CHAPTER TWO

248 13 0
                                    

Stacia's POV

"Anong ginagawa mo sa Banal na tubig!!" Sigaw ng isa doon.

Huh???

Banal na ano????

Banal na tubig?

"Kunin siya!!" Sigaw ng isa doon bago nila hinawakan ako at pwersahang kinukuha sa tubig. Lalangoy sana ako palayo ng mapansin kong bigla nalang umilaw ang asul na tubig.

Napatingin ako sa mga lalaking nakacostume na mandirigma na bigla nalang silang nagsilayo.

Nang mawala ang liwanag sa tubig.

"Kunin niyo na siya!" Sigaw ulit ng isa doon kaya agad naman nila akong kinuha.

"Hindi ko kaya maintindihan!! Ano to!! Mga baliw ba kayo??"

"Magsitabi ang lahat!" Sigaw ng mukhang nasa dulo. Ang mga lalaki na hawak ko ay bigla nalang akong binitawan at umayos sila ng dalawang linya. Nasa gitna ako ng dalawang linya yun.

Napatingin ako sa isang lalaking palapit sa akin. Iba ang suot nito sa kanila at mas maporma ito.

Iba ang natatanging itsura nito. Mas may itsura pa ito at kung sa university ay siya ang pinakagwapo sa lahat.

Nabigla ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko. Marahas ang pagkahawak niya at agad akong ngumiwi sa higpit ng pagkahawak niya sa akin.

"Hindi ko inaasahang magpapadala si Balzar ng kampon niya dito at ganito ang itsura." Sabi ng lalaki na hawak ako.

"Bitawan mo ako!!"

"At bakit naman kitang bibitawan?" Madiing sabi nito at nagsalubong pa ang dalawang kilay nito.

"Dahil wala akong alam sa sinasabi mo? At bakit ba ang higpit ng pagkahawak mo huh!! Bitawan mo nga ako!!"

"Pang-ilan ng nagpapadala ng mangkukulam si Balzar dito?"

"Pangatlo na po ito pinuno.." sagot ng isa doon at agad akong nagulat sa sinabi nito.

Mangkukulam? Ako mukhang mangkukulam...

"Hawakan niyo at huwag niyong hahayaang makawala.." sabi ng pinuno nila at basta nalang akong binitawan. Napatingin ako sa braso ko na hinawakan niya at namumula iyun.

"Pupunta tayo sa kulungan at doon muna ito bago siya ihaharap sa hari at reyna.." sabi ng pinuno nila at nakataliko na ito sa akin.

Napatingin ako sa buong paligid at iba ito. Ang mga ilang halaman ay masyadong malaki.

Napatingin ako sa tubig na pinanggalingan ko at kulay asul iyun. Nanggagaling ang tubig sa pagitan ng dalawang bato.

Ayaw ko munang paniwalain ang sarili ko na nasa ibang mundo ako o ano mang lugar ito. Kailangan kong bumalik.

Baka nananaginip lang ako at nakatulog ako dahil nabagok ang ulo ko sa kalsada dahil sa...

Teka...

Napatingin ako sa kamay ko na nakasuot na sa akin ang singsing na iyun.

Kulay ginto ito at nababalutan ng parang baging na kulay ginto.

Agad kong hinampas ang ulo ko, baka nananaginip lang ako pero sumakit lang ito.

"Anong pinaggagawa mo?"

"Manahimik ka..." ang sabi ko lang habang pinaghahampas ko ang ulo ko.

"Pinuno, nasisiraan lang ito ulo.."

Agad akong napamulat at napatingin sa nagsabi nito. Agad na nagsalubong ang kilay ko at dinuro siya na agad namang napahakbang paatras.

Gusto kong matawa pero yung sinabi niya kanina ay hindi nakakatuwa.

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon