CHAPTER FOUR

197 12 0
                                    

Stacia's POV

Nagising ako sa ingay ng paligid. Hindi ko pa magawang bumangon dahil sa wala akong lakas na bumangon.

Napatingin ako sa taong humawak sa noo ko na parang may sinasalat.

Napatingin din ako sa pinuno ng mga kawal. Nandoon lang siya at nakatingin sa akin.

Napakunot ang noo ko nang makaramdam ako ng init sa noo dahil sa kamay ng taong ito. Mukhang babae ito.

Agad naman niyang tinanggal ang kamay nito at napatingin ito sa pinuno.

"Prinsipe Z, ilang beses ko na pong ginagawa ang ritwal ko sa pagpapagaling. Lahat na po ng ritwal ay ginawa ko na. Sadyang kakaiba ang babeng ito. Kahit ang kaniyang kasuotan ay iiba din. Saan niyo po ba nakuha ang babaeng ito?"

Prinsipe Z?

Prinsipe siya?

"Isa siyang mangkukulam kaya siguro hindi tumatalab ang ritwal mo. Kung gayun ay wala na tayong magagawa kundi hintayin na mapagaling nito ang sarili niya." Sabi ni.... Prinsipe Z?

Umalis na yung babae kaya naiwan nalang kami sa isang kwarto. Napatingin ako paligid na kakaiba ang lugar na ito dahil may paru-paro sa paligid. Parang nasa garden kami pero kwarto..

"Gising ka na, hindi ka mapagaling ng mga manggagamot sa amin. Tatlong araw ka nang nakaratay dito."

Tatlong araw?

Agad akong umupo na kinabigla ko din dahil hindi ko na naramdaman ang sakit kanina. Parang biglaang may lakas ulit ako.

Napatingin ako kay...Prinsipe Z?

"Prinsipe ka pala? Bakit ka lumalabas sa lugar mo.kung Prinsipe ka?"

"Ayaw kong maging Prinsipe, ayokong tignan ako ng mga tao dito bilang maharlika.."

"Ahhh..Z ang pangalan mo?"

Tumango lang siya bilang pagsang-ayon.

"Hmm...kailangan ko pa bang tawagin kang Prinsipe?"

"Kung maaari lang ay huwag na." Sabi nito.

Napatingin ako sa bintana.

"Anong lugar ba ito?"

"Ito ang lugar ng Zyronia. Ang aking ina ay ang Reynang Zenia at ang aking ama ay ang Haring Zigro. Ako na iisa nilang anak ay kailangan gawin ang mga gawaing panlalaki lamang..."

Napatingin ako sa kaniya at bahagyang napangiti.

"Dapat lang, nakakabigla naman kung nakasuot ka ng pang-prinsesa tapos kumilos na parang prinsesa.." sabi ko at tumawa na.

Nawala ang pagkatawa ko ng matandaan ko si Siw-siw.

"Si Siw-siw?!! Kailangan ko siya, nasaan siya? Sinaktan niyo ba siya ulit? Nandoon pa rin ba siya sa kulungan niyo? Bakit niyo silang sinasaktan!?"

Lumapit ito sa akin kaya agad akong umalis sa higaan at tumayo na. Napatigil siya sa paglakad ng makiya niya akong nakatayo.

"Napagaling mo nga ang sarili mo.."

"Oo, magaling na ako kaya kailangan ko silang puntahan..."

"Isang malaking palaisipan sa mga kawal at sa akin din na kung bakit ang mga sugat nila ay biglaan nalang gumaling. Ikaw ang unang taong pumasok sa isip ko dahil isa ka ngang mangkukulam. Pinagaling mo sila sa hinding maintindihan mong awitin.."

Yung kumanta pala ako ay napagaling ko sila?

"Paano mo nalaman? Nandoon ka ba?" Bigla itong tumingin sa ibang direksyon at nagsalita.

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon