Chapter 3

235 7 0
                                    

★BALIW NA PUSO★

Chapter 3

Mayamaya pa tinanong na ni Arabella ang Don kung bakit siya pinatawag nito.

"Gusto kong pasukatan ko kayo ni Karl ng masusuot sa Santa Cruz san.Mamaya pupunta dito ang designer ng damit na magsusukat sa inyo."nakangiting saad ni Don Remuel.

"Naku maraming salamat po.Sana hindi na po kayo nag abala Don Remuel."saad naman ni Arabella.

"Gusto ko maging perfect kayo sa Santa Cruz san.Wag ka nang mahiya Arabella.Isipin mo na lang na Tatay mo din ako.Nasabi naman siguro ng Itay mo na magkaibigan kami noon pa."mahabang litanya ng Don.

"Opo magkababata daw po kayong dalawa."sabi ni Arabella.

Samantalang nakikinig naman si Karl sa usapan.Madaldal pala si Arabella.Lagi niya itong nakikita sa hacienda.Tumutulong sa pag aalaga ng mga bulalak at halaman sa hacienda.At kilala din ito sa pagiging magiliw sa lahat.He thinks he likes her personality.And her smile parang gumagaan ang paligid.Kaso napakabata pa nito.Naipilig niya ang kanyang ulo sa isiping iyon.

"Anong kurso gusto mong kunin kung magcollege ka na."aliw na aliw si Don Remuel kay Arabella.Gusto niya sana magkaroon ng anak na babae.Pero maagang siyang iniwan ng kanyang pinakamamahal.Hindi pa sila nakasal ng Ina ni Karl.Dahil tutol ang mga magulang niya dati sa relasyon nila.

"Kahit ano po kung kaya po ni Itay ang budget."sabi ni Arabella.

"Ah ganun ba?"sabi ni Don Remuel.

"Walang kurso na kahit na ano."sabad naman ni Karl.

Napatanga naman si Arabella nagsasalita kasi uli ito.Para siyang napako sa kinauupuan.Bawat salita nito nagpapalambot sa kalamnan niya.Kinurot niya ang kanyang binti para bumalik sa huwisyo.

"Bata pa naman si Arabella para maisip niya kung ano kurso gusto niya.At sinabi niyang gusto niyang maging modelo diba?"sabi naman ng Don.

"Ok sinabi nyo ei."kibit balikat naman ni Karl.

"Pagpasensyahan mo na ang kuya Karl mo Arabella."sabi ng Don.

Medyo napaismid si Arabella sa salitang kuya.Hindi niya gustong tawagin ito na kuya.Ayaw niyang isipin ang age gap nila.Masaya naman silang nagkukwentuhan ng Don habang kumakain.Hindi niya napansin na madami na pala siya nakain.

Lihim naman naaaliw naman si Karl sa dalagita.May sense pala itong kausap.

Mayamaya pa dumating na ang magsusukat sa kanilang dalawa.

"Ang ganda ganda mong bata."bulalas ng designer galing pa ito ng Manila.Isang bakla ito.

"Salamat po."sanay na si Arabella sa papuri pero nahihiya pa rin siya.

"Gusto mo bang maging model?"biglang tanong nito.

"Po?"gulat na saad ni Arabella.

"Naghahanap kasi ako ng isang batang modelo."sabi nito.

"Diba sabi mo kanina Arabella na gusto mo maging modelo?"tanong naman ng Don.

"Opo."parang naexcite siya chance na niya iyon.

"Talaga?Gusto ko makausap ang parents mo.May ioffer ako sa kanila."masayang saad ng bakla.

"Sige po.Tatawagin ko lang po si Itay."masayang saad ni Arabella.

"Go ahead.Tamang tama pala ang pagpunta ko dito."sabi ng baklang designer.

Nagmamadali namang hinanap ni Arabella ang Itay niya.

"Ano bang kelangan nila sa akin?"takang tanong ng Armando.

"Basta Itay halika na."masayang saad ni Arabella.

"Teka dahan dahan lang baka madapa ka."sabi naman ng Itay niya.

Hilahila ni Arabella ang Itay niya papasok ng mansyon.

"Ano ang kailangan mo Remuel?"tanong ni Armando sa kaibigan.

"Maupo ka muna Armando.May gusto kumausap sa inyo."saad ni Don Remuel.

"Sino?"maang na tanong ni Armando.

"Ako po gusto ko pong kunin na model ang anak nyo.Malaki pong pera ang iooffer ko sa inyo."panimula ng bakla.

"Maging modelo si Arabella?Hindi ako makakapayag dahil bata pa ang bunso ko."sabi ni Armando.

"Pero pag iisipan nyo muna po.Sayang po ang ganda ng anak nyo."pamimilit ng bakla.

"Basta ayokong pumunta ng Manila si Arabella.Magulo ang pamumuhay doon.At isa pa nag aaral pa siya."giit naman ni Armando.

"Hindi ko naman kayo minamadali.Basta pag iisipan nyo muna."sabi ng bakla.

"Itay pag iisipan nyo muna.Gusto ko pong maging modelo."sabad ni Arabella.

"Basta hindi pwede."tutol ni Armando.

Nalungkot naman si Arabella sa desisyon ng Itay niya.Gusto niyang maiyak sa mga oras na iyon.

BALIW NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon