Stacia's POV
"Stacia....anak.."
Malabo ang paligid, talagang malabo..
"Gagabayin kita...kahit na hindi mo ako nakikita.."
Agad akong napatingin sa paligid pero halos ulap lang ang nakikita ko.
"Ma..?"
Agad kong tinignan ang likod at ganun nalang ang gulat ko ng bumulaga sa akin si mama.
"Anak..."
....
......
....
Agad na napabangon ako sa hinihigaan ko at hiningal.
Naramdaman kong may humaplos sa likod ng magising ako. Napatingin naman ako doon at si Z yun.
"Ayos ka lang ba?"
Tumango lang ako at napatingin sa paligid. Teka? Nasaan kami?
"Z? Nasaan tayo? Kaninong bahay ito?"
"Nasa gubat pa rin tayo ng mga mangkukulam. Gumawa kami ng simpleng masisilungan natin."
Napatingin ako sa paligid at humanga sa ginawa nila.
"Ang galing naman..." agad na napatingin ako kay Z ng matandaan na natamaan ng mahika ng mangkukulam si Drix.
"Kamusta si Drix?"
Nagbuntong hininga si Z at napatinginsa kakahuyan.
"Hindi parin siya nagising, hindi ko alam kung hanggang ganun nalang ba siya? Kung ilang araw siyang ganun?"
"Hindi parin siya nagigising...." sambit ko sa sarili. Agad na tumayo ako at ganun din si Z.
"Kagigisng mo lang Stacia, kailangan mo pang magpahinga..."
"Sapat na ang pahinga ko, kailangan kong makita si Drix.." sabi konkaya tumango nalang si Z.
Napatingin ako sa buong paligid na maraming parang mga tent na nakatayo. Agad kong hinanap si Drix at nakita ko siya doon katabi ng isang babae sa kaliwa na nakaupo lang at sa kanan naman ay si Dani na nakaupo din na masama ang tingin sa babae.
Agad na lumapit ako at napatingin naman ang dalawa sa akin.
"Kamusta siya?"
"Ganun parin, para lang siyang natutulog.." sabi ni Dani habang nakatingin sa babae.
Napatingin naman ako sa babae at agad naman itong tumingin.
"Sino ka?" Agad na tanong ko sa kaniya.
"Ako si Lia..."
Napatango naman ako sa sinabi nito.
"Paano ka nakasama kina Z?"
"Sumalakay sila sa lungga ngbmga mangkukulam at nailigtas nila ako sa mga mangkukulam. Isa akong alipin ng isa sa mga mangkukulam doon. Malaki ang pasasalamat ko dahil nawala na ako sa puder nila..."
Tumango nalang ako ulit at napatingin kay Drix. Hindi parin siya gising pero tama nga si Dani, para lang itong natutulog.
"Isa sigurong pampatulog na mahika ang tumama sa kaniya.." sabi ko habang nakatingin kay Drix.
"Kasalanan ng babaeng ito kung bakit siya ganyan. Siya dapat ang matatamaan at hindi si Drix. Kasalanan mo kaya naging ganyan ang kalagayan niya.."
BINABASA MO ANG
See you on the other side
Fantasía[COMPLETED] " Ang mapunta sa mundong kinabibilangan mo ay isa sa pinakamagandang karanasan na naranasan ko. At kahit na maraming paghihirap akong naranasan ay hindi ako magda-dalawang isip na bumalik dito at maulit. Alam kong darating ang panahon na...