Stacia's POV
"Ayos na ba siya?"
"Ayos lang siya Mahal na Hari, nasa kaniya na ang singsing na magpapagaling sa kaniya. Mamaya lamang ay magigising na siya"
Naramdaman kong may humaplos sa pisnge ko at pamilyar ang init na naramdaman ko sa palad nito.
"Natapos niya na ang tungkulin niya dito sa mundong ito, aalis na siya.."
Napakunot ang noo ko at dahan-dahang dumilat. Agad na nasilayan ko ang liwanag na nanggagaling sa bintana bago dumako ang tingin ko sa apat na tao na nasa loob ng kwarto.
"Gising na siya.." sabi ng babae na pamilyar sa akin.
Ahhh...yung manggagamot.
"Aalis na ako para makapag-usap kayo." Sabi ng manggagamot na sinang-ayunan naman ng hari.
Nandito ang hari! At saka reyna!
Napatingin ako kay Z na tipid lang ang ngiti nito. Mukhang masaya siya na nagising ako at hindi rin.
Dahan-dahang akong bumangon na inalalayan naman ako ni Z.
Napatingin ako sa Hari at Reyna na masayang nakatingin sa akin.
"Masaya kaming nagising ka Stacia at malaki ang pasasalamat namin sa iyo dahil natalo ang pwersa ni Balzar at si Balzar din. Aasahan mo na ang larawan mo ay isasabit katabi ng dating Reyna na si Anastasia." Sabi ng hari na nakangiti sa akin.
"Hindi ako mapaniwala na anak ka ni Anastasia, magkamukha naman kayo pero hindi ko parin inaasahan iyun. Isa kang prinsesa sa mundong ito Stacia.."
Napangiti ako sa sinabi ng reyna.
Ako, isang prinsesa.
Prinsesa Stacia at Prinsipe Z.
Napangiti ako ng lihim dahil parang sakto lang sa aming dalawa.
Pero agad na nawala ang ngiting iyun dahil sa narinig ko kanina.
Tapos ko na ang tungkulin ko ditong sa mundong ito, kailangan ko ng bumalik sa pinang-galingan.
Ang mga alaala ko rito ay babaunin ko hanggang sa tumanda ako.
"Bukas Stacia ay maaari ka ng bumalik sa mundo mo. Tutulungan ka ng ibang may alam sa mahika at alam ko namang pati ang mga diwata ay tutulungan ka." Sabi ng Hari kaya napatingin ako kay Z na nakatingin lang din sa akin.
"Kung gayun po ay sige po.."
Banggit ko habang nakatingin kay Z. Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya.
"Sa totoo lang ay nalulungkot ako sa pag-alis mo Stacia dahil alam kong magkasintahan kayo ng anak ko. Pero alam ko namang hindi mo pwedeng iwan ang mga mahal mo sa buhay sa mundong kinabibilangan mo. Nalulungkot lang ako sa sitwasyon na meron kayo.." sabi ng reyna kaya napatingin ako sa kaniya.
"Huwag kang mag-alala Stacia dahil mamayang gabi ay maghahanda kami ng isang okasyon na para saiyo. Bilang pasasalamat narin saiyo.."
Tumango nalang ako sa sinabi ng hari.
"Iwan muna namin kayong dalawa, ipapahayag ko na ang sinabi ko para makapaghanda ang lahat." Sabi ng Hari kaya tumango nalang ako.
Nang kami nalang ni Z ay agad na hinawakan ko ang pisnge niya.
"Huwag kang malungkot, alam mo naman na darating ang araw na ito. Kapag nakikita kitang malungkot ay malungkot din ako, ayaw mo namang sigurong malungkot ako diba?"
"Ayaw kong nakikita kitang malungkot kaya kung kailangan kong hindi malungkot ay gagawin ko." Sabi nito kaya napangiti nalang ako.
"Ang pangit naman niyon, kinokontrol ko ang emosyon mo. Ayaw ko ng ganun, kaya sige. Maaring ka nang makaramdam ng lungkot.." sabi ko at tumawa nalang. Gusto ko kasing maging magaan ang pakiramdam ni Z at sa akin din. Kung pagtawa ko ang magpapagaan sa nararamdaman niya ay gagawin ko din kahit na salungat ang nararamdaman ko sa loob-loob ko.
BINABASA MO ANG
See you on the other side
Fantasía[COMPLETED] " Ang mapunta sa mundong kinabibilangan mo ay isa sa pinakamagandang karanasan na naranasan ko. At kahit na maraming paghihirap akong naranasan ay hindi ako magda-dalawang isip na bumalik dito at maulit. Alam kong darating ang panahon na...