★BALIW NA PUSO★
Chapter 33
Bumili na ng ticket si Karl para manood sila ng sine dalawa ni Arabella.Romantic movie ang panonoorin nila.Yon ang gusto ni Arabella na panoorin.Ngayon dalaga na ito pwede na ito sa ganun movie.Bumili din si Karl ng isang large size popcorn at inumin.Sinadya niyang isa lang ang bilhin para share sila ni Arabella.
Habang naghihintay naman si Arabella ay namataan niyang may kumakaway sa kanya sa di kalayuan.Palapit ng palapit ito sa kanya na nakangiti.Si Andrei iyon may dala dala itong bulalak.
"Buti na lang naabutan pa kita dito.Nilibot ko ang buong mall."pawisan na si Andrei pero gwapo pa rin ito.
"Bakit nyo naman ako hinahanap kuya Andrei.?"tanong ni Arabella.
"Pumunta ako sa condo wala kayo doon.Kaya tinawagan ko si Karl.Pero hindi niya sinasagot kahit text ko.Naisip ko tawagan si Cynthia.Sinabi niyang nandito kayo niya iniwan sa mall.Kaya nagmamadali akong pumunta dito.Buti nakita kita."mahabang paliwanag ni Andrei sa dalaga.
"Ah ganun ba?"kibit balikat lang ni Arabella.
"Nga pala flowers for you.At just call me Andrei drop the kuya thingy."nakangiting inabot ni Andrei ang bulalak kay Arabella.
"Salamat k-kuya ay Andrei pala."nahihiyang saad ni Arabella.
Samantalang ng matapos makabili ni Karl ng popcorn at inumin ay nakita niya si Andrei kausap ni Arabella.Kumunot ang noo niya sinadya nga niyang wag sagutin ang text at tawag nito.Para hindi sila maistorbo ni Arabella pero ngayon nandito ito.
"Pare naman bakit mo hindi sinasagot ang tawag at text ko?Nahirapan tuloy akong hanapin kayo."sabi ni Andrei.
"What do you want?Sana umuwi ka na lang."inis na sabi ni Karl.
"Diba sabi ko manliligaw ako kay Arabella.Pare seryoso ako."seryodong saad ni Andrei.
"Sabi ko din na off limit si Arabella."saad naman ni Karl.
"Bakit she is single naman.At pwede na siyang ligawan hindi ba Arabella?"baling ni Andrei kay Arabella.
Hindi naman makaimik si Arabella.Pwede na ba siyang magpaligaw sa iba?Kahit si Karl ang tinitibok ng puso niya.Hindi niya masabi na off limit na ang puso niya.Hindi niya masabi na may nagmamay ari na sa kanyang puso.Hindi siya ganun kadesperada para aminin sa harapan ni Karl ang nararamdaman niya.At wala pa siyang lakas ng loob.
"Silence means yes."si Andrei na ang sumagot sa tanong niya.
"Iba na lang Andrei ang ligawan mo.I said na hindi pwede si Arabella para sayo."giit ni Karl hindi niya masabi na may gusto siya sa dalaga.Katulad ni Arabella wala pa siyang lakas ng loob.At para sa kanya maaga pa para ligawan niya ito.Hindi niya alam na hinihintay lang siya nito.Taguan ng feeling kumbaga.
"Bakit may gusto ka ba kay Arabella?"hula ni Andrei.
"Ano bang sinasabi mo.?"namula naman si Karl natumbok kasi ng bestfriend niya ang nararamdaman niya para sa dalaga.
"Im sorry nagbibiro lang ako.I know naman na sister lang ang turing mo kay Arabella.So Im courting her now."pagpumilit ni Andrei.
Medyo nasaktan naman si Arabella sa sinabi ni Andrei.Nasaktan siya sa katotohanang sinabi nito.Na kapatid lang ang turing ni Karl sa kanya.Hindi niya ito tinatanggap sa sarili niya.Gusto niyang mamuhay sa pantasya niya.At mananatili lang doon kahit pa habang buhay.
"Kaya nga hindi pwede.Alam ko na playboy kang tao.Tapos liligawan mo ang kapatid ko.?No hindi ako makakapayag."may alibi na si Karl ngayon.
Napabuntonghininga naman si Arabella.Parang pinipiga ang puso niya sa narinig.Narinig niya mismo kay Karl na kapatid lang ang turing nito sa kanya.Masakit pala ang magising sa katotohanan.Gusto nang tumulo ang kanyang mga luha.
"Magsi cr lang po ako."gusto niyang umalis muna sa harapan ni Karl.Ayaw ni Arabella na makikita siya nitong umiiyak.Tiyak na magtataka ito.
"Sige take your time."sabi ni Karl.
Dali dali namang pumunta si Arabella sa cr at naghilamos.Binasa niya ang kanyang mukha para mahalo ang mga luha niya sa tubig.Masakit first time niya iyon marinig iyon kay Karl.Masakit ang katotohanan.Siguro tama ang ate Anna niya.Hindi siya dapat mamuhay sa isang pantasya.Dahil masakit ang magmahal.Magmahal sa taong hindi ka naman mahal.Yon ang akala ni Arabella.Medyo nagtagal siya sa cr.Matapos kasi niyang umiyak ay nag ayos pa siya ng sarili.Naglagay pa siya ng pulbo at lip balm para hindi halatang umiiyak siya.
BINABASA MO ANG
BALIW NA PUSO
FanfictionKwento ng isang teenager na nagmahal,nasaktan at minahal pabalik ng taong kanyang minamahal...!!!♥♥♥♥ Alamin ang kwento ni Arabella Domingo isang probinsyanang nangangarap...!!