Chapter 16

146 3 0
                                    

★BALIW NA PUSO★

Chapter 16

Nagpunta na si Arabella sa guest room kung saan ang kuwartong binigay sa kanya.Humiga na siya sa kama.Malambot man ito pero hindi siya makatulog.Dahil sa namamahay siya mas gusto pa rin niya matulog sa kuwarto niya mismo.Mayamaya biglang nagring ang cp niya.Si Karl ang tumawag kinilig naman siya sobra.Dali dali niya itong sinagot.

"Hello kuya bakit ka tumawag.Parang ang layo layo mo sa akin."malambing na sabi ni Arabella.Kumikiringking na naman siya sa binatang may jowa na.Mali man sa paningin ng iba pero wala siyang pakialam.

"Hello hindi ka ba makatulog?"tanong ni Karl sa malambing din na boses.

"Oo kuya.Medyo namamahay po ako."saad ni Arabella.

"Ganun ba magkwentuhan muna tayo para antukin ka."sabi nito.

"Ano naman pagkwentuhan natin."pagulong gulong siya sa kama dahil sa sobrang kilig.

"Ah kahit ano.Magkwento ka kung anong nangyari sayo habang wala ako sa bayan."saad ni Karl.

"Bahay at skwela lang ako kaya boring ang life ko."saad ni Arabella.

"Wala ka bang mga kaibigan.?"

"Meron marami kaso kelangan kong tumulong kay Itay dito sa hacienda."

"Bukas mamasyal tayo."saad ni Karl.

"Hindi ba nakakahiya sa jowa mo kuya.?"

"Ok lang yon no problem akong bahala."

"Nga pala kuya may itatanong ako.Pwede mo namang hindi sagutin."naglakas loob si Arabella.

"Ano yon.?"

"Mahal mo ba si Cynthia."hiling niya sana hindi siya masaktan sa sagot ni Karl.

"Gusto ko siya."yon lang ang sagot ni Karl.

"Magkaiba ang mahal at sa gusto."pangungulit ni Arabella.

"At ano naman ang alam mo sa salitang "mahal" aber?May minahal ka na ba?"tanong ni Karl.

"Meron."pagtatapat ni Arabella.

"Ganun Arabella bata ka pa.Hindi pa pwede."panenermon nito.

"Wala naman pinipiling na edad kung magmamahal ka."seryosong saad ni Arabella.

"Aral muna Arabella."sabi ni Karl.Tila hindi nagustuhan ni Karl ang sinabi ni Arabella.May mahal na ito sino kaya?Marahil klasmet niya or ano.

"Kuya naman pareho kayo ng ate ko ang kj.Bale inspirasyon ko lang po siya ei."kinikilig na sabi ni Arabella.

"Basta bata ka pa sa bagay na iyan."giit ni Karl.

"Hindi pa naman ako magpapaligaw.At hindi naman niya alam na mahal ko siya."

"Hindi pa yan love.Baka crush mo lang."

"Basta love ko na siya.Sigurado na ako doon."

"Matulog ka na nga lang.Kung ano ano ang sinasabi mo."tila naiinis na si Karl.Naiinis siya sa sinabi ni Arabella na may mahal na pala ito.Hindi niya alam kung bakit.

"Kala ko ba gusto mo akong magkwento."natatawang saad ni Arabella.

"Pwede tayo magkwentuhan kahit ano.Pero ang sabihin mong may mahal ka na.Hindi pa yon pwede.Makinig ka sa amin ng ate mo."pangaral ni Karl.

"Ok kuya."nalungkot naman si Arabella hindi niya masabi sabi dito na mahal niya ito.Sister lang ang tingin lang sa kanya ng binata.

"Matulog na tayo.Mamasyal pa tayo bukas."sabi ni Karl.

"Sige bye."pagpapaalam ni Arabella.Lalo naman hindi siya makatulog.Inisip niya na tama ang mahalin niya si Karl na may jowa na?Tama ba ang nararamdaman niya para dito kahit alam niyang kapatid lang ang tingin nito sa kanya?

BALIW NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon