiyak sa sakit.Pinipigilan lang niya ang mga luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata.Madiin siyang napapikit at hinilot hilot ang sintido niya.Lalo siyang napapagod sa iniisip.Paano niya sasabihin kay Arabella na mahal niya ito?Yon ang problema niya sa ngayon.
Samantalang matapos magbihis ay nagtungo na si Arabella sa kusina para ipagluto ang kanyang Prince Charming.Pinapangarap niyang maging asawa siya ni Karl balang araw.Magkakaanak siya na si Karl ang ama.Habang nagluluto kinikilig at napapangiti siya sa iniisip.Nang matapos siyang magluto ay pinuntahan na niya si Karl sa sala.Nakatulog ito sa sopa.Nilapitan niya ito at pinagmasdan ang mukha nito.Napakagwapo talaga nito sa paningin niya.Gusto niyang haplusin ang maamong mukha nito.Nang biglang dumilat ito.
"K-kuya handa na po ang hapunan."nataranta si Arabella dahil baka nahuli siya nito nakakatitig dito.
"Come here Arabella."hinila ni Karl ang dalaga at pinaupo sa kandungan niya.Habang yakap yakap niya ito.
Para na naman tambol ang tibok ng puso ni Arabella.At pakiramdam niya ay parang nasa cloud nine siya.Nagpaubaya siya at hinayaan si Karl na kandungin siya nito at yakapin.Gustong gusto niya iyon.Masarap sa pakiramdam kapag naglalambing ito sa kanya.
"Kuya baka lalamig na ang pagkain."mayamaya bulalas ni Arabella.Matagal din siyang nakakandong nito.
"Oh Im sorry.Lets go."pinatayo na ni Karl si Arabella.Pero yakap yakap pa rin ito.
"May problema po ba kayo?"ramdam ni Arabella ang kalungkutan ng binata.
"Yes a little."bulong ni Karl kay Arabella.
"Pwede nyo po bang sabihin sa akin?Pero kung ayaw nyo po hindi ko po kayo pipilitin."saad ni Arabella.
"Hmmmppp tsaka na pag handa na ako sabihin sayo."makahulugan sabi ni Karl.
"Ok po ikaw po ang bahala.Halina po kayo kumain na po kayo."hinila na ni Arabella si Karl.
Nagtungo na sila sa hapagkainan.Isang masarap na hapunan ang niluto ni Arabella para kay Karl.Tinikman agad ni Karl ang luto ni Arabella.
"Kuya ok lang ba ang lasa?"tanong ni Arabella nag aalangan siya sa luto niya.Hindi siya kasing galing ng ate Anna niyang magluto.
"Anong ok.Masarap kamo."nakangiting saad ni Karl medyo gumaan ang bigat na nararamdaman niya dahil sa luto ni Arabella.
"Mabuti naman nagustuhan nyo ang luto ko."masayang saad ni Arabella.
"May talent ka pala sa pagluluto."saad ni Karl.
"Hindi ako kasing galing ni ate Anna magluto."kibit balikat na sabi ni Arabella.
"Thank you."saad ni Karl.
"Wala pong anuman.Kumain po kayo ng marami."saad ni Arabella.Masaya siya dahil nagustuhan ni Karl ang luto niya.Masaya siya dahil napagsilbihan niya ito.
Samantalang Karl wishes na sana siya ang taong mahal ni Arabella.Dahil gusto niya itong pakasalan kahit saang simbahan.Naiimagine niya ang future nila ni Arabella.Sana magkatotoo ang pangarap niya.
BINABASA MO ANG
BALIW NA PUSO
FanfictionKwento ng isang teenager na nagmahal,nasaktan at minahal pabalik ng taong kanyang minamahal...!!!♥♥♥♥ Alamin ang kwento ni Arabella Domingo isang probinsyanang nangangarap...!!