★BALIW NA PUSO★
Chapter 50
Hinatid nga ni Karl si Arabella sa school niya.Unti unting naglaho ang sama ng loob ng dalaga.At bumalik sa dati ang pakiramdam niya.Bumalik sa dati ang pantasya niya.Na balang araw maging silang dalawa.Pinanghahawakan ni Arabella ang halik na iyon.Marahil may gusto din si Karl sa kanya.Hindi bilang isang kapatid lamang kundi bilang isang babae.She wish na balang araw magtapat na si Karl sa kanya.Kinikilig siya sa isipin iyon at lalo na kung maalala niya ang halik na kanilang pinagsaluhan.Thats not a simple kiss matagal iyon.At isa pa para sa kanya sagrado iyon dahil iyon ang first kiss niya.First kiss niya sa taong mahal niya mismo.
Samantalang magaan naman ang pakiramdam ni Karl.Kahit pa medyo masakit ang kanyang ulo epekto ng alak kagabi.Pero balewala iyon dahil sa halik na iyon.Gusto niyang ulitin pa iyon sa tamang timing.
"Kuya ibaba mo na lang ako dito."sabi ni Arabella.Nasa tapat na kasi sila ng University pinapasukan.
"No ihahatid kita sa mismong building mo."sabi ni Karl na pinasok ang kotse sa gate ng University.
"Ok ikaw ang bahala."sabi na lang ni Arabella.
"Saan ba ang building mo.?"tanong ni Karl.
"Building 12."nursing ang kinuha kurso ni Arabella taliwas sa pangarap niyang maging modelo.Naisip niya na mas ok yong maraming alam o propesyon sa buhay.Para naman balang araw hindi siya ikakahiya ni Karl pag naging sila na.Assumming man siya pero yon ang pangarap niya.
"Oh dito na ba?"tinapat ni Karl ang kotse niya sa mismong building na sinasabi ni Arabella.
"Salamat."sabi ni Arabella.
"Wait use it."inabot ni Karl ang isang credit card kay Arabella.Feeling niya kasi mag MU na sila ngayon.Isa siyang galanteng bf kahit kay Cynthia noon.
"Kuya ano yan?"takang tanong ni Arabella.
"Credit card gamitin mo.Buy all what you want."nakangiting saad ni Karl.
"Kuya salamat na lang hindi ko matatanggap yan."matatag na saad ni Arabella.
"Please Arabella wag mo nang taggihan.Hindi mo nga tinanggihan ang bigay ni Andrea sayo."may himig na tampong saad ni Karl.
"Pero kuya ayoko naman maging pabigat sayo."saad ni Arabella.
"Sino ba ang maysabing pabigat ka sa akin?"saad ni Karl.
"Sobra sobra na kasi to.Pinatira mo na ako sa condo mo na libre lahat.Tapos bibigyan mo na naman ako ng credit card.Kuya nakakahiya na."ani ni Arabella.
"Arabella hindi naman ako iba sayo hindi ba?Kaya tanggapin mo na to hmmmppp.."pamimilit ni Karl kay Arabella.
"S-sige na nga."nag aalangan man si Arabella na tanggapin ang credit card ni Karl.Pero ayaw niya itong magtampo.
"Take care."paalam ni Karl ng makababa na ang dalaga.
"Ingat din po kayo sa pagdadrive."sabi ni Arabella.
"I will for you."mahinang saad ni Karl.
Hindi na ito narinig pa ni Arabella.Nagmamadali na kasi siyang pumasok sa building para sa first class niya.Medyo late na kasi siya.
Magaan ang aura ng mukha ni Karl habang nagtatrabaho.
"Bossing anong meron.?Ang saya natin ngayon ah."tanong ng secretary niyang si Alfred.
"I kiss a beautiful young lady."bulalas ni Karl tila wala sa sarili.
"Ano po?Kaya pala ang saya ninyo.Sino si Maam Arabella po ba?"tanong ni Alfred.Kilala na nito si Arabella sa picture lang.Nakadisplay ito sa mismong mesa niya ang picture frame ni Arabella.3 years na itong nakadisplay doon kaya alam na ng secretary niya.
"Yes I kiss her last night."abot tenga ang ngiti ni Karl.
"Ano sabi niya po?Kayo na ba?"tanong ni Alfred.
"Hindi pa pero tumugon siya sa halik ko.Possible din kaya siya na may feelings sa akin Alfred?What do you think?"tanong niya.
"Oo kung tumugon siya sa halik nyo po."sabi ni Alfred.
"Really?"ang saya saya ni Karl.
"Bossing bakit hindi mo na sabihin sa kanya ang nararamdaman nyo?Bakit patatagalin mo pa?"tanong ni Alfred.
"Iba ang sitwasyon namin.Nasa poder ko siya ayaw kong magtake advantage.At isa pa ayoko masira ang tiwala ng pamilya ni Arabella sa akin.At higit sa lahat takot akong umalis siya sa condo.Hindi ko yon kakayanin."mahabang litanya ni Karl.
"Kunsabagay mahirap nga yong sitwasyon nyo po."sang ayon naman ni Alfred.
BINABASA MO ANG
BALIW NA PUSO
FanfictionKwento ng isang teenager na nagmahal,nasaktan at minahal pabalik ng taong kanyang minamahal...!!!♥♥♥♥ Alamin ang kwento ni Arabella Domingo isang probinsyanang nangangarap...!!