Chapter 51

104 2 0
                                    

★BALIW NA PUSO★

Chapter 51

Gaya ni Karl magaan ang pakiramdam ni Arabella.Ang saya saya niya kahit wala siyang tulog nong nakaraang gabi.Nagday dreaming na naman siya.Ni hindi nga siya halos maligo dahil ayaw niya mabura ang halik ni Karl.Nasa fantasy land na naman siya.Sa isip niya what if may pagtingin naman talaga si Karl sa kanya?What if kung pareho rin silang nararamdaman?Kinikilig siya sa isiping iyon.

"Ang saya natin ngayon ah."pukaw ni Andrei sa pagmumuni ni Arabella.Nasa tapat ito ng school nila.Pauwi na kasi siya.Hindi siya sinusundo ni Karl sa University dahil masyado itong busy.

"Andrei bakit po kayo nandito?"magalang na saad ni Arabella.

"Drop the po parang ang tanda tanda ko na niyan.5 years lang naman ang gap natin.Hindi mo nga ako tinatawag na kuya.Pero may po naman.Ayokong tawaging matanda."biro ni Andrei.

"Sige."nakangiting saad ni Arabella.

"Hindi ka ba susunduin ng kuya kuyahan mo?"tanong ni Andrei.

"Hindi ei."tipid na sagot ni Arabella.

"Buti naman kung ganun.Right timing pala ako.Yayain sana kitang magdinner date."deretsang saad ni Andrei.

"H-ha?Hindi ako pwede dahil nagpromise ako kay kuya na hindi na ako magpapagabing umuwi."saad ni Arabella.

"You are so pure and innocent."ginulo ni Andrei ang buhok ni Arabella."Sige ihahatid na lang kita pauwi.Siguro naman hindi mo ako tatanggihan sa bagay na yan."

"Sige po."nahihiyang saad ni Arabella.

Pinagbuksan siya ni Andrei ng pinto.At dali dali itong sumakay sa driver seat.Ito na din ang nagkabit sa seatbelt niya.Wala siyang anumang kakaibang nararamdaman kahit ang lapit lapit ng mukha nito sa kanya.Si Karl lang ang nagpapatibok ng mabilis sa puso niya.Ang binata lang ang nagpapalambot ng kanyang mga tuhod.Ito lang ang nagbibigay sa kanya ng kakaibang sensasyon.Marami talaga ang pagkakaiba ni Karl at ni Andrei.Guwapo at mabait naman si Andrei kaya lang wala talagang dating ito para sa kanya.Di tulad ni Karl kung magdaiti lang ang kanilang mga balat ay kilig to bones na siya.Kaya paano niya ibabaling dito ang pag ibig niya para dito?Kung wala naman siyang nararamdaman na tinatawag na spark.Ang pag ibig ay parang boltahe lang na kuryente yan dapat may spark.

"Bella gusto ko malaman kung ano mga gusto mo at ayaw mo sa isang lalaki.Para baguhin ko ang sarili ko."biglang saad ni Andrei.

"H-ha?gulat na saad ni Arabella.Hindi niya inaasahan na maging seryoso si Andrei sa kanya.Nakakaawa naman itong bastedin at ayaw din naman niya itong paasahin.

"Ang sabi ko ano ang ayaw at gusto mo sa isang lalaki."inulit ni Andrei ang sinabi niya.

"Ayoko po yong lalaking umiinom o may bisyo.Gusto ko pong ung lalaking caring at sweet."sagot ni Arabella.

"Ok from now on titigil na ako sa pag iinom at paninigarilyo."saad ni Andrei.

"Bakit po kayo titigil?"maang na sabi ni Arabella.

"For you Bella gagawin ko ang lahat.Kahit baguhin ko ang lahat tungkol sa akin gagawin ko."seryosong saad ni Andrei.

Hindi nakasagot si Arabella.Ayaw niyang maging bastos kay Andrei.Pero ayaw niya ang umasa ito sa wala.May nagmamay ari na kasi ng puso niya.Walang iba kundi si Karl Alcantara.

BALIW NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon