Stacia's POV
Napadilat ako ng mata dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Nakakasilaw iyun kaya talagang magigising ka.
Agad na napatingin ako sa paligid at mukhang nandito ako sa kwarto ko. Hmm..oo nga, nandito ako.
Teka, anong nangyari sa laban naman ni Dani. Nasaan na siya? Nandito ako kaya ibig bang sabihin ay natalo ako?
Napaupo ako sa kama at napatingin sa binti ko at sa tiyan. Nakakapagtaka na wala akong sugat pero sa pagkakatanda ko ay nahawi ako ng espada ni Dani.
Tumayo ako para maghilamos sa talon. Nang magawa ko na iyun ay bumalik ulit ako sa kama.
Siguro nga ay natalo ako dahil ako ang sugatan kanina.
Pinagaling siguro ako ng mga manggagamot dahil tagapagligtas daw ako.
Tagapagligtas?
Natalo ako ni Dani.
Lalaban pa kaya ako kay Balzar kung kay Dani palang ay wala na ako.
Mas mabuti nalang yata na bitawan ko ang posisyong ito dahil hindi naman ako nararapat. At saka sa mga mata ng tao rito ay mahina ako.
Natalo ako ehh.
Tumayo ako at lumabas na sa kwartong ito. Wala akong nakasalubong na kawal o ano mang tao. Mukhang walang tao rito.
Nang nakalabas ako sa palasyo ay nakita ko sina Dani at Drix pati narin si Z na nag-uusap.
Nakatayo lang ako sa kinatatayuan ko at pinapanood sila. Mukhang malalim ang pinag-uusapan nila.
Nakikita ko sa mukha ni Z na mahalaga itong sinasabi at si Dani naman ay tumatango lang.
Napadako ang tingin sa akin ni Drix at nakita ko ang gulat sa mukha niya bago tinawag ang pansin ng dalawa.
Agad na lumapit sa akin si Drix pero naunahan pa siya ni Z.
"Kamusta ka? Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Mabuti naman ako.." Napatingin ako sa naiwang mag-isa doon na si Dani. Nakatingin lang ito na parang wala lang. Lumakad ako palapit sa kaniya, naiwan naman ang dalawa doon.
Nakita kong naalarma si Dani sa paglapit ko.
"Kung may balak kang lumaban ulit ay hindi na mangyayari pa dahil sa nanalo ka na. Dito sa Zyronia, kapag nananalo ka na ay panalo ka na..."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nito? Hindi naman ako ang nanalo. Sa pagkatanda ko ay ako ang sugatan na nakaluhod na sa damuhan.
"Hindi kita maintindihan Dani, nasugatan mo ako at nakaluhod na rin ako doon. Ang pagkakaalam ko ay nanalo ka. Nagising ako sa kama at ikaw ay nandito. Mukhang ako ang napuruhan sa laban natin. Kaya nanalo ka.."
Kumunot din ang noo nito at napatingin sa tiyan ko. Agad na inangat nito ang tiyan ko at nagulat ito.
"Nawala ang sugat mo?"
"Hindi ko rin alam. Malamang, nakikita mong wala eh.." agad naman niyang binitawan ang damit ko at nagcrossed arm.
"Mukhang wala kang matandaan sa nangyari o maang-maangan ka lang. At saka wala na din akong pakialam doon. Oo nga ay nanalo ka pero para sa akin ay nakaramdam ako ng pandaraya dahil gumamit ka ng mahika sa laban natin!"
"Mahika? Wala nga akong natatandaan na mahikang ginamit?"
"Wag ka nang magsinungaling pa!"
"Dani!" Rinig kong sigaw ni Z kaya napalingon naman ako sa kaniya na palapit na sa amin.
BINABASA MO ANG
See you on the other side
Fantasia[COMPLETED] " Ang mapunta sa mundong kinabibilangan mo ay isa sa pinakamagandang karanasan na naranasan ko. At kahit na maraming paghihirap akong naranasan ay hindi ako magda-dalawang isip na bumalik dito at maulit. Alam kong darating ang panahon na...