Chapter 29

134 2 0
                                    

★BALIW NA PUSO★

Chapter 29

Dahil sa sinita ni Karl si Arabella ay tahimik na lang siyang kumakain.At kahit paborito niya ang biniling ulam ng binata.Ay nawalan ng gana si Arabella dahil kasalo niya sina Cynthia at Seleste.

"Arabella hindi mo ba gusto ang lasa ng pakbet na binili ko.?"puna ni Karl sa pananahimik ng dalaga.

"Gusto salamat."medyo may tampo si Arabella kay Karl.

"Uuwi na kami mamaya Arabella dont worry."sabi ni Andrei.Napupuna nito na hindi komportable si Arabella sa mga kasama.

"Sige po."pormal na sabi ni Arabella.

"So ayaw mo talaga kaming kasama?"inis na saad ni Seleste.

Tumahimik lang si Arabella ayaw na niyang masita ulit ni Karl.Dapat di siya maging bastos dahil nakikitira lang siya sa condo nito.Dapat wala na siyang pakialam kung sinuman ang bisita ni Karl.

"Seleste obvious naman na ayaw talaga ni Arabella sa atin."sabad ni Cynthia.

"Arabella they are my friends.At gusto ka lang nilang i welcome."sabi ni Karl.

"Alam ko pong bisita nyo sila.At ok lang sa akin na magtagal sila dito.Condo nyo po ito at hindi namin bahay."sarkastikong saad ni Arabella.

"She is so rude to us Karl."naglungkot lungkutan naman si Cynthia.

"Cynthia enough.Wala naman sinasabi si Arabella na masama."pagtatanggol ni Andrei kay Arabella.

"Andrei pinagtatanggol mo pa siya."inis na saad naman ni Seleste.

"Pasensya na kayo baka hindi lang sanay si Arabella sa mga tao.I know she is friendly but baka nabiglang lang siya sa welcome party."hingi ng paumanhin ni Karl sa mga kaibigan.

Napataas kilay si Arabella.So kasalanan pa niya.?Kung alam lang ni Karl kung ano ang sinabi nina Cynthia at Seleste kanina.Pero ayaw na niyang ipagtatanggol ang sarili niya.Medyo nasaktan siya dahil hindi siya naiintindihan ni Karl.At pinanigan nito ang mga bruha.
Nang makaalis na ang mga bisita ni Karl.Habang nagliligpit si Arabella ng pinagkainan nila.

"Arabella you are being rude to Seleste and Cynthia."sita ni Karl sa kanya.

"Wala naman po akong ginagawa ah."naiinis na si Arabella kay Karl.Kanina pa nitong sinasabing rude daw siya.Sa kauna unahang pagkakataon nainis siya sa binata.

"Meron Arabella pinahiya mo sina Seleste at Cynthia.Dapat magpasalamat ka dahil nag effort sila sa welcome party mo."sermon ni Karl kay Arabella.

"Bakit sinabi ko bang ipaghanda nila ako.?"sarkastikong saad ni Arabella.

"Arabella you are not a little girl now.Be responsible to your actions."pangaral ni Karl kay Arabella.

"Im sorry dahil nadisappoint ka sa akin.Pero nagsasabi lang naman ako ng totoong nararamdaman ko.Im sorry dahil nabastos ko mga kaibigan mo."namula na sa inis si Arabella gusto niyang maiyak pero di niya gagawin yon.

"Ok you forgiven.Basta wag mo nang uulitin iyon."malumanay na saad ni Karl.

"Ewan basta ang alam ko wala akong kasalanan.Nanghihingi lang ako ng sorry dahil condo mo ang titirhan ko."nagdadabog na sabi ni Arabella.

Bumuntonghininga naman si Karl.Napag isip isip niyang medyo masyado na siya kay Arabella.

"Sorry."pagkuwan saad ni Karl.

Hindi na muling nagsalita si Arabella.First time nitong magtampo sa kanya.Pero sa tingin ni Karl mali ang ginawa ni Arabella kanina.Ayaw niyang maging spoiled at rude ito.Siya na ang guardian nito dito sa Manila.Kaya responsibilidad na niya ito mula ngayon.
Tumagal ang tampo ni Arabella sa kanya ng tatlong araw.Hindi siya kinausap nito.

"Sasamahan na kitang magpa enroll."saad ni Karl.

"Ok."walang ganang saad ni Arabella.

"Galit ka pa ba sa akin hanggang ngayon?"paglalambing ni Karl sa dalaga.

Hindi kumibo si Arabella nanatili lang itong tahimik.

"Sorry na.Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo lang ako.?"tanong ni Karl.

"Wala kang dapat gawin."tipid na saad ni Arabella.

"Bati na tayo please."niyakap ni Karl si Arabella.

Nagulat naman si Arabella sa ginawa ni Karl.Napasinghap siya sa sensasyon dulot ng yakap nito.Kinikilig din siya bigla.

BALIW NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon