Chapter 64

106 1 0
                                    

★BALIW NA PUSO★

Chapter 64

Naabutan nina Don Remuel at Armando na nakasalampak sa sahig si Arabella habang umiiyak.Nilapitan siya ng mga ito at tinayo.

"Iha pwede mo bang ikwento mo sa amin ang buong pangyayari.Baka makatulong kami sa inyo."malungkot na nakatunghay ang Don kay Arabella.

"Oo nga naman anak.Baka pwede pa natin masolusyunan ang problema ninyong dalawa."saad naman ni Armando.

Pinahid ni Arabella ang mga luha niya.At kinalma ang sarili.

"Halika dito Arabella maupo muna tayo."inalalayan ni Armando ang anak.

Inayos naman ni Arabella ang sarili.Tumigil siya sa pag iyak.Handa na siyang ikuwento ang tungkol sa kanila ni Karl noon.Baka nga din makatulong ang mga ito mabuo muli ang relasyon nila.

"Ganito po yun.5years ago nagkaroon po kami ng relasyon ni Karl.At may nangyari na din sa amin minsan.Dahil sa takot kong magalit kayo Itay at mawalan ako ng career.Hiniling ko sa kanya na ilihim ang aming relasyon sa mga tao.Pumayag naman siya.Tapos umabot kami ng 1year.Pagkatapos noon ng magpropose na sa akin si Karl ay tinanggihan ko iyon.Pinili ko ang aking pangarap kesa sa kanya.At iniwan ko siya ng ganun na lang.Bata pa ako noon at hindi ko pa natitimbang ang mga bagay bagay.Nagsisi na ako sa ginawa ko.Pero huli na ang lahat.Kinamumuhian na ako ni Karl."humagulgol na naman siya.

"Anak may kasalanan ka naman pala talaga."niyakap ni Armando ang lumuluhang si Arabella.

"Wala akong pinagkaiba ni Inay Itay.Gaya mo iniwan ko din si Karl kapalit ng pangarap ko."madamdaming saad ni Arabella.

"May kasalanan din ang anak ko.Sana inintindi ka niya.At hindi agad binitiwan.At hindi nagpakasasa sa isang babae."galit na saad ni Don Remuel.

"Pero ako po ang nang iwan."saad ni Arabella.

"Lalaki si Karl dapat siya ang umunawa sayo.May dahilan ka naman kung bakit mo nagawa yon."alo ni Don Remuel kay Arabella.

"At Arabella hindi ka tulad ng Inay mo.Sumama siya sa ibang lalaki.At kelanman hindi niya ako minahal.Malaki ang pinagkaiba ninyo.Oo may kasalanan ka pero dahil pinagsisihan mo naman iyon.Ay sana mapatawad ka ni Karl."mahabang litanya ni Armando.

Medyo naman gumaan ang bigat ng kalooban ni Arabella.Atleast may nakakaintindi sa kanya.Tama may dahilan siya kung bakit niya nagawa iyon.Hiling niya sana mapatawad siya ni Karl.

"Nga pala po paano si Cynthia.?Paano po ang anak nila."kahit papaano may malasakit pa din naman si Arabella sa isang taong buntis.

"Pera lang ang habol ng babaeng na iyon sa anak ko.Sinubukan ko siyang kumagat sa pain ko.Kinagat naman niya ang alok kong sampung milyon kapalit ng paglayo nito sa anak ko."saad ni Don Remuel.

"Ganun po ba?"gulat na sambit ni Arabella hindi siya makapaniwala na ganun pala si Cynthia na klaseng babae.

"Iha kung papayag kang maging Ina ng anak ni Karl.Itutuloy natin ang inyong kasal.Plano kong kunin ang anak ni Karl sa babaeng iyon.Ibibigay ko ang hinihingi niyang sampung milyon.Tanong ko lang mahal mo pa ba ang anak ko Arabella?"tanong ng Don.

"Mahal na mahal ko po si Karl.Siya lang ang lalaking mamahalin ko habang nabubuhay ako."puno ng damdamin saad ni Arabella.

"Salamat Arabella sa pagmamahal mo sa anak ko.Pero kaya mo bang tanggapin ang anak nila ni Cynthia.?"tanong ni Don Remuel.

"Opo kaya kong tanggapin ng buong puso ang anak nila.At kaya kung tanggapin ang lahat ng sumbat ni Karl sa akin.Maiparamdam ko lang sa kanya na nagsisi na ako."umiiyak na sambit ni Arabella.

"Thank Arabella.Kung mawala man ako dito sa mundo maging payapa at masaya na ako pag nagkataon."mapait na turan ng Don.

"Gusto ko po kayong lumaban sa sakit nyo Daddy.Wag nyong hayaan na magtatagumpay si kamatayan.Maniwala kayo na gagaling kayo."pampalakas ng loob ni Arabella sa Don.

"Salamat sa pagpapalakas ng loob mo sa akin iha.Pwede ba kitang mayakap."sambit ng Don.

"Opo."niyakap ni Arabella ang Don.Na magiging ama na niya pag nakasal na sila ni Karl.

BALIW NA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon