Stacia's POV
Ibang pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon. Napapagitnaan ako ng dalawang pinuno.
"Bihira ka lang pumunta dito Prinsipe, pumupunta ka lang dito kapag may gusto kang ikulong..."
"May gusto nga akong ikulong.." sabi niya at nagtitigan na sila.
"Amm..ehem.." Napatingin naman sila sa akin.
"Z, may pupuntahan kami ni Drix.."
"Saan naman?"
Tanong niya at nakakunot pa ang noo nito.
"Sa hardin ng Zyronia!" Masayang sabi ko. Pero nakakunot parin ang noo nito.
"Alam mo ba ang pinagsasabi mo, ang hardin na iyun ay lugar ng mga taong nag-iibigan. Gayun ba agad kayo?"
Agad na parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Napatingin ako kay Drix, hindu naman niya sinabi..
"Gusto niya lang puntahan Prinsipe, wala namang masama kung pupunta kami doon bilang magkaibigan lang"
"Alam ko na ang pinaggagawa mo Drix, at kahit yun pa ang layunin mo ay iba parin ang tingin sa inyo doon ng mga tao. At ikaw naman Stacia, kailangan mo nang magpahinga at magpalakas dahil bukas ay sisimulan na kitang turuan. Pasensiya kung hindi natuloy ang pagpasyal ninyo dahil sasama si Stacia sa akin sa mga lagayan ng armas.." sabi ni Z at tumalikod na at naglakad.
Napatingin ako kay Drix at nakangiti lang ito sa akin.
"Pasensiya ka na ahh, hindi na ako makakasama sa iyo. Kailangan ko palang magsanay sa lahat. Malay mo sa susunod ay makasama kita doon. Pasyal-pasyal lang bilang magkaibigan. Ikaw na bahala sa mga alaga ko diyan.."
Tumawa ito sa sinabi ko.
"Mga alaga?" Tanong niya habang tumatawa.
"Oo, mga alaga ko sila.." sagot ko naman sa tanong niya.
"Kakaiba ka talaga."
"Yun ang sabi ng iba.."
Tumawa lang siya ulit pero nawala din yun ng tinawag na ako ni Z.
"Stacia!!!"
"Eto na!!! Sige paalam na Drix." Sabi ko at tumango lang ito.
Sumunod na ako kay Z na naghihintay sa akin. Nang magkatapat na kami ay tumalikod na ito at naglakad muli.
Tahimik lang kami na pumupunta sa isang kwarto na sinasabi niyang lagayan ng mga armas daw nila.
Nang makapasok kami doon ay tama nga. Kulay red ang buong kwarto. Ibang-iba sa labas. Iisipin kong ito yung Red room sa Fifty Shades of Grey
ang pagkakaiba nga lang ay puro armas ito at walang kama. Lahat ng sulok ay may armas. Malawak ang silid, sobrang lawak.Pero paano nagkaganun. Sa sobrang lawak nito ay imposibleng may ganitong kalawak sa palasyo nila.
"Z, paanong--"
"Ganito ang buong silid, sobrang lawak, simple lang. Mahika ang may gawa nito. At ang mahikero ang gumawa. Minsan ay iniisip ko na sa panlaban lamang ang mahika pero maaari din sa mga ibang bagay..."
Ahhh...kaya pala ganito.
Napatingin ako kay Z habang inaayos ang ibang armas.
"Ano ba ang kapangyarihan mo?"
"Kayang alamin kung buhay o hindi na ang isang tao. At ang lakas ko.sa paglaban. Yun lang ang meron ako.."
Napatingin siya sa akin at ngumiti. Ang ngiti niya lang talaga ang pampalaglag panty ehhh...
BINABASA MO ANG
See you on the other side
Fantasy[COMPLETED] " Ang mapunta sa mundong kinabibilangan mo ay isa sa pinakamagandang karanasan na naranasan ko. At kahit na maraming paghihirap akong naranasan ay hindi ako magda-dalawang isip na bumalik dito at maulit. Alam kong darating ang panahon na...