.12

932 76 21
                                    

Bumaba ako ng marinig ko ang busina ng sasakyan. Ibinalot ko ang sarili ko sa roba at binuksa ang pinto ko. Si daddy and si mommy.

"Ma-"

"What is this!" Nagulat ako sa biglang pag-sigaw ni daddy. Humawak naman agad si mama sa kamay niya at sinabing huminahon si papa.

"What?" Iniabot nya ang papel. I open the envelope and when i saw the papers in side, my whole body fell into the floor. "What is this.. No."

"Ano yan, Ava." Tumayo ako at hinawakan ang kamay ni papa.

"Dad, i didn't do anything. Hindi ko alam to. I swear." Pumikit ng mariin si papa.

"Kung hindi ikaw, sino? Sinong magbibigay sa media ng picture mo na nasa isang Modeling event ka!" Pumikit ako at hinayaang umagos ang luha ko sa mata.

"Pa, sorry, sinubukan ko lang naman kasi gusto kong maranasa-"

"No!" Winisik niya ang kamay dahilan para mabitawan ko yon at mapalayo ng kaunti. Hinawakan ni papa ang gitnang bahagi ng ilong niya at umikot siya at umupo. "How many time do i have to tell you that you can't do modeling thing."

Naglakad ako papunta sa isang upuan at umupo.

"Pa, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit bawal kong gawin yon." Hinilamos niya nag mukha at tumimgin sakin.

"Dahil hindi ko gustong gawin mo iyon. Ikakapahamak mo yon." Tumayo siya at lumapit sa'kin saka ako niyakap at hinalikan sa ulo. "Mauuna na nakami."

Isinara ko ang pinto at sumandal doon, yumuko ako at sumalampak sa sahig. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ng roba ko at wala sa sariling tinawagan si Zanth.

"Hey?"

"Are you busy right now?"

"Kakahatid ko lang sa'yo diba?" Suminghot ako at agad din yong tinakpan. "Hey, are you crying?"

"Nope, i think you're busy. Sorry sa istorbo." Pinatay ko ang tawag at umakyat sa kwarto ko at do'n ikunulong ang sarili.

Dahil sa pagod sa pag-iyak ay nakatulog ako, nagising lang ng yugyugin ako ni Cris.

Umupo ako at napatingin sa suot ko, nakasando at pajamas na'ko, nakangiti naman si Cris at inilagay sa basket ang damit.

"Ayos kanaba?" Tumingin ako sakaniya at umusog ng kaunti, umupo siya sa higaan ko at tumingin sa'kin.

"Hmm." Tumango ako.

"Bakit ba umiiyak ka ng mag-isa? Nagmumukha kang mahina eh." Naiiling niyang sabi habang pinupunasan ang kamay ko.

Bumuntong hininga ako.

"Magkaiba tayo ng alam tungkol sa pag-iyak ng mag-isa." Natigilan siya at nagtatakang tumingin sa'kin.

"Crying alone does not show that you are weak." Ngumiti ako at tinitigan ang picture ko na kasama sila mama at papa. "but it shows you that you are strong."

Ngumiti lang siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Sana, sa tamang oras at panahon. Magawa mo lahat ng gusto mo, yung hindi na kailangan magtago." Tumingin ako sakaniya at ngumiti. "Sana, sa tabi ni kuya Zanth, maayos ang lagay mo."

"Zanth?" Tumango siya.

"Nasa baba siya. Kalaro na si Maesy." Mabilis akong tumayo at bumaba.

Nadatnan ko siya na karga si Maesy habang nanunuod ng cartoons. Tumabi naman sa'kin si Cris at bumulong.

"Bigyan mo na ng anak." Nanlaki ang mata ko at kukurutin sana siya ng mabilis siyang tumakbo papuntang kusina. "Mahal kita Ava!" Malakas na sigaw na dahilan para makuha niya ang atensyon ni Zanth tumingin sa'kin.

Under The Same Sky (#1) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon