Stacia's POV
Buong araw kung hindi nakita si Drix na talagang nakakalungkot. Hindi ko alam kung bakit?
Nakasalampak lang ako sa munting mesa at nakayuko doon. Balak ko sanang makita siyang magsanay sa tubig. Ang sabi kasi ay may kapangyarihan ito sa tubig kaya gusto kung makita iyun.
Pero mukhang iniiwasan ako ni Drix, may balak din sana akong pumunta sa Hardin dito.
Agad na may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Agad naman akong napatingin doon at nandoon nakaupo si Z.
Nang makita kong siya iyun ay bumalik ulit ako sa pagkasalampak doon. Nakapatong ang braso ko at ang ulo ko naman ay nakapatong sa braso ko.
"Mukhang wala kang buhay, hindi ka masaya. Anong meron?"
"Amm...hindi ko kasi nakikita si Drix, mukhang iniiwasan ako.."
Hindi sumagot si Z sa sinabi ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakakunot ang noo nito at nakasalubong ang kilay.
"Z--"
"Nagkakaganyan ka dahil hindi ka pinapansin ni Drix? Ganun ba?"
"Kasi nang makita niya itong kwintas na bigay mo ay doon na nagsimula. Sabihin mo nga sa akin Z.."
Nakita kong napalunok siya. Napatingin siya sa ibang direksyon at binalik sa akin. Mukhang hindi siya mapakali.
"Stacia--"
"Hindi sayo no.., kaya siguro hindi na ako pinapansin kasi baka galing ito sa kaniya. Ikaw talaga ahhhh"
"Sa akin yan! Ako ang gumawa niyan!"
Napatingin ako sa ibang direksyon at hinawakan ang kwintas bago binitawan ulit.
"Ganun ba, wala naman na ding mangyayari kung pag-usapan natin ito. Hindi na ako pinapansin ni Drix, kahapon ay nakita ko lang siya biglang siya umiwas sa akin. Hindi ko namang alam kung bakit. Siguro ay talaga sa kwintas na ito."
"Kung gayun ay tatanggalin mo yan?" Sabi ni Z at talagang seryoso na ito.
"Hindi ahh..bigay mo ehh" sabi ko at ngumiti pa, baka magbeast mode din ito at hindi din ako pansinin.
Nakita kong napangiti ito at hinawakan ako sa balikat.
"Huwag mo munang pansinin ang pag-iwas sayo ni Drix. Malay mo ay talagang abala lang siya kaya wala siyang oras para makipagkamustahan. Intindihin mo nalang siya.."
"Ganun ba?, sige. Wala naman akong magagawa ehh, sayang nga lang kasi dapat ngayon ay pupunta na kami doon, sayang lang.."
"Saan naman?"
"Doon sa Hardin dito.."
Nagsalubong na naman ang kilay nito. Maglalagay na talaga ako ng bagay diyan sa pagitan ng kilay niya para hindi magsalubong.
"Kung hindi niya ako pinapansin ay wala na akong kasama sa pagpunta doon.."
"Pwede naman ako.." sabi ni Z kaya agad na napatingin ako sa kaniya.
"Sasamahan mo ako doon, diba kapag magkasintahan lang naman ang lugar na iyun at baka mapagsabihan ka ng masama kapag kasama ako. Huwag nalang.."
"Hindi ako pagsasabihan ng masama."
"Oo nga pala, Prinsipe ka.." sabi ko at agad na tumawa.
Tumayo ako at agad na napatingin kay Z na nakaupo parin.
"Bakit nandiyan ka pa? Tara na!"
Tumango lang si Z at tumayo na sa inuupuan niya. Agad kong hinawakan ang kamay niya dahil sa bagal niyang tumayo at paglakad. Ng makalabas kami doon ay binitawan ko na ang kamay niya dahil hindi ko alam ang pagpunta doon.
BINABASA MO ANG
See you on the other side
Fantasia[COMPLETED] " Ang mapunta sa mundong kinabibilangan mo ay isa sa pinakamagandang karanasan na naranasan ko. At kahit na maraming paghihirap akong naranasan ay hindi ako magda-dalawang isip na bumalik dito at maulit. Alam kong darating ang panahon na...