Chapter 20

173 6 0
                                    

★BALIW NA PUSO★

Chapter 20

Tumigil naman sina Karl at Anna.Pero nasa tabi ng binata si Arabella.Mayamaya pa nagreklamo ulit si Cynthia.

"Malayo pa ba?Ang sakit na ng paa ko Babe."paglalambing ni Cynthia kay Karl.Tumigil naman ang binata at tiningnan ang paa nito.

Nakaramdam naman nang selos si Arabella.

"Diba sabi ko sayo wag na tayong sumama.Ayan napala mo."bulong ni Anna sa kanya.

Pakiramdam ni Arabella mas lalo pang ginatungan ni Anna ang selos na nararamdaman niya.

Alalay na ni Karl ang nobya.At nakasunod naman sina Arabella at Anna.Sa pagseselos ni Arabella sinipa niya ang medyo kalakihang nakausling bato.Pero natapilok siya.

"Aray.!"napasigaw siya sa sakit ng paa niya.

"Whats wrong?"dali dali namang lumingon si Karl kay Arabella.

"Natapilok siya."nag alalang sabi ni Anna.

"Ano?Halika maupo ka muna dito."pinaupo ni Karl ang dalagita sa malaking bato sa gilid ng daan.

Lihim naman nagngitngit si Cynthia.At naibulalas niya."Acting."

"Anong sabi mo?Hindi nag aacting ang kapatid ko.!"inis na saad ni Anna kay Cynthia.

"Cynthia.!"saway ni Karl sa nobya.

Natahimik naman ito dahil napahiya.

"Ei kasi naman bakit mo pang gusto sumama.Kung nasa mansyon lang tayo hindi ka matatapilok."sermon ni Anna sa kapatid.

"Anna can you please stop being rude to your sister?"galit na saad ni Karl kay Anna.Hinilot ng binata ang ang paa ng dalagita.Napapangiwi naman si Arabella sa sakit.

"Kaya mo pa bang maglakad.?"tanong ni Anna kay Arabella.

"Hindi ata."saad ni Arabella na di maipinta ang mukha sa sakit.

"Malapit na tayo.Sumakay ka na lang sa likod ko.Bubuhatin na lang kita."sabi ni Karl.

Lihim naman napangiti si Arabella.At hindi nagdadalawang isip na sumampa sa likod ni Karl.Naamoy niya ang pabango nito nanunoot sa kanyang ilong.At kinikilig siya ng husto dahil nakayakap siya sa likod nito.Naiimagine na naman siya.Ang sarap sa kanyang pakiramdam.

Mayamaya pa narating na nila ang maganda na LAKE.Habang buhat buhat pa rin ni Karl si Arabella.

"Wow ang ganda.!"bulalas ni Anna gustong gusto nito sa lugar na iyon.

"Diba ang ganda ate.?"masayang saad ni Arabella.

Samantalang si Cynthia ay nakasimangot.Hindi niya naappreciate ang ganda ng lugar.Selos na selos kasi siya kay Arabella.

Habang namamasyal sila ay buhat buhat pa rin ni Karl ang dalagita.Magaan lang naman ito.At masaya siyang binubuhat at inaalagaan niya ito.Mayamaya pa ay nagyaya na siyang kumain.May kainan naman sa lugar na iyon kasi dinadayo iyon ng mga turistang kagaya nila.Maliit nga lang na kainan.Binaba na niya si Arabella sa upuan.

"Anong gusto nyo?Mag order na kayo."sabi ni Karl.

"Dito ba tayo kakain?"tila nandidiring saad ni Cynthia.

Habang tumatagal nakilala ni Karl ang nobya.Maarte ito at sosyal.Akala niya nong una ay easy going ito.Pero ngayon hindi pala.Maraming katangian ng nobya na hindi niya nagustuhan.Kaya plano na niyang hiwalayan ito.Kahit 3 months pa lang sila nito.

Masaya naman nag order si Arabella.Inorder nila ay pakbet at adobong manok.Nagpapasalamat din siya na hindi na nagsusungit ang ate Anna niya.Magana silang kumain na dalawa.Pati na rin si Karl ay magana din kumain.Maliban kay Cynthia na napipilitan makibagay.

Nang matapos silang kumain at matapos magbayad si Karl.Ay nagyaya ulit siyang mamasyal.Hindi pa kasi nila nalibot ang lugar.Buhat buhat ulit niya si Arabella.

"Kuya baka napapagod ka na."nag alalang saad ni Arabella.

"Its ok magaan ka lang naman."nakangiting saad ni Karl.

Ayaw na ni Arabella matapos ang araw na iyon.Ang sarap sarap sa pakiramdam niya dahil buhat buhat siya ng kanyang Prince Charming.

BALIW NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon