PROLOGUE

1K 17 0
                                    

"Lola Cia!!!!"

" Anastasia, Apo! Mabuti naman at naisipan niyong bisitahin kami ng lolo mo.." agad namang niyakap ni Anastasia ang lola nito.

"Naman po lola!, Lola, yung sinabi niyo po na ipapakita niyo po ang picture niyo ng bata kayo.."

Agad namang napapitik sa hangin ang matanda at ngumiti sa apo nito.

"Oo nga pala, alam mo namang ulyanin na ako apo.."

Sumama ang apo nito sa kaniya ng pumasok sila sa isang kwarto. Dahan-dahang may kinuha ito sa ilalim ng kama ng isang kahon.

Agad namang kinuha ng apo nito ang isang album at binuklat ito.

"Lola, ang ganda niyo po nung bata kayo.."

Napatawa naman ang matanda at umupo katabi ang apo nito.

Napatingin silang dalawa ng bumukas at pumasok ang anak nito na si Anna.

"Anna, mabuti naman at nakabisita kayo.."

"Amm..Ma, sa totoo lang ay may sadya kami talaga dito. May business meeting kasi kami kasama ang asawa ko. Baka bukas na kami makauwi, maaari po bang pabantanyan ang apo niyo.."

"Oo naman, masaya akong makasama ang anak mo.."

"Salamat ma...Anastasia!"

Lumapit naman ang anak nito.

"Anastasia baby, aalis si mommy ahh. Dito ka muna sa lola mo, pwede ba? Uuwi din kami bukas.."

"Ok lang po!"

"Good girl.." hinalikan niya ito sa pisnge bago tumayo.

"Sige ma, aalis na ako. Kayo na po bahala.." sabi ni Anna at umalis na ito. Bumalik si Anastasia sa tabi ng lola niya.

Habang nagtitingin ng mga litrato si Anastasia ay bigla nalang na may nahulong sa ilalim ng pinakahuling pahina ng album. Ang tunog ng bakal ay rinig na rinig sa apat na sulok ng kwarto.

Agad namang dinamput ni Anastasia ang bagay na iyun at pinakita sa lola nito.

"Lola, sainyo po ito?" Agad na tanong ni Anastasia. Ngumiti naman ang matanda at kinuha iyun.

"Apo, total bukas pa ang uwi po ay bakit hindi kita makwentuhan ng isang napakamagandang kwento."

Story time!! Gusto ko po.." sabi ni Anastasia at umayos ng upo sa tabi ng lola niya.

"Apo, isa itong storya ng isang dalaga at binata na magkaiba ang mundong kinagagalawan.."

"Ay ang lungkot!!" Sagot agad ng apo nito na kinangiti ng matanda.

"Hindi naman maiiwasan ang mga ganuung bagay, amm balik tayo sa storya. Handa ka na bang makinig apo?"

"Yup!!!!!"




[A/N: another story po. Hindi po ito konektado sa mga ibang story ko. Mas mahihirapan nga lang po ako dito dahil hindi naman sa first ito pero ito ang first time na may fantasy story ako isusulat tapos talagang focus ako sa storyang ito. Alam niyo pong general fiction ang genre ko pero try ko lang ulit sa ganito. Wala namang masama kung walang jugjugan sa story kong ito. Sana magustuhan niyo. By the way, don't forget to follow may wattpad account and vote and comment na din kung ano gusto niyong sabihin dito..]

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon