Napuno ng trabaho ang buong week ko dahil sa ilang araw kong hindi pagpasok.
"Ma'am-"
"Ayoko ng trabaho ngayon." Pumikit ako pero hindi ko siya naramdamang umalis. "Sabi ko-"
"May naghahanap po kasi sainyo." Umikot ako paharap sakaniya at nagtaas ng kilay. "Babae po."
"Papasukin mo." Hinilot ko ang sintido ko saka nakangiting tinignan ang pumasok.
"Hi." Unti-unting nawala ang ngiti ko, pero pinilit kong ibalik.
"Elly." Itinuro ko ang upuan sa harapan ng lamesa ko saka umupo. "What..are you doing here?"
"I just wanna ask." She smiled a little and put her bag into another chair.
"Then, ask."
Tumingin siya sakin bago magsalita. "Ipapaalala ko lang na, ako ang fiancè ni Zanth." I awkwardly laugh.
"Okay." She smiled again.
"Ayoko sanang magkaron ng iba." Nawala ang ngiti ko at tinitigan siya ng seryoso.
"Kung gusto mong walang iba sa paligid ng fiancè mo, itali mo sa tabi mo para naman mabantayan mo." Bumuntong hininga ako. "Hindi yung, susugod ka sa company ko para lang sabihin ang walang kwentang mga yan." Ngumiti ako.
"Wala akong pakeelam kung ano kayo. Kung sayo talaga si Zanth, sayo lang siya." I sweetly smiled at her. "Now, go." Itinuro ko ang pinto. "Maaliwalas ang pinto para lumabas ang germs na katulad mo."
Nagugulat naman siyang tumingin sakin at pabagsak na tumayo saka pabagsak na isinara ang pinto. Isinandal ko naman ang likod ko sa sandalan at bumuga ng marahas na buntong hininga.
"Grace."
"Yes ma'am?" Pumasok siya na nakangiti.
"You may take your leave." Naguluhan naman siya.
"Rest for 1 week." Ngumiti siya at excited na lumabas sa opisina. Sakto namang pumasok si Caleb.
"Ano nanamang ginawa mo don?"
Umarko pataas ang kilay ko.
"Wala akong ginawa, ba 't nandito ka?" Umayos ako ng upo at binuksa ang laptop ko.
"Aalis na 'ko bukas." Tumingin ako sakaniya at sinundan siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa upuan na nasa harap ng lamesa ko.
"Aalis? San punta?"
"New York." Isinara ko ang laptop ko at itinuon ang atensyon ko sakaniya.
"Gagawin mo 'ron?" Sumandal siya at bumuntongg hininga.
"Kailangan ko munang ayusin sarili ko." Sumandal rin ako at bumuntong hininga.
"Eh ikaw? Bat ka nagbibigay ng rest sa mga clients niyo?" Umirap ako at tumingin sakaniya.
"I need to rest too."
"Bakit?"
"Stress ako."
"Bakit?"
"May problema."
"Anong klasing problema?"
"Friends."
"Anong nangyari?"
"Nagkasagutan."
"Panong nagkasagutan."
Mabilis kong inihagis sakaniya ang lalagayan ng mga ballpens ko. Malakas naman siyang tumawa at inayos ang ballpen holder sa lamesa ko.
"Biro lang." Umirap ako.
BINABASA MO ANG
Under The Same Sky (#1) [UNEDITED]
Teen FictionIsland Series #1 -Completed- I was once lost in the midst of emptiness, in the midst of chaos and in the midst of pain. But, finally found the peace, way, and healing. Crying alone does not show that you are weak, but it shows you that you are stron...