CHAPTER THIRTY-ONE

121 12 0
                                    

Stacia's POV

"Stacia!!!! Ang itim na bilog!!!!"

Agad na napatingin ako sa itim na bilog na unti-unting kinukuha ang lahat. Ang mga ulap ay nakuha rin nito at sa bawat kuha nito ay unti-unting lumalaki ito.

"Paano natin yan matatapos, isang bagay na hindi namin alam at ngayon ko lang nakita!" Sabi ni Drix.

Lumapit ako kay Z at hinawakan ang labi nitong may sugat.

"Ayos lang ako.." sabi nito at agad akong niyakap.

"Akala ko ay mawawala ka sa akin agad."

Ngumiti nalang ako ng lihim bago humiwalay sa kaniya.

Nakatakas sila sa kulungan nilang gawa sa buhangin sa tulong ni Drix na may kapangyarihan ng tubig.

Lumapit ako sa hari at reyna.

"Natutuwa kaming napatay mo si Balzar pero ang bagay na iyun ay sana matapos din.." sabi ng hari kaya tumango lang ako. Hinawakan ko ang bakal at unti-unting iting natunaw. Inalis ko sila sa kulungan at agad namang sinalubong ni Z ng yakap ang ama't ina niya.

"Kailangan niyo ng umalis dito, masyadong mapanganib na ang lugar na ito." Banggit ko na agad namang ikinailing ni Z.

"Hindi kita pwedeng iwan" banggit nito na ikinailing ko lang.

"Sa ngayon ay kailangan..." sabi ko at may inilikha akong limang bilog na kulay puti.

"Isipin niyo kung saan kayo puounta at doon kayo makakarating, hawakan niyo iyan ng madiin malapit sa dibdib ninyo." Sabi ko at inabutan ko na ang lahat. At ang pinakahuli ay si Z. Napatingin siya sa akin bago sa puting bilog.

"Alam mong hindi kita iiwan dito Stacia.."

"Kailangan niyo, maraming kawal ni Balzar sa palasyo at kailangan niyo silang tapusin para matapos na ang lahat. May naiisip na akong plano at kapag narito kayo ay iintindihin ko pa ang kaligtasan niyo. Umalis na kayo ngayon na.." sabi ko ng lumalakas na nag hangin dahil inihigop ito ng itim na bilog.

Lumihera sila at sa pinakadulo ay si Z.

Pumikit sila at ang puting bilog na hawak nila malapit sa dibdib nila ay unti-unting naglabas ng puting usok na hanggang sa bumalot na sa kanila ang puting usok na iyun.

Napatingin ako kay Z na nakatingin lang sa akin hanggang sa mabalot na sila ng puting usok.

Ngayon ay iisa nalang ako rito, medgo nakaramdam ako ng kunting lungkot pero para sa kaligtasan nila iyun.

Napatingin ako sa kinaroroonan nila kanina na tuluyan na silang nawala roon. Naisip ko lang iyun sa utak ko at sinubukan kong gawin at tagumpay naman.

Napakunot ang noo ko ng makakita ako ng puting usok sa paa ko na galing sa likod.

Napalingon ako sa likod ko at ang labi na pamilyar sa akin ay lumapat sa labi ko.

Napapikit ako dahil doon at ilang segundo pa bago iyun humiwalay sa akin.

Hinawakan ni Z ang pisnge ko at binagbabangga ang mga ilong namin.

"Bakit ka narito?" Tanong ko sa kaniya na ikinangiti niya lang.

"Inisip ko na sa tabi mo lang ako.." sabi niya at bigla akong niyakap.

"Hindi ba sinabi ko sa iyo na sa tabi mo lang ako kahit na anong mangyari. Kung ano man ang mangyari saiyo ay narito lang ako." Sabi nito at napatingin sa akin. Hinawakan niya ang dalawang pisnge ko.

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon