CHAPTER NINETEEN

112 11 0
                                    

Stacia's POV

"Ngayong ayos na ang lahat ay aalis na tayo bukas!" Sabi ni Z sa lahat.

Napatingin ako kay Dani na papalapit sa amin at medyo pawisan ito. Siguro nagsanay ito dahil may narinig ako kanina na parang may bumagsak na puno.

"Mga kawal! Kumuha kayo ng mga kahoy para magagamit natin para mamayang gabi sa apoy!!" Utos ni Z sa kawal.

"Huwag na kayong maghirap, may bumagsak doong punong patay. Yun nalang ang kunin niyo.." walang buhay na sabi ni Dani habang nakaupo sa malapad na bato at inaayos ang espada nito.

Napatingin ako kay Drix na palapit sa amin at nakaalalay dito si Lia.

Maganda si Lia, pero kung pagtatabihin sila ni Dani ay kay Dani ako kahit na medyo hindi pa kami close ni Dani.

Inamin niya kasi sa akin na may gusto ito kay Drix kaya syempre boto ako kina Dani at Drix.

Naramdaman kong may umakbay sa akin kaya napatingin ako doon. Si Z iyun at nakatingin lang sa akin.

"May ginamot ka ba sa kamay ko?"

"Wala? Maayos naman ang kamay mo ahh" sabi ni Z at hinawakan ang kamay.

"Oo, ngayon maayos pero nung nasa laban tayo sa pagitan ng mga mangkukulam ay ginamit ko ang bubog para maputol ang lubid na nakatali sa mga kamay ko.Marami akong hiwa doon at napansin mo ba ang mga dugo na halos bumalot sa kamay ko?" Mahabang paliwanag ko kay Z. Napakunot ang noo nitobat tinignan ang kamay ko.

"Napansin kong may dugo ang kamay mo, pero ang pagkaalam ko ay dugo iyun ng bangkay"

"Sa akin iyun, pero ngayon ay kahit na bakas man lang ng sugat ay wala." Takang sabi ko kay Z.

"Wala naman ang singsing sa akin, kaya imposible na iyung mangyari.."

"Dahil ikaw pa din ang itinakda o kaya may mga diwatang nagpagaling sa sugat mo. Ang mga kagubatang nandito ay maraming naninirahan na mga diwatang mabubuti at masasama. Ilan ngalang ang diwata dito kasi halos mga mangkukulam ang nandito..."

"Mga mangkukulam, natatandaan kong napagkamalan mo akong mangkukulam, ganun ang mga itsura ng mga mangkukulam niyo dito tapos ako mangkukulam.."

"Hindi ko pa naman alam, pero dahil malapit ang Banal na Tubig sa gubat ng mga mangkukulam ay yun lang agad na pumasok sa isip ko. Patawad sa pagsabi ko doon, iniisip ko lang ang kaligtasan ng Zyronia. Kakaiba ka kasi dahil doon ka pa galing sa Banal na Tubig."

"Wala naman na tayong magagawa, tapos na yun."

Sabi ko nalang at sumandal sa braso niya. Nakaupo lang kmai ngayon sa malapad na bato. Agad na nanlaki ang mata ko ng makita kong nasa harap lang kami nina Drix, Lia at Dani. Ang mga kawal ay abala sa mga tent nila at pagkuha ng panggatong.

"Alam kong may namamagitan sa inyong dalawa, huwag niyo namang masyadong ipahalata..." nakangising sabi ni Dani sa amin. Umayo na ako ng upo at napatingin kay Drix kung may sasabihin ba ito pero nakatahimik lang siya.

"Lia, paano mo siya napagising?"

Napatingin naman si Lia sa akin at binalik kay Drix.

"Hinawakan ko ang pisnge nito at...at hinalikan ko siya sa pisnge.."

Palihim akong napatingin kay Dani at nakita ko ang pagkuyom ng kamao nito. Napangisi ako doon.

"Hinalikan mo ako sa pisnge?" Takang tanong ni Drix kay Lia at tumango lang si Lia.

Napakunot ang noo ni Drix sa sinabi ni Lia.

Anong problema ni Drix?

Tumayo ako at napatingin naman ni Z sa akin.

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon