*BALIW NA PUSO*
Chapter 62
Samantalang sa bahay nina Arabella ay nakauwi na ang Itay niya.
"Bunso ko buti nakauwi ka na."masayang niyakap si Arabella ng kanyang ama.
"Itay namimiss po kita."saad ni Arabella.
"Ako din bunso ang tagal mong hindi nakauwi dito."masayang saad ng Itay ni Arabella.
"Nga pala Itay ano po ba ang importante mong sasabihin sa akin.?"tanong ni Arabella.
"Maupo ka anak."pinaupo muna ni Armando ang anak.
"Itay may nararamdaman ba kayo?"nag alalang tanong ni Arabella.
"Wala anak.Anak makinig kang mabuti.Gusto ko ng makasal ka na.Tumatanda na ako.Gusto ko ng lumagay ka narin sa tahimik.Tama na ang pangarap mo.Natupad mo na hindi ba?Sana ang pangarap ko naman ang tuparin mo."mahabang litanya ni Armando.
"Itay naman nagpapatawa ba kayo?Wala po akong bf."natatawang biro ni Arabella.
"May ipagkakasundo ako sayo.Anak ng kaibigan ko.Dapat makasal ka na Arabella gusto ko ng makita ang magiging apo ko sayo."seryosong saad ni Armando.
"Seryoso ba talaga kayo.?Itay wala po akong balak mag asawa."kibit balikat ni Arabella.
"Anak tuparin mo ang hiling ng Itay.Alam kong magugustuhan mo ang anak ng kaibigan ko."sabi ni Armando.
Kung hindi si Karl ang mapapangasawa niya ay hindi na siya mag aasawa.Pero impossibleng si Karl iyon.Dahil engage na ito kay Cynthia at balita niyang buntis na ito sa anak nila.Ayaw na niyang magulo pa ang buhay nila pareho.
"Arabella pumayag ka ng makilala ang mapapangasawa mo.Sure ako na magugustuhan mo ang alok ni Itay."nakangiting saad ni Anna.
"Ok kilalanin ko muna."pumayag na lang siya sa gusto ng Itay niya.
"Maya may hapunan tayong dadaluhan.Magsuot ka ng presenatableng damit mamaya."sabi ng Itay niya.
"Opo Itay."pagsang ayon na lang ni Arabella.
Pero wala siyang balak sundin ito sa pagpapakasal na sinasabi nito.
Saktong alas sais ng hapon ay nakapag ayos na siya.Kasama na niya ang Itay na sumakay ng tricycle.Sinabi nitong malapit lang ang pupuntahan nila pero baka daw mahirapan siya sa paglalakad na nakaheels.Talagang binibaby siya ng kanyang ama.Masaya pa siyang nakikipagkwentuhan dito ng makarating na sila sa entrada ng hacienda ng mga Alcantara ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya.Parang alam na niya kung sino ang mapapangasawa niya.Wala naman kapatid si Karl.Paanong nangyari yon?nalilito siya sa mga pangyayari.
"Alam mo na kung sino ang mapapangasawa mo hindi ba.?'nakangiting saad ng Itay ni Armando.
"Itay hindi pwede yon engage na si Karl kay Cynthia."saad ni Arabella.
"Posible yon magtiwala ka lang anak sa Itay mo."ipinasok na ng Itay niya ang tricycle sa hacienda ng mga Alcantara.
"Itay may ipagtatapat ako sayo."saad ni Arabella natatakot siyang pakiharapan muli si karl.Natatakot siyang maramdaman muli ang sakit.Natatakot siyang sumbatan siya nito.
"Alam ko na matagal mo nang gusto si Karl."biglang saad ni Armando.
"Pero Itay may kasalanan ako sa kanya.Iniwan ko siya kapalit ng career ko.Kaya wala na ang mukhang maihaharap sa kanya ngayon."malungkot na saad ni Arabella.Gusto niyang maiyak.
"Anak mas lalong dapat mong itama ang pagkakamali mo.Wag kang matakot nandito lang naman ako."niyakap siya ng Itay niya.
Nanlalamig bigla ang mga kamay niya.After 5 years ngayon na uli nya mahaharap si Karl.Kakayanin ba niya talagang pakikiharapan ito?Baka itaboy lang siya nito.At isa pa baka sabihin nito na ayaw niya sa kasal na iyon.Paano si Cynthia paano ang anak ng mga ito?Ayaw niyang makigulo pa sa pagsasama ng dalawa.Matagal na niyang tinanggap sa sarili na hindi silang dalawa ni karl nakatadhana para sa isat isa.Pero tila ngayon mapaglaro ang tadhana?bakit kelangan pa nilang magkita muli.Ngayon pang medyo nakamove on na siya.
BINABASA MO ANG
BALIW NA PUSO
FanfictionKwento ng isang teenager na nagmahal,nasaktan at minahal pabalik ng taong kanyang minamahal...!!!♥♥♥♥ Alamin ang kwento ni Arabella Domingo isang probinsyanang nangangarap...!!