CHAPTER SIXTEEN

113 11 0
                                    

Stacia's POV

Naramdaman kong may tumatapik sa pisnge ko at nagyuyugyog sa braso ko kaya agad kong dinilat ang mata ko. Napakunot ako sa liwanag na agad na sumalubong sa akin.

"Mabuti na lang at gising ka na. Kakain muna tayo bago maglakad ulit.." rinig kong sabi ni Z kaya tumango nalang ako. Nakaupo lang ako sa pinagtulugan ko may inabot sa akin si Z na pagkain. Mga prutas lang naman tulad ng mansanas at kung ano-ano pa.

Napatingin ako sa iba na kumakain na din. Kinain ko na yung akin habang tumitingin sa paligid. Gusto kong maghilamos pero mukhang bawal naman yung tubig dito kasi nga banal.

Napatingin ako kay Z habang kumakain ng mansanas. Kahit saang view ay talagang nakakaakit ang itsura niya. Kahit ang pagnguya niya sa kinakain nito ay nakakaakit din.

Napakagat ako sa mansanas ko habang nakatingin kay Z. Agad naman yatang naramdaman na may nakatingin dito kaya lumingon ito.

Agad kong tinignan ang mansanas na kinakain ko para isipin niya na doon ako nakatingin.

Ilang segundo ang lumipas at sinubukan kong tignan siya at isa pala iyung pagkakamali dahil nakatingin na ito sa akin. Ngumisi siya ng magkatitigan kami. Agad na namula ang pisnge ko at tumingin nalang sa ibang direksyon.

Nang maubos ko na ang kinakain ko ay agad namang may inabot sa akin si Z na parang bote. Pabilog ito at parang lalagyan ng alak.

"Huwag kang mag-alala, tubig lang yan.." sabi niya at ngumiti kaya uminom na ako doon. Nang uminom ako doon ay parang ang bigat parin, parang hindi nabawasan.

"Ang mahikero ang lumikha niyan, hindi yan nauubusan ng tubig. Tamang-tama yan sa paglalakbay na katulad nito." Sabi niya at agad naman akong namangha sa bote na ito.

"Ang galing naman.." sabi ko habang binalik ko na sa kaniya ang bote.

"Marami talagang nagagawa ang mahikero na nakakatulong sa amin. Katulad nalang yung lalagyan ng armas at ang ganitong tubigan.." sabi niya kaya tumango nalang ako.

Ilang minuto pa ay tumayo na si Z. Agad naman akong napatingin sa kaniya at inabot ang kamay ko. Inabot ko naman ay tinayo niya ako.

"Magsisimula na ulit ang paglalakad, sapat na ang pahinga para maglakbay ulit." Sabi ni Z sa lahat at nagsitango lang ang lahat. Napatingin ako kay Z dahil sa klase ng pamumuno nito. Ang manly ng boses niya na bagay na bagay sa kaniya.

Teka?

Bakit ko pala laging pinupuri ang lalaking ito?

Nagsimula nang...

Huwag nalang.

Nagsimula na ulit sa paglakad ang lahat. Habang naglalakad ay agad na may tumabi sa akin. Napatingin naman ako sa tumabi sa akin at si Dani iyun. Napatingin siya sabakin at yung klase ng tingin na hindi naman mataray o galit. Parang wala lang..

"Matagal ko ng gusto ang Prinsipe, sobrang tagal na. Pero kahit ni minsan ay hindi niya ako pinapansin o ano man. Nabalitaan ko sa reyna na kasama ka niya sa pagpasok sa hardin ng Zyronia kaya wala na akong pag-asang makasama siya doon. Alam mo bang sobra ang galit ko sayo doon?"

Wala na akong sinabi pa kundi tumango nalang. Akala ko ay may kasunod pa ang sumbat niya ng magsalita ito na iba na ang topic.

"Nang magalit ako ay agad na napansin ko si Drix na nag-eensayo ng kaniyang kapangyarihan sa tubig. Namangha ako doon at parang unti-unting nawawala ang pagkagusto ko sa Prinsipe. At iba na ang ginugusto ko ngayon..." sabi niya at tumingin kay Drix na naglalakad nang bigla itong napatigil dahil nadaan niyanang sapot ng gagamba na napunta sa mukha niya.

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon