Stacia's POV
Minsan ay nagigising nalang ako sa puting anino pero hindi ko na pinapansin pa pero minsan ay hindi niya na ginagawa ang kumpas. Nakatayo nalang ito doon at parang pinapanood ako.
Hindi ko na pinapansin pa, isa kasi daw yung diwata na tinutulungan ako. Ang sabi ng iba.
Naglalakad lang ako ngayon kung saan ako dadalhin ng paa ko. Si Z kasi ay abala ito sa pagsasanay. Natatawa nalang ako dahil dapat ay nagsasanay ako pero ang sabi ni Z ay kailangan kong husayan sa iniensayo kung mga atake.
Napatingin ako sa isang mapunong lugar dahil nakakarinig ako ng agos ng tubig roon. Kaya agad ko iyung pinuntahan.
Napakunot ang noo ko ng makakita ako doon ng talon din. Ang dami namang talon dito.
Pinaliit ko ang mata ko dahil may naaaninagan akong tao doon. Dahan-dahang akong lumapit hanggang sa malapit na nga ako.
Si Drix pala iyun at nagsasanay ito sa tubig. Pinapanood ko siya na inaangat ang tubig. Hanggang sa gawin niya iyung parang maliit na ipo-ipo.
Pinapanood ko lang siya. Ang galing niya pala sa tubig, dahil yun naman ang kapangyarihan niya.
Sinubukan ko ulit na lumapit pero naglikha lang iyun ng ingay kaya napalingon sa akin si Drix. Nakakunot ang noo nito na nakatingin sa akin.
"Amm..ano ang daming puno dito kaya pinuntahan ko at dahil naririnig kong may agos ng tubig at hindi ko alam na nag-eensayo ako rito. Ammm nagambala ba kita?"
"Hindi, dito ako nagsasanay at saka wala ka namang ginawa para....wag mo nang intindihin..."
Huminga ako ng malalim bago nilapitan ito.
"Drix, galit ka ba sa akin?"
Napatingin ito sa akin at nagbugtong hininga. Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa braso.
"Hindi ako galit sayo, galit lang ako sa sarili ko dahil naunahan ako..." sabi nito at lumayo kunti.
"Hindi ka galit sa akin, pero hindi mo ako pinapansin.."
"Pasensiya doon, hindi ko lang mapaniwala ang sarili ko na gusto ka din ng Prinsipe..."
Gusto ako ni Z. Di nga?
Agad na namula ang pisnge ko sa kaisipang iyun.
"Hindi naman, binigyan niya lang ako nito ehh gusto na agad.."
"Alam ko yun, alam kong gusto ka niya. Matalik kong kaibigan ang Prinsipe at may utang na loob ako sa kaniya. Hindi ko lang gusto na ikaw ay ipaubaya ko sa kaniya."
"Teka, teka. Hindi kita maintindihan Drix, anong ipaubaya. Linawin mo nga ang pinagsasabi mo, maaari ba?"
Hindi siya nagsalita at pumunta sa tubig. Napakunot ang noo ko ng makita kong naglakad siya sa tubig. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa mangha.
Nagagawa niya iyun?
Napakunot ang noo ko ng hindi niya paring sinasagot ang tanong ko.
"Drix ang tanong ko--"
"Hindi ko pa masasagot iyun, maaaring sa susunod nalang.."
Tumango nalang ako at pinanood siyang mag-ensayo. Napatingin ako sa kaniya ng patuloy parin sa pag-ensayo kaya ng pinataas niya ang tubig ay agad niyang nabitawan ka matatapunan na sana ako ng pinagharang ko ang kamay ko bilang pagtakip sana sa mukha ko at napapikit, pero hindi ako natapunan. Napadilat ako at ganun nalang ulit ang pagkamangha ko ng naging yelo iyun.
BINABASA MO ANG
See you on the other side
Fantasy[COMPLETED] " Ang mapunta sa mundong kinabibilangan mo ay isa sa pinakamagandang karanasan na naranasan ko. At kahit na maraming paghihirap akong naranasan ay hindi ako magda-dalawang isip na bumalik dito at maulit. Alam kong darating ang panahon na...