Chapter 7

187 5 0
                                    

★BALIW NA PUSO★

Chapter 7

Kinabukasan napuna ni Anna ang pananamlay ni Arabella.At pamumugto ng mata nito.

"Anong nangyari sa mata mo?Umiiyak ka ba Arabella?"nag alalang tanong ni Anna sa kapatid.

"Wala to.Wag mo na lang akong pansinin."malungkot na saad ni Arabella.

"Arabella magsabi ka nang totoo.Anong nangyari kagabi?"pilit na tanong ni Anna.

Walang nagawa si Arabella kundi ang magkwento sa ate niya.

Pagkatapos ng kwento niya.Napabunghalit si Anna ng tawa.

"Ayan kasi asang asa.Hoy Arabella ang batang bata mo pa.Para sa ganyang bagay.Ako nga wala pang jowa.Ikaw pa kaya."mayamaya pangaral ni Anna sa kapatid.

"Alam ko naman yon.Anong magagawa ko yon ang laman ng puso ko."inosenteng saad ni Arabella habang naiiyak.

"Tigil tigilan mo ako sa kadramahan mo ha.Nag aaksaya ka lang ng luha.Tama naman ginawa ni Karl ah."sabi ni Anna.

"Ate ang sakit sakit pala."lumuluhang saad ni Arabella.

"Ayan kasi hindi ka nakikinig sa akin.Babatukan na kita dyan pag di ka tumigil sa kakaiyak."sabi ni Anna.

"Ate naman masakit na nga puso ko.Sasaktan mo pa ako."reklamo ni Arabella habang pinahid ang mga luha.

"Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo.Arabella hindi ka na nakakatuwa."inis na sabi ni Anna.

"Seryoso naman ako ah."ani ni Arabella.

"Arabella sinabing nang tama na."kinurot na ni Anna sa singit ay kapatid.

"Aray ate.Sinagot ko lang naman ang tanong mo."katwiran ni Arabella.

"At sumasagot ka ba."isang kurot pa sa singit ang natamo ni Arabella.

"Ok hindi na.Titigil na."pagsuko ni Arabella.

Samantalang naisipan ni Karl na puntahan si Arabella sa bahay ng mga ito.Yayain niyang mamasyal ito.Since nabobored na siya sa mansyon.At luluwas na naman kasi siya ng Manila para mag aral doon.Bussiness Administration ang kanyang kinuha.Dahil siya ang magmamana ng negosyo ng kanyang ama.Siya lang din kasi ang nag iisang anak.

"Tao po si Arabella nandyan ba?"tanong ni Karl sa ate ni Arabella na si Anna.Kilala na niya ito.

"Bakit mo hinahanap si Arabella?"mataray na tanong ni Anna.

"Yayain ko sana siyang mamasyal."nakangiting saad ni Karl.

"Masama ang pakiramdam niya."sabi ni Anna.

"Kuya Karl hindi totoong masama ang pakiramdam ko."dali daling lumabas ng bahay si Arabella.

"Arabella.!"pinandilatan naman ni Anna ng mata ang kapatid.

"Ate sasamahan ko lang naman si Kuya sa pamamasyal.Pumayag ka na."pakiusap ni Arabella.

"Sige pero uuwi ka ng mga 5 singko dito sa bahay.Wag kang magpapagabi."bilin ni Anna sa kapatid.

"Salamat ate.Tayo na Kuya."masigla ulit siya.Inisip niya na kung gusto niyang mapalapit sa binata.Tatanggapin niya ang maging isang sister nito.Naniniwala siya na matuturuan din siyang mahalin ni Karl.

BALIW NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon