Chapter 30

152 4 2
                                    

★BALIW NA PUSO★

Chapter 30

Naamoy ni Karl ang mala baby na amoy ni Arabella.Ganun pa rin ang amoy nito nakakaaddict.Gustong gusto niya itong yakapin hangga't hindi siya pinapapatawad nito.

Nalusaw naman ang tampo at inis ni Arabella.Kung ganito lang lagi si Karl ay matutuwa ang puso niya.

"Sige bati na tayo."ngumiti na si Arabella ganun siya karupok pagdating kay Karl.Isang yakap lang nito ay bibigay agad siya.

"Thanks."hinalikan ni Karl si Arabella sa buhok.

Gusto naman tumili sa kilig ni Arabella sa mga oras na iyon.Pero syempre pinipigilan niya ang sarili.Napakagat na lang siya sa kanyang labi.

"Magbihis ka na sasamahan na kita magpaenroll."sabi ni Karl.

Tapos na si Karl sa pag aaral at nagtatrabaho na siya sa kompanya nila.Tinitrained na siya sa pagiging CEO ng kanilang kompanya.Siya ang kaisa isang taga pagmana ng kanilang mga ari arian.Yun ang dahilan ni Cynthia kung bakit hindi pa rin ito gumigive up.Nagbabasakali pa rin ang babae na maging sila ulit.Kaso may umaangkin na sa puso niya.Walang iba kundi si Arabella.Nasagot na ang tanong niya kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Karl para sa dalaga.He likes her so much.Pero hindi pa siya handang ligawan ito.Ayaw niyang mawala ang tiwala ng ama at ang ate ni Arabella sa kanya.

Samantala masaya na ang puso ni Arabella.Nawala na ang tampo niya sa binata.
Mayamaya pa ay may nagdoorbell.

"Bubuksan ko lang."sabi ni Karl.

"Sige."saad ni Arabella napangiwi naman siya dahil baka si Cynthia na naman ang bisita nila.

"Hi Karl.!"tuloy tuloy si Cynthia humalik sa pisngi ni Karl.

Napasimangot naman si Arabella.Sira na naman ang araw niya.Imbes na ok na sila ni Karl may dumating pang asungot.

"Cynthia bakit ka nandito.?"tanong ni Karl.

"Binibisita ko lang si Arabella.Yaya ko sana siyang magshopping."sabi ni Cynthia.

"Ah ganun ba.?Pero magpapa enroll kami ngayon."saad ni Karl.

"Ganun ba?Sasama na lang ako sa inyo."sabi naman ni Cynthia.

"Wala ka bang ibang gagawin?"sabad ni Arabella.

"Wala naman.I have many free time today."nakangiting saad ni Cynthia.

"Ok sige lets go na."saad ni Karl.

Nainis naman si Arabella dahil kasama na naman niya ang bruha.Umaabrisyete pa ito sa braso ni Karl.At hanggang sa pagsakay ng kotse sa harapan ito sumakay.

"Cynthia sa backseat ka sumakay pwede ba?"malumanay na saad ni Karl ayaw niyang maoffend ang babae.

"What?Ah ok."ngumiti naman ito hindi umabot sa mata.

Nagdiwang naman ang puso ni Arabella.Ibig sabihin noon sa harapan siya pasasakayin ni Karl.Lihim siyang napapangiti.

"Arabella dito ka sumakay."saad ni Karl ng makalipat na si Cynthia sa backseat.

"Salamat."kahit simpleng gensture ng binata ay kinikilig ang puso ni Arabella.

Lulan na silang tatlo ng kotse papunta sa isang University.Kung saan magpapaenroll si Arabella.

"Mamaya pagkatapos natin magpaenroll bibili tayo ng mga gamit mo."sabi ni Karl.

"At pwede na din tayong magshopping Arabella."masayang saad ni Cynthia.

"Sapat lang ang pera ko sa ngayon."hindi pa kasi siya nagsisimula sa pagmomodelo.

"Dont worry akong bahala."may trabaho na din si Cynthia.

"Wag ka nang mag abala pa."giit ni Arabella.

"Gusto lang naman kitang maging close Arabella.Ayaw mo ba talaga sa akin.?"ayan na naman ang pagiging artista ni Cynthia.

Hindi umimik si Arabella dahil alam niya ang motibo nito.Nagpapanggap lang itong mabait sa kanya dahil kay Karl.

"Arabella can you please give Cynthia a chance.Na makikipagclose sayo please."saad ni Karl.

"Susubukan ko."walang ganang saad ni Arabella.

"Thanks Arabella."ngumiti na sabi ni Cynthia.

Pagdating nila sa University ay mahaba ang pila sa nagpapaenroll.Si Karl na ang pumila para sa kanya.Naiwan silang dalawa ni Cynthia.

"Huwag mong isipin na gusto ko talagang makipagclose sayo."lumabas na naman ang ugali nito.

"Alam ko naman nagpapanggap ka lang Cynthia."saad ni Arabella.

"Buti alam mo.Gusto kong mawala ka sa landas namin."sabi ni Cynthia.

"Ows talaga?Napakadesperada mo naman."matapang na saad ni Arabella.

"Hindi mapapasayo si Karl tandaan mo yan.!"may pagbabanta ang boses nito.

"Nakakatakot ka naman."pang aalaska ni Arabella sa babae.

"Dapat lang matakot ka dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sayo."banta ni Cynthia.

"Hindi ako makakapayag sa balak mo."taas noong sabi ni Arabella.

BALIW NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon