CHAPTER TWENTY-THREE

105 12 0
                                    

Stacia's POV

'Anak, alam kong pagod ka na, darating ang araw na magkakasama tayo ng papa mo. Sa lugar na masaya tayo, wala ang sakit, wala ang gulo. Nagtitiwala akong kayo mo yan, wala man sayo ang kapangyarihang singsing ay matatapos mo ito. Isang payo ko para saiyo anak, balikan at unawain mo ang nakaraan. Dahil hindi lahat ay nagsasabi ng totoo. Alamin mo iyun...may tiwala ako saiyo..'

'Ma!!!!'

'Nasaan ka?'

'May tiwala ako saiyo, Stacia. Kami ng papa mo. Pansinin mo ang paligid dahil sila ang magsasabi saiyo ng totoo. Hindi lahat ng nakikita ay totoo, dapat mong pakinggan ang lahat...'

'Ma?....ma!!!!'

...............
.....

...

"Ma!!!!" Sigaw ko at agad na napatayo pa ako sa kinahihigaan ko. Napatingin ako sa paligid at nasa lupa ako.

Wala na ako sa tubig?

Nasaan na sila? Nalunod ako, patay na ba ako?

Agad na lumabas ako na sa parang tent. Agad na nakita ko ang mga kawal na nag-aayos ng ibang tent. Nakakatuwang lagi sipang may baon na malapat na trapal.

Parang hindi nila ako napansin dahil tuloy lang sila sa paggawa ng kanilang ginagawa.

Nagpatuloy ako sa paglakad at agad na napakunot ang noo ko dahil sa dami ng mga bulaklak.

Hindi ko makita sina Dani at Drix at pati na rin si Z.

Nalunod ako tapos nandito ako, sinagip niya ba ako?

Sa tingin ko oo, dahil buhay pa ako pero hindi ko alam kung siya iyun?

Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa nakita ko na ang buong lawak ng lugar. Puro bulaklak ang nakikita ko hanggang sa pinakadulo ng lugar. Eto na ba ang paraiso ng mga bulaklak. Nakakapagtaka na hindi na masyadong mainit dito sa lugar dahil maraming ulap.

Nagpatuloy ako sa paglakad at agad na napatigil ng makaramdam ako ng kakaiba. Bakit parang napunta na ako dito?

Tama, yung sa panaginip ko. Yung babaeng puting anino. Si Siw-siw, kumukulog at umuulan. Kumikidlat at walang pasilungan.

Maganda ang tanawin ng biglang mangyari iyun.

May pahiwatig pa iyun?

Ang ganda ng mga bulaklak at ang sinabi nila na aksidenteng nakahulog si mama ng buto rito.

Si mama....

Napanaginipan ko siya, nagtitiwala siya sa akin. Madilim ang paligid pero naririnig ko ang boses niya. May tiwala siya sa akin na matatalo ko si Balzar. Alam kong imposibleng mangyari iyun dahil wala sa akin ang singsing pero sabi ni mama ay kaya ko kahit na walang singsing.

Kaya ko....

Agad na napalaki ang mata ko ng may humawak sa kamay ko mula sa likod ko. Agad na nilingon ko iyun at nakita ko si Z. Hawak niya ang isang kamay ko at nakatingin lang siya sa akin.

"Ayos ka na, masaya akong makita kang gising..."

Sabi nito sa akin, napakunot ang noo ko dahil hindi kami bati diba? Tapos nandito siya sa harapan ko at nakangiti at hawak pa ang kamay ko.

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon