Stacia's POV
Halos ang lahat ng nakikita ko ay puro naglalaban. Hindi ko makita si Z.
Pumunta ako sa loob ng palasyo at halos ng madaanan ko ay may kalaban. Nang matalo ko ang isa doon ay kinuha ko ang espada nito bilang armas. Nang makapunta sa bulwagan ay nakikita kong ayos naman ang hari at reyna dahil may bantay ito, kasama din nila ang mahikero.
"Stacia, iligtas mo ang Zyronia.." agad nalang akong tumango bago umalis. Hindi ko na pala kasama si Drix. Naiwan ito sa labas kaya agad na akong pumunta sa labas.
Tuloy parin ang laban, halos minu-minuto ay may sumasabog. Sumali na ako sa ibang lumalaban, parang hindi sila nauubusan. Bawat mamamatay na kalaban ay may dumadagdag. Napatingin ako kay Dani na lumalaban din dahil may kalaban sa likod nito.
Agad kong sinasaksak sa likod ang kalaban kaya bumagsak ito. Napatingin sa likod si Dani ng maramdaman niyang may bumagsak sa likod nito. Napatingin ito sa akin at tumango lang kaya tumango ako.
Nagpatuloy parin ang laban, hindi ko parin makita kung nasaan si Z. Kailangan ko paring mapuksa ang mga kalaban dahil maraming tao dito ang hindi makalaban. Nang matapos na mapatay na naman ang mga kalaban dito sa palasyo ay agad na lumabas ako. Dito sa labas ng palasyo kung saan maraming kabahayan. Ang ibang tao ay pumunta na sa palasyo dahil wala nang kalaban doon.
Hindi ko namalayan ang kalaban sa likod ko. Napatingin ako agad doon at makikipaglaban na sana ulit ako ng may pumatay iyun mula sa likod ko. Napatingin ako sa taas ng makita ko si Siw-siw. Malaki siya kaya pala...
"Siw-siw!!" Agad kong tawag at niyakap ito sa higante niyang kamay. Tumango lang siya, napatingin ako sa likod niya ng makita ko ang iba pang mga halimaw na nakakulong na pinakawalan. Lahat sila ay tutulong sa amin dahil nakita kong lumalaban na ang iba sa kampon ni Balzar.
Napatingin ako sa likod nila at nakita ko si Drix. Siya ang nagpakawala sa kanila. Napatingin din ito sa akin at napangiti. Ngumiti din ako at nagpatuloy ulit sa paglaban.
Sa ilang minutong paglalaban ay marami na akong ilang hiwa sa braso pero hindi ko na ininda pa. Hindi ito ang tamang oras para mawala sa sarili at matakot.
Agad akong nabuhayan ng makita ko si Z na kumakalaban sa isang malaking halimaw. Napatingin ako kay Siw-siw na hinampas niya lang ng kahoy iyung malaking halimaw. Napatingin ako kay Z na kakalabanin din niya yata si Siw-siw.
"Z!! Huwag!!" Agad kong sigaw na napatingin naman ito. Lumapit ako doon at hinawakan ang higanteng kamay ni Siw-siw.
"Kaibigan ko siya, tutulong siya at ang iba sa atin. Sila yung nakakulong doon.." tumango lang siya at may binigay. Mga pulang tali.
"Itali mo sa mga ibang kasama niya para hindi sila mapagkamalang kalaban. Ang alam ko ay sampu ang lahat. Hanapin mo ang siyam at itali mo ito sa kanila sa isang kamay nila.."
Tumango nalang ako at si Z naman ay itali ang isang kamay ni Siw-siw. Matalandaan na hindi sila kalaban.
Agad kong hinanap ang siyam at madali lang silang hanapin dahil ang lima ay magkakatabi sa paglaban. Nang matali ko sa isang kamay nila ay hinanap ko ang apat pang natitira.
Nakita ko ang apat sa ilang kabahayan at lumalaban sila. Tinutulungan ko muna sila bago ko itinali.
Ang mga kalaban ay kulay pula at itim ang mga balat at may mga suot silang bakal. Ibang klaseng bakal. Mga halimaw din sila pero marunong silang gumamit ng espada.
Napatingin ako sa isang kawal na natumba kaya agad kong kinalaban ang halimaw na kalaban nito. Muntik na akong masaksak nun kung hindi agad ako nakakaiwas. Nang mapatay ko yun ay tinulungan ko ang kawal na tumayo.
BINABASA MO ANG
See you on the other side
Fantasía[COMPLETED] " Ang mapunta sa mundong kinabibilangan mo ay isa sa pinakamagandang karanasan na naranasan ko. At kahit na maraming paghihirap akong naranasan ay hindi ako magda-dalawang isip na bumalik dito at maulit. Alam kong darating ang panahon na...