★BALIW NA PUSO★
Chapter 46
Lumipas ang mga araw lalo pang pinatunayan ni Andrei ang nararamdam nito para kay Arabella.Papatunayan niya na karapatdapat siya para sa dalaga.
Samantalang si Karl ay ganun din.Lalo naman siyang naging sweet kay Arabella.Papatunayan niyang siya lang ang karapatdapat para sa puso ng dalaga.Makikipagsabayan na siya kay Andrei kung kinakailangan.
Naguguluhan naman si Arabella.Lalo kasi niyang minahal si Karl.Sa kabila ng pagpipilit niyang ibaling sa iba ang nararamdaman niya1 para dito.Para kasi iba ang sinasabi nito kesa sa kinikilos nito.Paano niya babalewalain ang pagiging sweet nito sa kanya.?Mahal niya si Karl pero iniisip niya na karapatdapat din naman si Andrei.Naguguluhan siya kung sino ang pipiliin niya sa dalawa.Mahal niya o mahal siya?Masyado pala complicated ang pag ibig.Nakakabaliw kung iisipin mo.
Isang araw pumunta si Andrei sa condo.May dala itong bulaklak at kung anu ano.Aakyat na siya ng ligaw kay Arabella.
"Anong ginagawa mo dito?"kunot noong salubong ni Karl.
"Aakyat ako ng ligaw pare."nakangiting saad ni Andrei.
"Ganun?As if papasukin kita dito."inis na saad ni Karl.
"Pare naman diba napag usapan na natin to.Please give me a chance na patunayan sayo na seryoso ako kay Bella."seryosong saad ni Andrei.
"Kuya sino yan?"tanong ni Arabella mula sa likuran ni Karl.
"Bella its me."nakangiting saad ni Andrei.
"Andrei pasok ka po kayo."sabi ni Arabella.
Napabuntonghininga naman si Karl.Niluwagan niya ang pagkakabukas ng punta para makapasok si Andrei.
"Bella flowers for you."inabot ni Andrei ang bulaklak kay Arabella.
"Salamat."nakangiti naman inabot ni Arabella ang mga bulaklak.
Naikuyom naman ni Karl ang kanyang kamao.Nagseselos siya parang nilamukos ang kanyang puso.
"Maupo po kayo."saad ni Andrea.
"Ok thanks."ani naman ni Andrei.
"Ano po gusto nyo?Juice kape?"alok ni Arabella.
"Coffee."sabi ni Andrei.
"Sige po ipagtimpla muna kita."iniwan ni Arabella ang dalawang binata.
"Andrei tigilan mo na si Arabella.Lolokohin mo lang naman siya hindi ba?"inis na sabi ni Karl.
"Pare nirerespeto kita bilang kuya kuyahan ni Bella.Pero wala kang karapatan husgahan ako."inis na sabi ni Andrei.
"Yan naman ang totoo diba.?"giit ni Karl.
"Bakit ba tutol ka sa amin ni Bella?Magtapat ka nga pare.Gusto mo rin ba siya?"biglang tanong ni Andrei.
"Hindi ko siya gusto.Mahal ko si Arabella.At hindi ako makakapayag na mapunta lang siya sayo.Kaya kong makipagsabayan sayo Andrei."matatag na sa sabi ni Karl.
"Gaya mo mahal ko din si Bella.Gaya mo rin kaya kong makipagsabayan sayo pare."saad naman ni Andrei.
Bumalik na si Arabella dala dala ang kape na hinihingi ni Andrei.Kaya naudlot ang usapan ng mga ito.Nagpanggap ang mga ito na ok lang sila.Pero ramdam ni Arabella ang tensyon ng dalawa.
Samantalang nagagandahan siya sa bulaklak na bigay ni Andrei.Inaamoy amoy pa niya ito.Napansin naman ito ni Karl.Ngayon hindi na siya pwedeng maging kampante.Baka maunahan siya ni Andrei.Hindi siya makakapayag.
BINABASA MO ANG
BALIW NA PUSO
FanfictionKwento ng isang teenager na nagmahal,nasaktan at minahal pabalik ng taong kanyang minamahal...!!!♥♥♥♥ Alamin ang kwento ni Arabella Domingo isang probinsyanang nangangarap...!!