Hinatid ako ni Zanth kinabukasan. Lahat ng kaibigan ko ay nakaabang sa pintuan, lumunok ako at humalik na sa pisngi ni Zanth at kumaway. Nang sasakyan ay hindi ko na makita ay naglakad ako papalapit sakanila.
"Anong meron sainyo?" Seryosong tanong ni Junella.
"Oo nga, bat umalis agad?" Tanong ni Gil.
"Bakit di nagpaalam sa'min?" Tamad na tanong ni Sheikah.
"Alam niyo, ang sakit na ng paa ko. Kanina pa tayo nakatayo dito." Nagpamulsa si Heart at nangunang pumasok. Umiling silang lahat at pumasok na. Huli kaming dalawa ni Nikolle.
Niyakap niya ang braso ko at bumulong.
"May relasyon kayo no?" Ngumiti ako at kumindat. Napatanga siya at nagpatianod, hanggang sa makaupo ay nakatingin lang sila sa'kin.
"Maesy!" Agad kong binuhat ang anak ni Cris at binigyan ng lollipop. Naupo ako at tumingin sa mga kaibigan kong tahimik na tinitignan ako.
"Mag-usap tayong lahat." Umupo si Heart at nagkrus ng kamay.
Sabay-sabay ang saldak na buntong hininga nila.
"Ano bang nangyayari sainyo?" Nakakalokong tumawa si Junella.
"Inlove kano?" Tumingin ako sakaniya.
"Hmm." Sure na sagot ko. Ngumiti ako at ibinababa si Maesy. "Hindi ako masasaktan, promise." Ngumiti ako at lumapit sakanila at yumakap. Then our hug became a grouphug. Sumali rin si Heart.
Naisipan nilang dito sa bahay ko matulog. Kaya ngayon, nandito kami sa sala at nag-uusap tungkol sakin at kay Zanth.
"Okay, How?" Ngumiti ako sa tanong ni Junella.
"Anong How?"
"Paano ka nahulog?" Ngumiti ako.
"I don't know." Ngumiti silang lahat at sabay-sabay nila akong tinapunan ng throwpillow. "Ano ba! Hindi ko rin magets tong sistema ko."
"Pakyu." Malakas na sabi ni Nikolle. Natawa ako at dumapa.
"We kissed." Lahat ng atensyon nila ay nakuha ko.
"Aba'y speed rin pala itong si kumpareng Zanth." Malakas at sarkastismong sabi ni Nikolle.
"Sinong Speed?" Napatingin ako sa pinto ng bahay ko ng may magsalita, napatitig ako sakaniya. Natigil naman ang iba at agad nagsitayo at yumakap sa bagong dating.
"Demi!" Mahigpit siyang niyakap ni Junella. "Sa'n ka galing? Ang tagal mong nawala." Hinawakan ni Junella ang magkabilang pisngi ni Demi.
"Galing akong probinsya, syempre." Ngumiti siya at tumingin sa'kin, i smiled and tap the pillow beside me.
Pagka-upo niya sa tabi ko ay agad ko siyang niyakap at pinugpog ng halik.
"Nakikiliti ako, Ava!" Malakas niyang sabi at tawa. "Ava! Naiipit yung tyan ko." Pagkasabi niya non ay tumigil ako. Tumingin ako sa tyan na flat parin. "Musta ka?"
Ngumiti ako at yumakap sakaniya ulit.
"Masaya ako." Tumingin siya sa'kin.
"Anong dahilan?" Umayos ako ng upo.
"Inlove siya eh." Mabilis na sagot ni Nikolle. Tumingin siya kay Nikolle at tumingin ulit sa'kin.
"Kay Roge ulit?"
"Roge. Roge kayo diyan, matapos saktan nung lalaking yon si Ava?" Nagugulat at nanlalaki ang mata ko ng sumulpot siya na may dalang apat na plastic ng beer at naupo sa tabi ni Cris.
BINABASA MO ANG
Under The Same Sky (#1) [UNEDITED]
Novela JuvenilIsland Series #1 -Completed- I was once lost in the midst of emptiness, in the midst of chaos and in the midst of pain. But, finally found the peace, way, and healing. Crying alone does not show that you are weak, but it shows you that you are stron...