._.
While silenty dancing in the dark. He hugged me tight but we're still swaying. My heart pounded.
"I miss you." He said. Sumasabay ako sa kilos niya, bawat hakbang niya ay siya ring hakbang ko. Hindi ko maintindihan ang pinapakita at pinaparamdam ng sistema ko. May halong kaba, takot, saya at lungkot. Aaminin ko na may masaya sa akin na marinig ang katagang 'yon pero may lungkot din na dulot dahil sa nangyari sa 'min noon.
Hindi kami tumigil sa pagsasayaw sa tahimik na dagat. Tumigil na rin ang mga tunog ng mga kuliglig kaya tanging alon ng dagat at parehong paghinga namin ang siyang maririnig. Humiwalay siya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko habang nakatingin sa mukha ko.
"Bakit ang tagal mo?" Naluluhang tanong niya. Umiwas ako ng tingin at itinuon ang tingin sa dagat. Hiniwalay ko ang kamay ko at naglakad papunta sa tubigan at ibinabad ang ang mga paa ko sa malamig na tubig.
"Mah-"
"Ano ba!" Mariiing sigaw ko sakaniya saka ako humarap. "Hindi ko maintindihan." Pumikit ako ng mariin.
"Anong hindi mo maintindihan? Ipapaliwanag ko. Makinig kalang sa 'kin." Kinuha niya ang isang kamay ko at mahigpit na pinagsiklop iyon.
"Alam ko naman na lahat. Sinabi sa 'kin lahat ni Elly." Nag-uumpisa ng magtubig ang mga mata ko. "Ang hindi ko lang maintindiha." Huminga ako ng malalim. "Bakit mo'ko iniwan."
"Ava."
"Bakit hindi mo'ko hinanap." Malumanay na sagot ko.
"Hinanap kita." Hinila ko ang kamay ko at umiling. "Ava, maniwala ka sa 'kin. Hinanap kita."
"Pa 'no? Nasa iisang bansa lang tayo, Zanth! Iisang bansa!" Nalilito niya akong tinignan.
"Nasa France ka?" Tumango ako at hinayaang umagos ang mga luha ko.
"Nasa France ako." Sagot ko habang patuloy na umaagos ang luha ko. "Nandoon ako, inaayos ang sarili ko dahil nagiging tanga ako sa kakahintay ng taong alam kong hindi na babalik." Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.
"Zanth. Nasa pilipinas pa 'ko ng matigil yung kasal. Nasa bahay ako, umiiyak, nandoon lang ako, hinihintay pati anino mo! Pero hindi ka dumating!" Sigaw ko.
"Dahil tinatago ka ng mga kaibigan mo-"
"Dahil nilalayo nila ako sa taong sasaktan lang ako!" Buwelta ko. Natameme siya. Umiiyak habang nakatingin sa 'kin.
"2 years, Zanth. 2 years. If you really look for me, you will find me." Mahinang dagdag ko.
"How can I find the person who doesn't want to see me? Tell me." he replied to me. my tears flowed down my cheeks when he said that. I approached him while hugging myself...
"Kasi, ayoko ng masaktan." Mahinang sagot ko habang nakatingin sakaniya. "Matagal akong naghintay sa wala. Matagal akong naghintay sa 'yo." Lumunok ako. "Tumigil ako kasi akala ko kasal kana. Pero hindi papala."
"Ava, you don't know anything, Ava. Hindi mo alam ang pinagdaan ko mahanap kalang." Sarkastismo akong tumawa.
"You too! You don't know anything! Nobody knows how many times I've cried alone, nobody knows how many times I lost hope, nobody knows how many times I've wanted to end it all, nobody knows how broken I am, nobody. knows. me...even you!" Malakas na tulak ko sakaniya. "Iniwan moko without knowing na mas pinili kita sa lahat." Mas lalo akong naiyak.
"Ava."
"Gabi gabi kong tinatanong sarili ko, anong kulang sakin." Tumingin ako sakaniya. "Bakit kailangan siya yung piliin mo kesa sa 'kin."
BINABASA MO ANG
Under The Same Sky (#1) [UNEDITED]
Novela JuvenilIsland Series #1 -Completed- I was once lost in the midst of emptiness, in the midst of chaos and in the midst of pain. But, finally found the peace, way, and healing. Crying alone does not show that you are weak, but it shows you that you are stron...