Chapter 41

101 3 0
                                    

★BALIW NA PUSO★

Chapter 41

Nang makarating na sila sa restaurant sinasabi ni Andrei.Ay sinalubong sila agad ng binata.May kasama itong napakagandang babae.Kamukha ito ni Andrei siguro ito ang sinasabi nito na ate.

"Ate meet Arabella yong kinukuwento ko sayo."kumindat si Andrei sa ate niya.

"Ah ganun ba?Ikaw pala si Arabella.Hi nice meeting you."niyakap ng babae si Arabella.

Nahihiya naman si Arabella.

"Oh pasensya ka na sabik lang kitang makita.By the Im Andrea.Called me ate na lang older sister ni Andrei."pagpapakilala nito sa sarili.

"Ikinagagalak ko din kayong makita."alangan ang ngiti ni Arabella.

"Oh hi Karl nabanggit ni Andrei na ikaw ang tumatayong kuya ni Arabella right?At nabanggit din niyang masyado ka daw overprotective kay Bella."deretsang saad ni Andrea.

"Ate tsaka na natin pag usapan ang bagay na iyan.Nakakahiya kay Bella."namula naman si Andrei.

"Ay Im sorry excited lang ako.Pasok na kayo."iginiya sila ni Andrea papasok.

"If you ask why Im here will I owned this place."sabi ni Andrea.

"Ah ok."tipid naman sabi ni Karl.First time pa niyang nakapunta sa restaurant na iyon.Kahit bestfriend niya si Andrei marami pa ring bagay ang hindi nila alam sa isa't isa.At isa pa bago pa yong restaurant na iyon sa tingin niya.

Samantalang tahimik naman nakasunod si Arabella.First time niyang makapasok sa ganung kagarang restaurant.Nakikinita niya na mayaman talaga ang angkan ni Andrei.Kaya nanliit siya sa kanyang sarili.Isang hamak lang siyang probinsyana na kasama ang tatlong mayaman na tao.Naiilang siya sa isiping iyon.

Sa isang private room sila pinapasok ng ate ni Andrei.

"Since first time ninyong pumunta dito libre na ang pagkain ninyo.Anything you want Bella."magiliw na saad ni Andrea naalala tuloy ni Arabella ang ate Anna niya sa katauhan nito.Sopistikada nga lang ito samantalang ang ate niya ay simple lang ang porma.Maganda din naman ang ate niya kaya lang makaluma itong manamit.Nerd kung tawagin subsob kasi sa pag aaral.

"Thank you ate.Bella pumili ka na ng order mo."inabot ni Andrei ang menu ng pagkain kay Arabella.

"Hindi ko po alam ang mga pagkain dito."nahihiyang saad ni Arabella.

"Ako na ang bahala.Tiyak na magugustuhan ni Bella ang pagkain dito."malapad ang ngiti ni Andrea magaan naman ang loob ni Arabella dito.Hindi ito tulad nila Cynthia at Seleste kung umasta.

"Salamat po."saad naman ni Arabella.

"Wag ka nang mahiya sa akin.Tawagin mo na din akong ate."sabi ni Andrea.

"S-sige po ate."nakangiting saad ni Arabella.

"Do you have a siblings right Bella?"tanong ni Andrea.

"Opo isang ate po.Si ate Anna."sabi ni Arabella.

"Ganun ba?Since wala siya dito pwede mo akong maging ate pala for real.Sabik din ako sa kapatid na babae.Si Andrei lang kasi ang kapatid ko."mahabang litanya ni Andrea.

"Ah ganun po ba?"komportable na si Arabella kay Andrea dahil babae ito.

"Sinasabi ko na nga ba magkakasundo kayo."tuwang tuwa naman saad ni Andrei para sa kanya plus pogi points ito sa kanya.

Samantalang hindi naman nagustuhan ni Karl ang nangyayari.Pati ba sa ate ni Andrei mapapalapit si Arabella?Lalong lumiliit ang tsansa niya.Habang tumatagal ay nakakalamang na talaga si Andrei sa kanya.

"Dahil parehas kami maganda."biro naman ni Andrea.

Napangiti naman si Arabella sa biro ng kapatid ni Andrei.Gumaan ang atmospera dahil may nakakausap na siyang katulad ni Andrea.Hindi ito matapobre.

"Guess what ate siya pala ang model na sinasabi ni Raffy.At magtatrabaho na siya sa company natin."masayang pagbabalita ni Andrei sa kapatid.

"Really?Thats nice."tuwang tuwa naman si Andrea sa balita.

Naikuyom naman ni Karl ang kanyang kamao.Parang unti unti siyang nawawala sa eksena.Selos na selos talaga siya sa kaibigan.

"Kelangan ni Arabella ng makeover.Ako na ang bahala pakisabi kay Raffy."sabi ni Andrea.

"Ano po ang gagawin ninyo kay Arabella.?"sabad ni Karl.

"Dont worry Karl trust me."sabi ni Andrea na nakangiti."Susunduin kita bukas sa tinutuluyan mo Bella ha."

"S-sige po."pumayag naman si Arabella kahit hindi pa niya alam kung anong makeover ang gagawin nito sa kanya.

Natutuwa naman ng husto si Andrei.Nakuha kasi agad ng ate niya ang tiwala ni Arabella.Ito na ang simula ng paglalapit ng landas nila.

Kabaligtaran naman ang nararamdaman ni Karl.Feeling niya unti unti ng mawawala sa kanya si Arabella.Kahit pa nakatira ito sa kanya.

BALIW NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon