Chapter 4

214 6 1
                                    

★BALIW NA PUSO★

Chapter 4

Naging malungkot na ang buong araw ni Arabella.Nag alala naman si Karl sa dalagita.Kaya kinausap niya ito.

"Bata ka pa marami pang mga opportunities darating sayo."pagpapalakas ni Karl ng loob ni Arabella.

"Wag kang mag alala iha kung di pa papayag ang Itay mo sa ngayon.Baka paglaki mo na.Kukunin ulit kitang model."sabi ng baklang designer.

"Talaga po?"nabuhayan ng loob si Arabella.

"Oo pagtapos mo ng high school baka papayag na ang Itay mo."masayang sabi ng bakla.

"Salamat po.Gustong gusto ko talagang maging modelo."nakangiti ng saad ni Arabella.

"Oo dahil napakaganda mong bata.Sayang naman kung nandito ka lang sa probinsya."sabi ng bakla.

Maliban sa pagmamahal ni Arabella kay Karl.Isa din ang pagmomodelo sa pangarap niya.Hindi lang para mapantayan niya ang antas ng pamumuhay ni Karl.Para din maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan.
Umuwi siya ng bahay na nakangiti na.Dahil na rin sa pagpapalakas ng loob ni Karl sa kanya.

"Arabella mag usap nga tayo."salubong ng Itay niya.

"Ano po yon?"tanong niya.

"Hindi ako pumapayag na maging modelo ka.Anak hindi pa ba sapat ang pagmamahal namin ng ate mo sayo?"tanong ni Armando.

"Anong ibig sabihin nyo Itay?"maang na tanong ni Arabella.

"Tutulad ka ba sa Inay mo na mang iiwan na lang basta?"umiiyak na sabi ni Armando.

"Kahit kelan hindi ako tutulad sa kanya."puno ng galit na sambit ni Arabella.

"Pero bakit gusto mong maging modelo.?Diba ayaw mo din sa pamumuhay natin ngayon.?Ayaw mo din sa trabaho ng Itay?"madamdaming saad ni Armando.

"Itay gusto ko lang iahon ko kayo sa kahirapan.Masama bang mangarap para sa kinabukasan natin?Wag nyo akong itulad sa babaeng iyon."umiiyak na rin sabi ni Arabella.Kinamumuhian niya ang Ina niya.Sagad hanggang buto.

"Natatakot lang ako anak na isa sa inyo ng ate nyo ang mawala.Ayoko nang mangyari iyon.Ikakamatay ng Itay bunso ko."impit na iyak ni Armando.

Ang sakit sakit sa kalooban ni Arabella ang sinabi ng Itay niya.Hanggang ngayon pala nahihirapan ito.Nahihirapan pa ito sa paglisan ng kanyang Ina.

"Itay pangako hindi kita iiwan.Hindi ko gagawin ang ginawa ng Inay.Pupunta man ako ng Manila balang araw.Hindi ibig sabihin na iiwanan ko kayo ni ate Anna.Pupunta ako doon para sa ikagaganda ng pamumuhay natin.Mahal na mahal kita Itay."niyakap ni Arabella ang ama niya.

"Mahal na mahal din kita bunso ko."gumanti naman ng yakap ang Itay niya.

Simula naman noon ay naging malapit na si Arabella at Karl.Dumating na din ang araw ng Santa Cruz san.Ang ganda ganda ng suot niyang white na gown.Parang isang prinsesa si Arabella.Marami naman ang naiinggit sa kanya.Bukod sa suot niya ay scort pa niya ang Senyorito Karl.Si Karl Alcantara kasi ang pinapantasya ng halos lahat ng mga babae sa kanilang bayan.Maliban sa ate Anna niya na ibang yata ang taste sa mga lalaki.Gusto nito ang simple lang.Di katulad niya na pinapangarap maabot ang isang bituin sa langit.Kahit imposible man ang pangarap niya.Naniniwala siya na makakamtan niya iyon.Tulad ng pagiging isang modelo.Pumayag na ang Itay niya.Kung pagdating niya sa edad na 18years old.Napapayag din niya ito.Kaya para sa kanya di din imposible ang magkagusto ang isang Prinsipe sa isang dukha.Tulad ng fairytale na Cinderella.

BALIW NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon